Habang naghihintay sa aking sundo, biglang may kumausap sa aking babae. Noong una hndi ko alam na kinakausap pala niya ako, dahil di ko siya madinig kasi may suot akong earphones. Buti na lang tumalikod ako at napansin ko siyang parang kinakausap ako. Tinanong lang naman niya kung san ko nabili ang suot kong high top converse na itim. Tapos hindi na tumigil ang aming kwentuhan.
Sa totoo lang, mukha siyang adik. Pero wala akong pakialam kung anong hitsura niya, nirerespeto ko naman siya bilang tao. Siguro masyado lang tayong driven (?) sa pag-i-stereotype at pag-ggeneralize sa mga tao. Minsan, kung sino pa yung aakalain mong masama, sila pa yung nagpapakita ng kabutihan.
Naalala ko yung ad sa waiting shed: We’re all relatives if we go back far enough. Sa 2012 at higit pang taon na nakalipas, nawalan na ng silbi ang pakikipag-ugnayan natin sa kapwa tao. Nananatili na lang tayong nakadikit sa mga taong kakilala o kakilala ng kakilala natin. Hanggang doon lang. Hindi na natin inexplore yung kakilala ng kakilala ng kakilala natin… Nawalan na tayo ng compassion sa buong sangkatauhan. Oo nga, it’s a wild world, there’s a lot of bad and beware. Pero may mga mabuti din naman– mas madami pa nga e. Masyado lang tayong takot at nangangamba.
haha. :D
I agree. Sabi nga ni Mitch Albom ‘Strangers are family that you have yet come to know’. Buti pa nga yung mga lumang tao. Yung mga matatanda na ngayon, dito kasi samin kahit hindi sila magkakakilala, nagkukwentuhan sila sa jeep, palengke, anywhere na may time to stop and chat. Yun nga lang tine-take advantage ito ng mga luku-luko. Kaya tuloy umiiwas na yung iba. Lalo na yung nanay ko, praning yon pag may kumakausap sa kanyang stranger. Hahaha.
“Siguro masyado lang tayong driven (?) sa pag-i-stereotype at pag-ggeneralize sa mga tao.”
“Nawalan na tayo ng compassion sa buong sangkatauhan.”
Matatalas ang observations mo, kapatid… Hmmn… minsan yata, pinapaliit at pinapakipot natin ang mundo, nililimitahan ang interactions natin to make things more manageable. Some of the time, we seem to succeed until may mga pangyayari that shakes us and makes us think otherwise, ahaha. Parang ang haba ng aking comment, hakhak. :):)