Kapag kasama ang mga kaibigan:
masaya.
makulit.
maharot.
busog-lusog.
happy meal :)
loading…
Kapag kasama ang mga kaibigan:
masaya.
makulit.
maharot.
busog-lusog.
happy meal :)
*The shit is bananas, B-A-N-A-N-A-S! (Ulitin ng apat na beses)*
Oo. Cheerdance. Naalala ko. Sa ayaw mo’t hindi kailangag nakapako ang iyong mga ngiti. Kailangan mong ilabas lahat ng namumuti mong ngipin sa kanilang lahat! Naiimagine mo ba ako, simula kaninang tanghali, nakapakong ngiti?
Hahahaha! (Kailangan tumawa?)
Hindi. Hindi ko iniimagine ang sarili kong sumasayaw nang ganun. Basata. Siguro, nasanay na ang mga labi ko na sa tuwing masaya maligaya ako ay hindi na ito nililisan ng ngiti. Hakhak (May ganon?)
*hiya tuloy ako*
Wala akong inaasahan kaninang umaga. Parang wala lang. Parang robot. Hindi pala parang…ROBOT pala talaga, kasi wala. As in WALA. Kaya naman “wala lang” ang umaga ko. Hanggang sa mag 11:30am, at nabasa ko sa plurk ni Mr. Tuesday aka Padre Salvi aka Pavel Chekov aka Fanboy Carl Joy na renewed na ang Chuck S3. Period. Kahit ano pang low budget ang sinasabi nila, basta magkakaron ng Chuck S3! Period!
(Energy: ++89)
Tanghali na. Normal naman, maliban sa pagdating ng aking ama. Pero parang wala lang din. Hakhak! Mag-aalas dos ng tanghali, tinatamad akong matulog, kaya tumambay ako sa duyan at nagbasa ng New Moon. Binasa ko yung nakakatawang pag-uusap nina Jacob at Bella nung inakusahan ni Bella si Jake na killer. Hakhak! Ayun lang tapos binasa ko ng paulit- ulit yung Young Blood 3. Hanggang sa nangulit si Bon (kapatid) at nag-height test saken. Matatangkaran na niya ako. OMAYGAD!
Tapos hinatak ako ng mga paa ko para silipin ang amin asos (plural) hakhak. Natutulog. How sweet. Hanggang sa napadaan ako sa letrahang-kahon (mailbox) at hindi nakawala sa nanlalabo kong mga mata ang puting papel na sumisilip na tila gustong makawala sa kanyang kulungan. Awu! Malamang alam niyo na ang next move ko. Tama! At ito na ang pinakahihintay ko—ang aking 6th term grade! WAAAAAAH!!!
Eksayted. Winasak ko ang sobre, at dali-daling tinignan ang grade sa FinAcc3. BOOM! At dyan na nagsimula ang aking nakapakong ngiti. Hakhak! Ang saya kooooooo!!! At sobrang nagpapasalamat kay Papa Lord. Faith moves mountains! yeboi. hakhak! Superkaduper to the nth level ailabyu poreber en eber Papa Lord!!!
(Energy: +++++99)
At dahil nakapasa ako, tinupad ko ang pangako ko sa aking itsy bitsy litol pinggerneyls. Hakhak! Kinulayan ko sila ng itim. Ahihihihi. Ang saya!
(Energy: *infinity*)
i wish it was raining ’cause i hate every beautiful day
1. depresyon. sa aking pagkakaintindi, ito ang matagalang kalungkutang sanhi ng di malamang dahilan. tskk. ang hirap. parang kaaway mo ang sarili mo. hay! hindi ko nga matapus-tapos ang sinusulat ko (kung anu man yung sinusulat ko) dahil ilang beses kong inulit. ang dami ko na ngang nasayang na puno eh. hay! sobrang nakakairita maging depressed. muntik ko nang madelete sina facebook, plurk at multiply dahil sa depresyon. ewan. naiibahan ako sa sarili ko. at hanggang ngayon ayaw ko pa ring magkaroon ng koneksyon sa aking mga kaibigan. hindi ko alam. gusto ko lang i-seclude ang sarili ko. ewan! nababaliw na ata ako. Sana bumalik na’ko sa dati. Nilalamon ako ng buhay ng depresyon…lalo akong humihina.
