Archive for the 'fuchsiang ulap' Category

happy meal

September 8, 2009

Kapag kasama ang mga kaibigan:

masaya.
makulit.
maharot.
busog-lusog.
happy meal :)

Kape, ano yun?

September 8, 2009

Kape. Kape. Kape. Maraming may gusto sa kanya, pero dahil nga maraming  nahuhumaling, hindi na ako makiki-agaw pa. Ayaw ko sa kape.

Una sa lahat, hindi masarap.
-hindi ko talaga gusto ang lasa ng kape. Ayaw ng dila ko–maarte masyado. At saka sa tuwing umiinom ako, ayaw matanggal yung lasa sa dila ko, ang hirap tuloy kumain ng ibang pagkain. Tuwing umiinom ako ng kape, wala na akong ibang nalalasahan kundi kape, kape, kape.

Ikalawa, ang hirap timplahin.
-Patatawarin. Tamad lang po talaga akong magtimpla. Ang hirap pang timplahin kung gaano kadami ang asukal, gatas, at kapeng ilalagay. At saka nagkatrauma na ako. Perstaym kong magtimpla ng kape, isang kutsara ang nilagay ko. ANG PAIT.

Ikatlo, nakakaihi.
-ewan ko ba. Hindi naman madami yung tinitimpla ko, pero mabilis napupuno ang pantog ko. Di ko nga maipaliwanag eh, ang weirdo. Naiihi na lang ako bigla. Paano pa pag papatulog ka na, istorbo, lalo ka lang hindi makakatulog. Masaklap pa, kung kailan tulog ka na, saka ka napa-ihi sa kama. Wee wee.

Ikaapat, hindi talaga ako nakakatulog.
-GRABE! Napapa-GRABE na lang ako kasi ang lakas talaga ng epekto sa akin ng KAPE. Mas malakas pa sa kapangyarihan ni Goku. Talagang hindi ako nakakatulog. Mulat ang mata; Pati ang eyebags ay nangingitim at lumalalim na. Tsk tsk! Kaya ngayon, ang sakit na ng ulo ko. Hindi talaga ako makatulog. Nakakaiyak.

At ika-lima, kulay kape.
-Sabi ng uncle ko, kaya daw sobrang umitim yung pinsan ko dahil sa kakainom niya ng kape. Syempre naniwala ako sa sabi ng matanda, malay ko bang pagdating ng edad 25 eh bigla na lang dumami yung melanin ko. Baka kung saan-saang parte ng katawan ko napupunta yung iniinom kong kape. YAY. Scary. Pero di naman ako masyadong naniniwala diyan… Kasi parang naniwala na rin ako na mula tayo sa mga unggoy. Eh, pero kasi… Ah basta! Ayoko sa kape! Ano nga ba yung kape?

###

June 12, 2009

Bakit kaya hindi naghahanda ng pagkain tuwing Independence Day, eh katunayan namang kaarawan ‘to ng Pilipinas?

Maligayang isang-daan at labing isang Kaarawan, Pilipinas.

June 5, 2009

May katwiran ba ang sana?

Monster PC

May 20, 2009

“AYOKO NAAAAAAAA!!!
Pagod na pagod na ako
at sobrang sawang- sawa na sa’yo!!!”
-Monster PC

Nakakatakot!
Isipin mo,
magpapalit-anyo ang kompyuter,
tapos sisigawan ka,
tapos lalamunin ng buhay.
Nyay!
WATTA TEMPURA!
Hakhak!

Mula umaga hanggang madaling araw, PC na lang kaharap ko. Ka-enjoy! Hakhak!

Nakapakong Ngiti

May 18, 2009

*The shit is bananas, B-A-N-A-N-A-S! (Ulitin ng apat na beses)*

Oo. Cheerdance. Naalala ko. Sa ayaw mo’t hindi kailangag nakapako ang iyong mga ngiti. Kailangan mong ilabas lahat ng namumuti mong ngipin sa kanilang lahat! Naiimagine mo ba ako, simula kaninang tanghali, nakapakong ngiti?

Hahahaha! (Kailangan tumawa?)

Hindi. Hindi ko iniimagine ang sarili kong sumasayaw nang ganun. Basata. Siguro, nasanay na ang mga labi ko na sa tuwing masaya maligaya ako ay hindi na ito nililisan ng ngiti. Hakhak (May ganon?)

*hiya tuloy ako*

Wala akong inaasahan kaninang umaga. Parang wala lang. Parang robot. Hindi pala parang…ROBOT pala talaga, kasi wala. As in WALA. Kaya naman “wala lang” ang umaga ko. Hanggang sa mag 11:30am, at nabasa ko sa plurk ni Mr. Tuesday aka Padre Salvi aka Pavel Chekov aka Fanboy Carl Joy na renewed na ang Chuck S3. Period. Kahit ano pang low budget ang sinasabi nila, basta magkakaron ng Chuck S3! Period!

