Oceans

20130227-221428.jpg
#

20130227-222900.jpg

Kapag binaliktad ko ang larawan, parang ito’y isang karagatang walang hangganan.. Ang galing! Hakhak. At dahil dyan, meron akong ibabahaging kanta. Ang sarap namnamin ng bawat linya… Wala na akong masabi.

PS. Dati naisip ko na yung “Return in my embrace” na phrase (ginamit ko na rin sa ibang account), parang sinasabi yun ni God sa atin. Tapos dito naman sa kanta, may line na “My soul will rest in Your embrace”, nakakatuwa. Ito naman yung reply natin sa Kanya. Parang the sheep’s reply to the Shepherd. Hakhak. I’m a psychic! Ops. Hakhak.

Triple Whammy

Ang pinakaayaw ko sa lahat ay gumawa ng mga review, kaya ito ang ihahandog ko ngayon. Pagpasensyahan kung walang kwenta. Hakhak.

1 PELIKULA

Pitch Perfect (4/5)

Mas maganda pa ito sa Glee, kahit magka-Glee the movie pa. Nakakaganda ng araw at gabi! Ang galing din ng blending ng mga boses nila. Nakakaaliw yung mga churu-chuchuruchuru; bentang benta. The Bellas ang pinakabida, pero si Rebel Wilson ang nagdala sa pelikula. Kung napanood niyo ang Bridesmaids, natunghayan niyo kung paano siya sumimple sa pagpapatawa, pero dito bidang bida siya kaya panalong panalo. Ayoko ng parteng dumadrama na, hindi lang angkop. At saka ayoko ng ending. Overall, maeentertain ka at may matututunan ka din.

2 AKLAT

Looking For Alaska (4.5/5)

Nakahanap na naman ako ng aklat sa Thrift Store nang biglaan. At ito ‘yon. Nakakatuwa talaga, dahil wala akong nakikita nito sa mga bookstore sa mall. Hakhak. Osha, ito na. Kung ikukumpara sa pinakabagong aklat ni John Green na The Fault In Our Stars, mas gusto ko itong Looking For Alaska. Unang aklat niya ito (kung hindi ako nagkakamali). Nakakaaliw ang usapan ng mga karakter, matalino ang pagkakagawa, at hindi nakakabagot basahin. Isang upuan mo lang, maaari mo nang matapos. Mabilis lang talaga. Habang binabasa ko, naaalala ko ang hayskul layp ko. Nakakaaliw basahin. Pero sakto lang din. Hakhak. Ang labo ko talaga.

3 TAON NG MGA DRAGON

2012 (4.5/5)

Enero 1 pa lang ng taong 2012, alam kong magiging maganda na ito. Marami akong napuntahang lugar, marami akong nakilalang estranghero na di naglaon ay naging mga kaibigan, mas nakilala ko ang Diyos, at marami din naman akong natutunan. Sa simula ng taon, ang isip ko palagi ay kung paano sumaya at magpasaya. Dumadating sa puntong nagasasawa na ako sa mga ginagawa ko. Parang nauubusan na ng rason at sadyang bumabaliktad lang ang mind set ko. Pero nitong papatapos na ang 2012, naintindihan ko na ‘Shit happens, so get over it’. (Trivia: Hango ito sa isang aklat na ganyan din ang pamagat. Ito’y naglalaman ng mga positive quotes tuwing dumarating ang bad vibes. Niregalo lang sa akin ngayong Pasko, kaya saktong sakto. Hakhak.) ayun nga, pamagat pa lang, boom na boom! Kapag nariyan na ang bad vibes, kalimutan na lang natin. E ganun talaga ang buhay e. Pero narealize ko na buong taon akong masaya. Ito na ata ang isa sa pinakapaborito kong taon. Bukod sa masaya ang pamilya, panatag na rin ang loob ko kahit na hindi ko masyadong nakakausap mga kaibigan ko. Ang pinakadepressing moment ko ay ang paghahanap ng trabaho, sobrang nakakadown pag narereject. Nakakapressure at nakakababa ng self-esteem. Ayun, pagkatapos ng limang buwan may nauto, este may tumanggap din sa akin. Pinakagusto ko naman ay ang pagexplore sa mga bagay na hindi ko pa nagagawa. Epektib talaga ang paggawa ng ‘What To Do New Things’ tuwing simula ng buwan. Kapag hindi ko nagagawa ngayong buwan, carry over na sa susunod na buwan tapos dodoble na ng dodoble. Minsan may daya din kasi dinadalian ko lang ang ibang task. Hakhak. Sobrang blessed talaga ang 2012, syempre lahat ay galing sa Diyos. Salamat po! Amen!

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

Labing-siyam na araw bago matapos ang 2012

Sinubukan kong hanapin ang iyong mga mata, ngunit ito’y isang punit na pahina sa isang libro; Walang nakakaalam kung saan napunta at kung sino ang nang-umit. Blangko at sadyang kulang sa detalye. Hanggang tandang pananong na lang ba, o magagawa pang basahin ang kaputol ng istorya?