2. jane austen. limang gabi na siyang laman ng utak ko. hindi. hindi ko pa siya paboritong author. wala pa nga akong nababasang libro niya eh. hakhak. natuwa lang ako sa istorya ng Becoming Jane, sayang lang hindi sila nagkatuluyan ni Lefroy. iniisip ko lang…naging interesting sakin si jane austen. hindi ko kasi siya pinapansin sa mga istante ng national bukstor, at naririnig ko lang siya. hindi naman siya pinakilala ng titser namin nung hayskul at ngayong college. pero aware ako sa kanya, hindi ko lang talaga siya pinapansin. so, ngayon na ang moment naming dalawa. iistalk ko si jane!
3. accounting. nagsundown na at lahat- lahat. ayaw ko pa rin sa’yo. kahit may calculator na ako, ayaw ko pa rin sa’yo. binasa kita kagabi, bat ganun? employee benefits lang ang paborito kong topic? eh ang daming chapters nun. tskk. magdivorce na kaya tayo? ayaw mo? sige, ayaw ko din :) hakhak.
4. thunder. yan ang tugtog. paulit-ulit. di ako nagsasawa… your voice was the soundtrack of my summer…you’ll always be my thunder. o? ba’t naubos ang iyak ng langit? napagod din sa kaiiyak. haay! hindi umulan kagabi.. may buwan; half moon pag wala akong salamin, pero pag nakasalamin ay crescent moon. natatameme sa buwan. hakhak. :P
5. mr. postman. hey hey, mr. postman! ilang araw na kitang hinihintay, ngunit hindi ka pa rin dumadating. asan na ang grades ko? pakk! hindi ko alam kung regular pa rin ako o magiging irregular na ako. sana hindi pumalya ang signs ko. hindi naman ako umaasa… pero may tiwala ako; at naniniwala. hakhak. SANA :)
—–
Ang pag-ibig ay parang turtle na lumilipad…
…
…
…
…
…
KALOKOHAN!
Bwahahaha XP
-galing kay kristine paola sanga -ang batang mabait kapag nakapikit. at sobrang kulit na parang ibong pipit. HAKHAK. ailabyooo tin!!! poreber en eber!!! :D
AHOY!
“When you are sad, you are sick.”
Nitong mga nakaraang araw, alam ko sa sarili kong masaya ako. Masaya ako dahil sa mg taong nasa paligid ko. Pero hindi na ako nagiging masaya sa mga pangyayari sa buhay ko at sa sarili ko. Tskk!
Sa pagbibilang ko ng araw, may mga saglit na nahihirapan at nalilito na ako kung pang-ilang araw na ba ang ganitong araw etcetera, etcetera, blah blah blah! Hindi ko alam. Maraming mga bagay- bagay sa mundo ang hindi saklaw ng utak ko. Nahihilo na ako sa kumplikadong siklo ng buhay. Nalulungkot na ako, sa totoo lang. Malungkot ako sa walang kawenta- kwentang mga bagay na ginagawa at nagawa ko. Nalulungkot ako sa bawat desisyong pinipili ko. Tskk! Alam ko naman ‘yon. Heto nga ako nagsusumikap magpakabuti at i-reformat ang na-virus-an kong buhay [Henako para akong ex- convict. hakhak.]. Pero sa totoo lang, nakikini- kinita ko na wala ring patutunguhan itong pagrereformat ko. Ewan ko lang. Siguro meron kahit papa’no…pero ewan. Hindi ko na talaga alam. Tskk! Ang taas ng porsiyento na wala na talaga akong magagawa eh. Parang virus lang na walang lunas. *buntong hininga*
Nagpapanic na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Maaabutan na naman ako ng oras. Ang hirap. Di ko na yata kayang kalabanin ang oras. Kinakabahan ako. Nalulungkot. Natatakot. Haaay! Kung malungkot ako, eh di ibig sabihin may sakit ako? Siguro nga, kasi nanghihina na ako eh. Di ko na talaga kaya… o iniisip ko lang na hindi ko kaya? Kailangan ko pa ng tiyaga. Haaay. Ewan ko!
Wala akong pakialam kung nanahimik na panghabambuhay si Marky Cielo. Wala din akong pakialam kung nanalo si MP at gusto niyang kalabanin si Mayweather. Hay nako! Pressured na pressured na nga ako dadagdagan pa ng mga outside pressures. Hakhak! Wateber. Mas may pakialam pa ako kung paano naging out of service ang fountain sa caf. Tskk. Henako. Nagpapanic na talaga ako. At dahil sa pagpapapnic ko nabuo tuloy ‘tong entry na ito. Harhar. Wateber. Makikinig na lang ako ng Power Rangers Mystic Force Theme Song. OYE! ROCK ON DUDE!!! hakhak. \m/
Malapit na ang Finals; Malapit na matapos ang 2nd term; Malapit na… RAWR!