(Energy: ++89)

Tanghali na. Normal naman, maliban sa pagdating ng aking ama. Pero parang wala lang din. Hakhak! Mag-aalas dos ng tanghali, tinatamad akong matulog, kaya tumambay ako sa duyan at nagbasa ng New Moon. Binasa ko yung nakakatawang pag-uusap nina Jacob at Bella nung inakusahan ni Bella si Jake na killer. Hakhak! Ayun lang tapos binasa ko ng paulit- ulit yung Young Blood 3. Hanggang sa nangulit si Bon (kapatid) at nag-height test saken. Matatangkaran na niya ako. OMAYGAD!

Tapos hinatak ako ng mga paa ko para silipin ang amin asos (plural) hakhak. Natutulog. How sweet. Hanggang sa napadaan ako sa letrahang-kahon (mailbox) at hindi nakawala sa nanlalabo kong mga mata ang puting papel na sumisilip na tila gustong makawala sa kanyang kulungan. Awu! Malamang alam niyo na ang next move ko. Tama! At ito na ang pinakahihintay ko—ang aking 6th term grade! WAAAAAAH!!!

Eksayted. Winasak ko ang sobre, at dali-daling tinignan ang grade sa FinAcc3. BOOM! At dyan na nagsimula ang aking nakapakong ngiti. Hakhak! Ang saya kooooooo!!! At sobrang nagpapasalamat kay Papa Lord. Faith moves mountains! yeboi. hakhak! Superkaduper to the nth level ailabyu poreber en eber Papa Lord!!!

(Energy: +++++99)

At dahil nakapasa ako, tinupad ko ang pangako ko sa aking itsy bitsy litol pinggerneyls. Hakhak! Kinulayan ko sila ng itim. Ahihihihi. Ang saya!

(Energy: *infinity*)

TORPE!

May 10, 2009

*hiya aku eeeee*

momy!

hakhak. wala lang :D

hihihi :) :) :) :) O:)

alam mu na yun. uhmmm..

pibertdee. este happy day. ah wala po. sabi ko sunday/

mommyyyyyyyyyyyy!!!

(bumubwelo)

‘pimothersday!!!

ty. imy. ily :)

*blushed*

*sabay takbo*

sit back, relaks!

May 5, 2009

tahimik. nakatitig sa computer. naghihintay.

> kamusta ka na?

<> ukey lang. ikaw?

> ukey lang din. ikaw?

<> ukey lang. ikaw?

> ukey lang din. ikaw?

hindi ko alam kung may katapusan pa.

nakakapagod kamustahin ang sarili.

nakakapraning.

nakakapraning.

NAKAKAPRANING.

limang latak

May 3, 2009

i wish it was raining ’cause i hate every beautiful day

1. depresyon. sa aking pagkakaintindi, ito ang matagalang kalungkutang sanhi ng di malamang dahilan. tskk. ang hirap. parang kaaway mo ang sarili mo. hay! hindi ko nga matapus-tapos ang sinusulat ko (kung anu man yung sinusulat ko) dahil ilang beses kong inulit. ang dami ko na ngang nasayang na puno eh. hay! sobrang nakakairita maging depressed. muntik ko nang madelete sina facebook, plurk at multiply dahil sa depresyon. ewan. naiibahan ako sa sarili ko. at hanggang ngayon ayaw ko pa ring magkaroon ng koneksyon sa aking mga kaibigan. hindi ko alam. gusto ko lang i-seclude ang sarili ko. ewan! nababaliw na ata ako. Sana bumalik na’ko sa dati. Nilalamon ako ng buhay ng depresyon…lalo akong humihina.

2. jane austen. limang gabi na siyang laman ng utak ko. hindi. hindi ko pa siya paboritong author. wala pa nga akong nababasang libro niya eh. hakhak. natuwa lang ako sa istorya ng Becoming Jane, sayang lang hindi sila nagkatuluyan ni Lefroy. iniisip ko lang…naging interesting sakin si jane austen. hindi ko kasi siya pinapansin sa mga istante ng national bukstor, at naririnig ko lang siya. hindi naman siya pinakilala ng titser namin nung hayskul at ngayong college. pero aware ako sa kanya, hindi ko lang talaga siya pinapansin. so, ngayon na ang moment naming dalawa. iistalk ko si jane!

3. accounting. nagsundown na at lahat- lahat. ayaw ko pa rin sa’yo. kahit may calculator na ako, ayaw ko pa rin sa’yo. binasa kita kagabi, bat ganun? employee benefits lang ang paborito kong topic? eh ang daming chapters nun. tskk. magdivorce na kaya tayo? ayaw mo? sige, ayaw ko din :) hakhak.

4. thunder. yan ang tugtog. paulit-ulit. di ako nagsasawa… your voice was the soundtrack of my summer…you’ll always be my thunder. o? ba’t naubos ang iyak ng langit? napagod din sa kaiiyak. haay! hindi umulan kagabi.. may buwan; half moon pag wala akong salamin, pero pag nakasalamin ay crescent moon. natatameme sa buwan. hakhak. :P

5. mr. postman. hey hey, mr. postman! ilang araw na kitang hinihintay, ngunit hindi ka pa rin dumadating. asan na ang grades ko? pakk! hindi ko alam kung regular pa rin ako o magiging irregular na ako. sana hindi pumalya ang signs ko. hindi naman ako umaasa… pero may tiwala ako; at naniniwala. hakhak. SANA :)