Ang Buhay at Hanapbuhay

“The beauty of life is to give. The purpose of life is to grow. The adventure of life is to learn. The spice of life is to befriend. The essence of life is to care. The opportunity of life is to serve. The secret of life is to love. The challenge of life is to overcome.”
– William Arthur Ward


Ang bilis ng araw, Pebrero na naman. Noong nakaraang linggo nakakadepress kasi pakiramdam ko lahat ng ginagawa ko walang saysay. parang umiikot na lang ang buhay ko sa routine–trabaho, bahay, trabaho. Tinatanong ko ang sarili ko kung may saysay pa ba itong buhay ko. Parang patapon na kasi. Pakiramdam ko kasi wala namang nangyayari. Parang wala lang talaga. Gawa lang ako ng gawa basta lang may gawin sa buhay. Ewan ko ba. Pakiramdam ko e nakorner ako dito sa stage ng buhay ko.

Gusto kong gawin yung mga bagay na gusto ko, kaso lang nandito ako ngayon e, nagtatrabaho. Sa sobrang bitter ko, binasa ko ang libro ni Kahlil Gibran na The Prophet. Sabi niya, “…when you work, you fulfill a part of the earth’s furthest dream, assigned to you when that dream was born, and in keeping yourself with labour is in truth loving life, And to love life through labour is to be intimate with life’s inmost secret.” Nakakatuwa diba? Kasi kahit gaano ka kapalpak sa trabaho, kahit pinapagalitan ka ng boss mo, kahit na minsan e talagang sablay ka, may purpose kung bakit nandyan ka sa sitwasyon mo ngayon. Nilagay ka diyan ng Diyos para maisakatuparan ang mga pangako Niya sa’yo at sa ibang tao. Ginagawa kang instrumento ng Diyos ngayon diyan at huwag mong sayangin ang pagkakataon. Ang galing diba? Hakhak.

Nakakamangha. Kasi isipin mo yung mga blue-collar jobs, halimbawa yung basurero kung wala sila, magiging dumpsite ang bahay niyo. Yung drayber ng bus, maski late siya binawian ka naman ng isang magandang umagang ngiti, diba naging instrumento na siya upang bigyang liwanag ang araw mo at tinuruan ka pa niyang maghintay. Yung tinderang masungit, dahil masungit siya naisip mong pangit palang sabayan yung sungit niya kaya napangiti ka na lang. Tinuruan ka pa niyang magtimpi. At marami pa sa listahan! Simple pero malakas pala ang impact.

Nakakatuwa, kasi akala natin wala namang nangyayari sa pinaggagagawa natin o sa buhay natin, parang wala namang kwenta…pero meron pala, hindi lang natin napapansin. Hindi natin napapansin kasi iba yung pinapansin natin. At saka kung tanungin mo man ang sarili mo kung bakit nandyan ka ngayon sa lugar/sitwasyon na hindi mo man lang pinlano sa tanan ng buhay mo, isipin mo na nandyan ka upang maranasan mo ang totoong buhay at maranasan mo ang Diyos. Hindi mo man maintindihan ang lahat ngayon, magtiwala ka muna kay God kasi pansamantala lang yan. Mas maganda kasi ang plano ng Diyos kesa sa plano mo.

About these ads

  1. aww.. that’s so touching. nakaka-relate ako lalo na sa “nandyan ka ngayon sa lugar/sitwasyon na hindi mo man lang pinlano sa tanan ng buhay mo”.. tama ka jan. minsan, kailangang maghintay lang and let God unfold his plans.

    thank you dito. kahit na ba isang buwan at sampung araw na ang nakalipas mula ng sinulat mo ito. hihi. :)

  2. ay natouch naman aq d2. Ganun din kasi pakiramdeam q minsan, pero tama ka nga depende na lng qng paano mo titingan ang mga bagay bagay. Kung yung iba nga diba mas mhrap pa nang sitwasyon satin pero nakakangiti pa sila,
    Mas maigi na nga siguro na si lord na lng ang mag Plan for us.Let it be and we will see.=)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s