Pasakalye

Bakit ba tayo nagboblog? AKo? Bakit nga ba ako napasok sa ganitong mundo?

Dahil ba…

a.) Nakikiuso dahil ito ang ‘in’ ngayon?

b.) Para magkaroon ng friends online?

c.) Wala lang. Eh trip ko eh.

Ah ewan! Kung ano man ang dahilan, ‘wag na nating problemahin iyon. Problemahin na lang natin kung ilang bituin ang nakahiga sa langit sa panahon ngayon. Hakhak. Joke! =P Tawa ka naman. Pasakalye lang naman ito eh. Puro echos lang. Walang kadramahan at kung anu- anong makamundong mga isyung ating tatalakayin. (Anu daw?)

Hakhak. Ewan lang ako. Parang yung nagtatanga- tangahang tanga. Hakhak! Kaya lang naman ako nagblog kasi gusto kong magsulat. Magsulat ng magsulat buong magdamag. Nauubos na kasi ang pera ko kakabili ng sandamakmak na notbuk na tinatapon rin naman ng kuya ko ‘pag biglaan siyang naglilinis ng bahay. Oh di ba. Badtrip. Tapos eh di mapupunta yung notbuk sa ibang kamay; sabihin na nating sa basurero (kunyare) eh di nababaduyan na sila sa mga kwentong batopik ko dun. Pero feeling ko deep inside sa mga basurerong nakabasa nung natapon kong notbuk-slash-Latak-Nokbuk ay naaliw din yung mga yun. Hakhak. Joke lang. Niwala ka naman. Utu-uto! Hahahahahahahahahahahahaha!!! =P

Hindi naman ako naghahangad maging isang manunulat, ang gusto ko lang ay magsulat; Hindi maging isang manunulat. Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag lahat ng saloobin mo sa isang bagay ay buong kusang- loob mong nilabas nang walang pag-aalinlangan. Hakhak. Try niyo. Parang pag-inom lang ng malamig na tubig sa ilalim ng nag-iinit na araw. Humahagod. Hakhak. Kakaaliw. At saka, ang sarap kasing paglaruan ng mga salita. Hindi sila umaangal. Ang sarap maging diktador maski manlang sa pagsulat. Kontrolado mo lahat, pati ang panulat mo.

Hakhak. Oha! Hanep sa orayt! Kaya kung ako ikaw, hindi ako magiging ikaw, kasi ikaw ay si ikaw at ako ay si ako, kaya mahirap maging ikaw kung ako si ako kasi nga naman ako si ako tapos ikaw si ikaw, eh pwede bang maging si ako si ikaw eh ikaw nga si ikaw? Nyahakhak! Ang labo mo tol! 

Sige na. Ayun lang. Pasakalye lang nga ito eh. Kulit mo dude! RAWR!

Leave a Reply