Archive for the 'hihihi...brrr'Paksa

Nakapakong Ngiti

Mayo 18, 2009

*The shit is bananas, B-A-N-A-N-A-S! (Ulitin ng apat na beses)*

Oo. Cheerdance. Naalala ko. Sa ayaw mo’t hindi kailangag nakapako ang iyong mga ngiti. Kailangan mong ilabas lahat ng namumuti mong ngipin sa kanilang lahat! Naiimagine mo ba ako, simula kaninang tanghali, nakapakong ngiti?

Hahahaha! (Kailangan tumawa?)

Hindi. Hindi ko iniimagine ang sarili kong sumasayaw nang ganun. Basata. Siguro, nasanay na ang mga labi ko na sa tuwing masaya maligaya ako ay hindi na ito nililisan ng ngiti. Hakhak (May ganon?)

*hiya tuloy ako*

Wala akong inaasahan kaninang umaga. Parang wala lang. Parang robot. Hindi pala parang…ROBOT pala talaga, kasi wala. As in WALA. Kaya naman “wala lang” ang umaga ko. Hanggang sa mag 11:30am, at nabasa ko sa plurk ni Mr. Tuesday aka Padre Salvi aka Pavel Chekov aka Fanboy Carl Joy na renewed na ang Chuck S3. Period. Kahit ano pang low budget ang sinasabi nila, basta magkakaron ng Chuck S3! Period!

(Energy: ++89)

Tanghali na. Normal naman, maliban sa pagdating ng aking ama. Pero parang wala lang din. Hakhak! Mag-aalas dos ng tanghali, tinatamad akong matulog, kaya tumambay ako sa duyan at nagbasa ng New Moon. Binasa ko yung nakakatawang pag-uusap nina Jacob at Bella nung inakusahan ni Bella si Jake na killer. Hakhak! Ayun lang tapos binasa ko ng paulit- ulit yung Young Blood 3. Hanggang sa nangulit si Bon (kapatid) at nag-height test saken. Matatangkaran na niya ako. OMAYGAD!

Tapos hinatak ako ng mga paa ko para silipin ang amin asos (plural) hakhak. Natutulog. How sweet. Hanggang sa napadaan ako sa letrahang-kahon (mailbox) at hindi nakawala sa nanlalabo kong mga mata ang puting papel na sumisilip na tila gustong makawala sa kanyang kulungan. Awu! Malamang alam niyo na ang next move ko. Tama! At ito na ang pinakahihintay ko—ang aking 6th term grade! WAAAAAAH!!!

Eksayted. Winasak ko ang sobre, at dali-daling tinignan ang grade sa FinAcc3. BOOM! At dyan na nagsimula ang aking nakapakong ngiti. Hakhak! Ang saya kooooooo!!! At sobrang nagpapasalamat kay Papa Lord. Faith moves mountains! yeboi. hakhak! Superkaduper to the nth level ailabyu poreber en eber Papa Lord!!!

(Energy: +++++99)

At dahil nakapasa ako, tinupad ko ang pangako ko sa aking itsy bitsy litol pinggerneyls. Hakhak! Kinulayan ko sila ng itim. Ahihihihi. Ang saya!

(Energy: *infinity*)

naglalakad sa hangin..

Agosto 30, 2008

Wehh. May spark. Sa tuwing nakikita kita ay tumatalon ang hart ko. Buti nga nasasalo ko pa eh, kundi WASAK. Hahaha! Para kang droga, ang lakas ng tama mo sa akin. Hindi na ako makatulog ngayon. Naaalala pa rin kita. Namimiss kita bigla. Ang sarap mo talagang ngumiti. Wala kang katulad. Hakhak.

Sige lang.. Gusto mo bang asarin pa kita sa crush mong binasted ka? Hahaha! Sorry naman ha. Mas pikon ka pa pala sa akin eh. Hakhak. Ang sarap mong asarin. Mabilis kang mapikon. Ayos lang kahit magalit ka sa akin, masaya naman ako kasi naasar kita eh. Hahaha!!! Pati noong nagpustahan tayo; bet mo uulan, ako hindi. Langya talaga oh. Sino bang may alam na magkakaro’n ng bagyong Lawin? Ampotpot naman! Grabe! 4 consecutive days umulan. Siyempre ikaw ang panalo. Oh sige na nga, ikaw na ang cute. Ako talo. Ako na ang pinakacute. Wahahaha! Kala mo maiisahan mo ako ah! Haha!