Isang pagtakas mula sa pagdedeliryo.
Hooray! TAO AKO! Hindi pala ako robot na kapag nasira ay sa junkshop na agad ang hantungan. Tao pala ako na nagkakasakit at kailangang magpagaling para sa ikauunlad ng kanyang accounting at non-accounting subjects.
Nakakalimutan ko na atang matulog at magpahinga. Masyado ko na atang inaabuso ang katawan ko. Ginagawa kong umaga ang buong 24 oras. Ginagawa kong araw ang mundo; kinakalimutan ang gabi. Nakakalimutan ko na namang may red light din pala sa mga traffic lights. Kailangan din palang magstop. STOP. Kaya pala pula ang balat ng Kitakat eh, para daw tumigil muna… ‘ika nga, “Have a break, have a Kitkat.” Yun pala yon! TAMA!
Magpapahinga na ako. Magpapakatino. Kakain sa tamang oras. Matutulog ng maaga. Magpapakabuting bata Hay! Tao pa rin pala ako. Akala ko kasi ako na si superwoman eh. HAKHAKHAK! Siguro isa lamang itong pagpapaalala sa akin na TAO pa rin ako- TAYO; Mahina at nauubusan din ng kalakasan. Kaya ikaw, tigilan mo na rin ang pag-aambisyon na isa kang superhero o kaya bampira. MATULOG KA NAMAN!
These are all just random fluctuations.
[draybtru dahil may edeyk si batopik.]
[tapusing basahin...kundi...hindi ka cute! hakhak. joke! =P]
INTRO:
Isang araw nagawi ako sa pulang tindahan ng mga libro. Nakakita na ako ng Erick Slum Book. At grabe! Napa-WOW ako sa halaga! Tumataginting na apat na raan dalawampu’t lima! Howemigawd! As in Hooooowweeemigaaawwd! rawr! Mas mura pa si Breaking Dawn kesa kay Erick Slum Book. Langya oh! Syempre sawi pa rin ako sa Iskrapbuk kong pinakamamahal. Sino ba kasi ang hinadupak na nanghiram ng libro ko na hindi binabalik eh. Yun pa naman ang peborit kong libro. Tskk! Love in the Time of Cholera pa pala pangarap kong basahin, pero ayaw kong angkinin. Wala lang. hehehe.. Nananawagan na ako… Kung sino man ang may Love in the Time of Cholera, pahiraaaaaaaaaaaaaaam!!! Nagmamakaawa akooooooo!!! Hakhak. Isa pa. Last na ito. Pabasa din ako ng The Graveyard Book ni Neil Gaiman! Siyet! May drawing yung libro! Hakhak. Nacurious ako. Mukhang cute!!! :D hihihi… ayun lang.
BODY 1:
HAPPY HAPPY 18TH BIRTHDAY KAY BETPLEN!!! BINATA, ESTE DALAGA NA! HAKHAKHAK! =P ALABYU!
Masaya pala kahit papaano ang Math. Natutuwa ako sa Calculus. Pramis! walang halong sarkasmo. totoo ang nraramdaman ko sa Calculus. Ngayon lang ako nagenjoy sa Math. Pero hindi ibig sabihin ay gusto ko na ang Math. Ayaw ko ng addition, subtraction, multiplication at division—lalo na kung may halong letra pati mga linya na kung anu- ano. Patay na! Pero natutuwa talaga ako sa Kalkyulus. Nakakaenjoy aralin at matutuhan ang kalkyulus. Ang saya ng limits at ng iba pa!!! :D haaay! Sana kasing enjoy ng Accounting ang Calculus para ganahan naman akong magsipag sa buhay. Ewan ko ba. Hindi talaga ako interesado sa Accounting. Hindi ako makarelate. Hindi ko naiimagine ang bawat chapter sa libro— I mean, hindi ko maimagine na maaalala at maaapply ko lahat ng “pinagaralan” ko sa accounting sa totoong buhay. Ewan! hindi ko lang makita ang sense ng accounting sa buhay ko. Magulo. Malabo, mas malabo ka pa sa mga mata ko!!! Rawrr!!!
