Word of the day: terse – concise; to the point; brief.

Natupad na din ang aking pangarap. Naging imbisibol ako. Halos tatlong buwan o apat yata. Hindi ako sigurado, pero alam ko na ang pakiramdam ni Violet Parr.

Akala ko cool maging imbisibol, sa una lang pala. Pagdating ng ilang linggo, ilang buwan, pipilitin mong may makapansin sayo. Magpapansin ka, pero walang epek kahit tumambling ka sa harap o maghubad ka dahil imbisibol ka nga. Wala ka na. Daig mo pa ang taong patay; buti pa nga ang patay naaalala, e ikaw…

Nakita ko sinulat mo sa iyong journal na naiinis ka sa akin. Ginugulo kita. Ganun ang konteksto. Kumbaga sa mga tv series, ito ang linya na makakapagpasikat sayo dahil ni-re-requote nila: “I wish you’d get out of my life and shut up”. Ganyan ka ba kagalit sa akin? Wala man lang ni- hi, hello, goodbye, thank you, i never love you. Anyare? 2012 na!