Ay sus! Nakakalimutan ko, crush pala kita. Parang ayaw na nga kitang i-crush. Mas masarap ka kasing maging kaibigan eh. [Naalala mo dati, hakhak. shunga shunga kasi ako eh] Baka magkailangan pa. Wag na lang. Ikokontrol ko na lang sarili ko. Basta masaya pa rin ako kahit anong mangyari kasi sa tuwing nakikita kita may spark pa rin eh. Hakhak. At tumatalon pa rin ang hart ku. [me ganun pa oh. SAUCE]

[Maybe we're not destined for romance. We were fated to be something far better: friends. ]

Kapitan Procopio!

Hunyo 23, 2008

At simula ngayon tatawagin kitang PROCOPIO!

Ikaw na si Procopio!

Halos isang taon na kitang kilala pero hindi ko pa rin kilala ang totoong si Procopio. Alam kong hindi ka biktima ng aking guni- guni, at lalong hindi ka kasama sa listahan ng aking “imaginary friends”. Totoong may Procopio sa buhay ko. Totoong isinilang ka para maging si Procopio ko.

Nakakahiya mang aminin, pero ang sarap mong maging kaibigan, Procopio. Masarap kang kausap [sa selepono] at masaya kang kasama [sa panaginip]. Ikaw nga lang ang nagtiya-tiyagang makinig sa lahat ng mga reklamo ko sa mundo. Pati nga kababawan ko eh pinagtiyatiyagaan mo rin. Dakila ka talaga! Minsan nga iniisip ko na nagsasawa ka nang kausap ako at napipilitan ka na lang kausapin ako dahil nga magkaibigan tayo. Pero ewan ko kung bakit tuloy pa rin ang pakikipagkaibigan mo sa’kin sa kabila ng kawalang kakwentahan ko sa mundo. Tanging masasabi ko lang ay magaan ang loob ko sa’yo simula pa lang noong nakilala kita sa jeep. Kaya naman ikaw ang aking Superfriend!

Sa simple mong tindig, sa maaangas na hibla ng ‘yong mga buhok, at sa mahiyain mong ngiti, talaga nga namang ikaw si Procopio. Mabuti kang tao at ayaw na ayaw kong may nang-aapi sa’yo. Ayaw na ayaw kong nalulungkot ka. Naiinis ako sa mga taong nagtangka at magtatangka pang awayin ka. Para kasing ikaw yung tipo na gaya ko na fragile at walang force field para maipagtanggol ang sarili at iiyak na lang sa isang tabi sakaling sobrang masaktan. ‘Wag kang mag-alala, Procopio, ipagtatanggol kita sa lahat ng mananakit sa’yo!

Ika-labingdalawang buwan na ngayon. Marami na ngang araw at gabi ang lumipas. Inabot na nga talaga ng isang taon nang nakilala kita. Madami nang kwentong napagsaluhan. Lahat na rin ng sikreto naisiwalat na sa isa’t isa. At sa bawat araw na nagkakausap tayo ay lalong gumagaan ang loob ko sa’yo. kaya naman masaya akona naging kaibigan kita, ang sarap sarap mo kasing maging kaibigan. Sa tuwing malungkot kasi ako, nagkakataon namang ikaw ang nakakausap ko. Ikaw ang tagasagip sa tuwing ako’y nalulunod na sa kalungkutan. Ikaw ang nagsisilbing superhero sa tuwing ako’y nakakahon sa kadramahan ng buhay. Salamat, Procopio! Salamat at nabuhay ka… Salamat at naging magkaibigan tayo. Wala na akong nanaisin pa. Isa ka talagang Kapitan Procopio!

Pero sana mas makilala pa kita…yung tunay na si Procopio. Yung hindi lang si Procopio sa likod ng mga kwento at halakhak…kundi yung Procopio na binabati at nginingitian ni Procopia sa tuwing magkakasalubong sila sa kung saan.