March. March. March. Kelangang umusad. Maski isang hakbang lang. Sayang ang 21st year ko. Ayokong maging kasing lungkot ng 21 ko ang akbum na 21 ni Adele. Ayokong matulad sa kanta niya na mag-roll in the deep. Hakhak.
Ito lang naman gusto ko. First time kong gagawin itong mga ‘to (nang may muang), kaya eksayting.
~ magkulay ng buhok
~ makapunta sa Grouse Mountain (Sa April pa)
~ mag-ipon para makabili ng Lomokino, tapos video shoot na agad.
~ matulog ng 6-7 oras araw-araw
~ uke song, yung buo hindi lang chorus (hakhak)
Lima lang yan, pero tamad ako kaya duda ako sa sarili ko. Pero syempre gusto ko talagang maaccomplish yan bago matapos ang March, kaya pipilitin ko sarili ko. Gusto ko lang naman bigyan ng tsansa ang sarili ko na maging bata ulit na madaming iba’t ibang activities, hindi lang yung tulog-kain-internet-school life cycle. Gusto ko ng new activities, para may kakaiba naman akong ginagawa. Maski na mababaw. E bat ba. Ang masasabi ko lang e, “We have different definitions of FUN.” Enjoy life na lang.