Pinilit kong hanapin, ngunit ang pinakalumang alaala ko rito ay kung gaano nito kawangis ang kalawakan. Ang mga ito’y madilim at puno ng espasyo. Mahirap hanapin lalo na kung ayaw magpahanap. Naliligaw at hindi alam kung saan patutungo. Misteryoso at kaunti na lang ay malapit na akong maalibadbaran sa hindi ko maintindihang pinta ng iyong mga mata. Walang nakakaalam, maski sarili mo’y hindi matanglaw.

Hanggang sa natanaw ko ang lalim sa iyong mga mata na tulad ng karagatang anim na milya ang lalim. Payak sa labas, ngunit maraming itinatago sa kaibuturan. Malalim at nakakalunod. Mapagpanggap, ngunit madaling pamarisan sa katotohanan. Minsan mahirap intindihin, ngunit sa taong tapat, madali mong pinauunlakan paglubog sa iyong sariling karagatan.


Hindi ko alam kung para kanino, kung sino, at kung ano ba itong ginagawa ko. Ito ay bunga ng aking pagkabagot labing siyam na araw bago matapos ang taong 2012. Ulan na lang ng ulan at daig pa ang Shake, Rattle, and Roll movie sa walang hanggan nitong sequel tuwing sasapit ang huling buwan ng taon. Sana habambuhay na lang na 2012, January 2012.1 at sana palagi na lang January para may January 32, 33, 34, 35, hanggang infinity na. Awu. Ginugulo ko lang ang kalendaryo hakhak. Paalam.

Spoiler Alert: Mahabang Monologo Tungkol Sa Wala

Pipilitin kong may maipublish bago man lang mag-Disyembre. Kahit sobrang walang kwenta. Kahit wala lang. Basta, kahit ano na lang. Hindi naman ito graded e. Hakhak.

1
Okay. Minsan tinatanong ko kung ganito ba talaga maging babae, masyadong malakas ang pandamdam. Bakit ang mga lalaki ba, hindi malakas ang pandamdam? Bakit parang hindi sila nalulungkot? Bakit parang kahit anong mood nila, poker face pa rin? Lagi ko na nga lang kinukonswelo ang aking sarili, na kung nararamdaman ko ito, syempre ang mga lalaki din. So bakit pa ako maghahangad na maging lalaki para lang magmukhang bato, e pag naging lalaki din naman ako mararamdaman ko rin naman itong nararamdaman ko e. Teka, ano bang nararamdaman ko? Rejection.

Alam ko naman na lahat ng tao narereject. May mga mas malala pa ngang narereject—ang nagmamadaling pasaherong nareject ng jeep, pagtype mo ng PIN number sa ATM, estudyanteng nareject ng school o kaya class na i-eenroll niya, o kaya si aleng nagtitinda ng sampagita sa kalsada, ang gurong nagjoke sa klase ngunit walang tumawa, ang mga politikong sawi sa eleksyon, lahat lahat tayo nakakaramdam ng rejection ultimo sa maliliit na bagay. Ang punto ko, wala. Hakhak. Sa inaraw-araw na narereject tayo, bakit hindi pa tayo nasanay? Siguro nasanay na tayo sa mga maliliit na rejection na kumbaga sa mga video games e level 1 pa lang ng challenge na pagdadaanan mo; hindi lang tayo magaling mag-adapt sa mga malalaking pagbabago. By intensity lang. Sabi nga ni Dr. Emily Owens, “So we make all these plans about how things work out, but life happens. Plans change, so we adapt. We draw on strength we didn’t know we had. We give up any illusions of control, and we deal head on with problems that come our way.”

Bigla namang tumugtog ang Hari ng Sablay ng Sugarfree. Ang galing nga namang tyumempo ng shuffle feature sa music player. “Ayoko nang magsisi,” sabi sa awit. “Ayoko nang magsisi,” ulit ko sa sarili. Paulit-ulit-ulit-ulit. Pero mas lumakas ang aking pagsisisi. Ang tagal-tagal kong pinag-isipan ang desisyong iyon, pero bakit ako nagsisisi ngayon? Ewan.

Hindi ko talaga alam kung anong ipinaglalaban ko sa post na ito. Wala naman akong pinagdadaanang mas malaki pa sa problema na kinahaharap ng Pilipinas. Ang problema ko lang ay kung paano magluto ng manok na hindi hilaw sa loob at tostado sa labas. Kung minsan nililinlang tayo ng pagkakataon. Akala natin ito na ‘yon. Akala natin ito na ang pinakahihintay nating spoiler alert sa ating buhay, yun pala isa na namang maling akala na nakapagpapatulala (sus may ma-rhyme lang. oops, rhyme! eee. hakhak).