BODY 2:
Dalawang buwan? Di na yun matagal. Sus! Ilang tulog lang yun. Tutal, kailangan ko din namang tapusin lahat ng mga librong nakatambak sa headboard ng kama ng magulang ko [nakikitulog lang kasi ako. simula pagkabata katabi ko na ang magulang ko sa pagtulog. hanggang sa hindi na natutulog ang mga magulang ko sa amin, naging kama ko na ang kama nila. hakhak. namin pala ng lil bro ko. sinolo ko naman. sori naman. hakhak] AT isa pa, hindi pa ako nakakakalahati sa 1000 paper cranes ko… Nakaka 200 pa lang ata ako. Hindi ko pa nabibilang ulit. tskk! Pahinging papel!!! waaaaah!!! Kailangan kong makagawa ng isang libong paper cranes bago magpaalam ang 2008. Magpapakabait na ako. Hindi ko na talaga aabusuhin ang sarili ko. Matutulog na ako ng mas maaga. Haaay! Pero sa ngayon, ang saya ko pa rin kasi bilog ang buwan. Lalo na kapag dilaw na dilaw ang buwan na parang uso din sa buwan ang nagkakahepatitis. Nakita ko kanina may hepa ang buwan hanggang sa naging albino na ito. Nakakatuwa. Pero sempre nakakalungkot din kasi hindi naman nagpaparamdam ang lobo. Bilog na nga ang buwan, di pa rin nagpaparamdam. Ang saklap. nakakalungkot lang…pero sempre hindi ko gagawing miserable ang buhay ko dahil lang sa werewolf noh, hello?! Life is beautiful sabi sa title ng pelikula. Hakhak! Magpapakalanggam na lang muna ako hanggang sa may tumapak sa akin at mareincarnate ako sa pagiging daga. Hakhak!
CONCLUSION:
72 days na lang, Pasko na! Hindi ako papaabot ng Pasko. Babalik din ako sa Dec15. Hindi ako magtatagal dakila kong blog. Wag mo akong mamimiss… Pati na rin sa blogmates ko, wag niyo ako masyadong mamiss. Hakhak! Feeler ako noh. Hakhak! Gaya nga ng napagpustahan namin ni imaginary friend sa hypothalamus, eh heto ako sumusunod lang. Talo ako, as usual. Hakhak. Kailan ba ako nanalo. Tskk! Kaya dalawang buwan akong di magpaparamdam. Nakakaboooooorrrrrriinng!!! Mamimiss ko magbloghop! Tskk
Pasensya na sa mga palagi kong dinadalaw, hindi ko muna kayo mabibisita at makakadaldalan. Tskk! Pasesnya na. Hindi naman masyadong matagal ang dalawang buwan. Hakhak! Magmath na lang muna kayo. Sagutan niyo yung math problems dun sa previous post ko. Hakhak. Simula bukas hindi na muna ako magleleisure time sa internet at sa selepono. So long and good night! Baboooooosh! :D
PS:
Naalala ko lang… Mabilis lang toh. Nakakatuwa. Hakhak!
Mommy: I love you, Bon!!! mwah mwah!
Bon: … Opow…
Mommy: Mag I love you ka naman Bon! Sabihin mo, love you, Mommy!!!
Bon: love you, Mommy!!! :D
ahahahahaha!!! Nakakatawa.
Batopik will be back, soon.
Magpipiltrip lang siya sa buwan at Saturn! :D
Bakit ba kailangang dalawa ang mukha ng tao? Bakit kaya ganun? May mga taong kailangan pang magpakabait sa harap mo pero pag nakatalikod ka naman ay sukdulan kung isumpa ka.
Kung ayaw mo sa akin, wag mong pilitin ang sarili mong magpakabait na parang maamong tupa sa iyong pastol. Nag-iiba ang interpretasyon ko eh. Hindi kita matantsa. Hindi ko makilala ang totoo mong kulay. Akala ko mabuti kang tao, nagpapanggap ka lang pala. Pinaasa mo lang ako. Sinira mo lang ang tiwalang ipinunpon ko sa iyo. Haaay! Buhay nga naman.
Para kang nag-alok ng ispageting panis naman pala. At ako naman, itong sabik sa ispageti, kumagat sa pain mo na hindi ko namamalayang panis pala ang binigay mong ispageti. Ang saklap! Tsk tsk… Sana pinainit mo manlang! Ikaw talaga, di madiskarte oh. RAWR!!!