2
Sa hinaba-haba man daw ng prusisyon, doon din ang tuloy. Alam niyo kung ano? Nagsisimula sa K at nagtatapos sa N. Kamatayan. Tama. Araw araw may namamatay. Minsan nahihimatay lang. Makita mo lang na may bagong status ang crush mo, o kaya makita mo lang siyang online hindi na magkamayaw ang pagrambulan sa loob ng dibdib mo. Mas lalo ka pang nenerbyosin, na halos nagkamini heart attack ka na kapag bigla niyang ni-like ang status mo. BOOM! Ikaw na ang maraming feeler moment of the day (ang high school hakhak). Syempre dahil nagbasa ka ng aklat ni Chuck Palahniuk, Sarah Dessen, at David Levithan, iisipin mo na hindi lang iyon basta basta “random”. Iisipin mo may “something”, ngunit hindi ka sigurado. Tapos naalala mo si Stephen Hawking (The Grand Design), yung ibang mathematician na may mga Greek names, Fibonacci sequence. Wala na. Na-reverse na ang feeler moment mo sa tunay na buhay. Back to square one ka na. Pero sa saglit na kasiyahan mo, okay ka na dun. Alam mo naman ang hangganan mo, hindi ka katulad ng China. Oops!

Pag-ibig. Ilang taon ka pa lang? Bente uno. Bente uno ka nang masabi mo sa sarili mong umiibig ka na. Kung tutuusin, ang bata mo pa para umibig, pero nariyan ang damdamin mo, kahit anong pigil, lalong nagpupumiglas. Pakiramdam mo hindi pa totoo lahat ng iyong nararamdaman. Alam ko na, sobrang panonood at pagbabasa mo iyan ng mga romantic comedy. Dati naman V for Vendetta lang ang alam mong pelikula, kahit panoorin mo araw-araw okay na sa iyo. Ayan ang kapangyarihan ng internet at torrent, dumami ang paborito mong pelikula.

3
Ending. Ang ending ay kamatayan. Si Princess Diana of Wales, gaano man kaganda, kabuti, at kayaman, ano ang ending? K. Si Mr. Bubbles na pinaka-palakaibigang squirrel sa buong kagubatan, nalunod sa biglaang pagdulas sa basurahang punung-puno ng tubig ulan, ang ending? K. Sino pa? Ako balang araw, ikaw, tayong lahat, pare-pareho ng ending. RIP. Gaano man tayo kaingat na halos di na tayo mapadapuan sa lamok at makalabas ng bahay para hindi lang masagasaan, masaksak, mabaril, makagat ng asong may rabies… Gaano man tayo kaingat, pero sa isang faulty electrical wiring, sa ligaw na bala, sa hereditary cells, sa lindol, atbp… Sa isang iglap lang, nag-360 degrees na. Hindi natin hawak kung kailan at paano. Maaaring pagkatapos kong iclick ang Publish button nito, mamatay na ako. Una-una lang talaga iyan. Hindi natin masasabi kung kailan. Pero baka sa kabilang mundo, masabi na natin kung kailan at paano. Hindi ko alam, nanonood at nagbabasa lang ako ng sci-fi, anong alam ko sa tunay at pekeng mundo.

Pag iniisip ko, ang haba ng pagitan ng pagkabuhay at pagkamatay. Parang si a______________________________________________________________________z
di ba ang layo? Wala lang. Hakhak. Kung 21 yrs old na ako, halos 1/5 pa lang ako sa dulo. Pero dahil hindi natin alam kung kailan, 21/0 na muna. Hakhak. Nabobo ako dun ah. Ang dami dami kong gustong gawin sa buhay ko, pero heto ako ngayon, nastranded sa Bermuda triangle. Pangaralan niyo ako. Encourage me. Enlighten me. Hay! Pasensya at sobrang random.

The Lord is my Shepherd

Sometimes we just have to learn how to depend on God alone… Sure, God gives the best people during our darkest times, but later on when everybody’s out of grasp and you’re left alone, you’ll slowly see God revealing Himself unto you.

All my spring is in You. (Psalm 87:7)

Suggestion Lang

Dapat may warning yung mga laro, social networking sites, internet, laptop, game boy, tamagotchi, brick game, at iba pang digital and possible addictive devices at programs at iba pa. Kunyare, kapag naka-abot na ng 1-2 oras, may magpopromt sa screen na ‘You have exceeded usingr this blah blah blah..’ Tapos magseself-destruct yung laptop o kahit anong medium ang gamit. Automatic shutdown, tapos saka lang pwedeng buksan after 24 hours. Hakhak. Narinig ko na agad reply ng mga may-ari: ASA! Hakhak. Layunin ata nito na ibabad ka sa mga ganyan hanggang sa maabot mo ang marginal utility—one to sawa. E ang tanong, kailan ka magsasawa? Pero, siguro tangka rin nito na maging disiplinado ang isang tao at matutong i-ayos ang kanyang priorities.

Hay! Ang hirap pala disiplinahin ng sarili… Hakhak.

Pero ang galing ng utak natin ‘no, iisip at iisip ng paraan upang baguhin ang paligid upang umayon sa kagustuhan natin, pero ang sarili kay hirap baguhin. Brrr~ umay na.