Sylar ~ Erap

Nobyembre 1, 2009

Sa math language, may congruency. Parang sina Gabriel Gray (aka Sylar) at Erap. Di na rin sila nagkakalayo.

Si Sylar, mula nang malaman niyang may special ability siya, hindi na siya nakuntento sa sarili niyang kapangyarihan. Sa sobrang hayok sa kapangyarihan, kinuha niya ang mga ekstraordinaryong kakayahan ng ibang tao. Wala lang. Gusto lang niyang maging pinakamakapangyarihan. Makasarili. Gahaman.

Ito namang si Erap, nabigyan na nga ng ilang taong umupo sa panunungkulan, ayaw pa ring magretiro. Palagi na lang siya, siya, siya. Gusto niya, siya palagi ang presidente ng Pilipinas. Hindi na siya nakuntento sa pagiging presidente niya noon. Di na siya nakuntento sa lahat ng kabulastugang ginawa niya, gusto pa ba niyang dagdagan?

Ano ba yan. Buti pa si Sylar, fictional character lang. Eh si Erap buhay na buhay. Masamang damo nga naman. Ano ba yan, Erap!

3 Tugon to “Sylar ~ Erap”

  1. ODDBLOOD Sabi ni:

    yeah, si Sylar kasi mabibigyan mo pa ng sympathy dahil may reason kung bakit siya naging ganoon, pero si Erap..ganun lang talaga siya.. that’s how he wants to play :| newey, weird of you to compare Erap to Sylar ah.. XD

  2. chiquesan Sabi ni:

    pero ang tanong, papayag pa ba ang mga pinoy na pamunuan nyang muli ang bansa?

    kaya nga nauna na si fpj sa kanya. :)

  3. eph Sabi ni:

    mas nakakatakot yung unanong nakaupo ngayon sa trono. pati buong angkan nyang mga maligno. sumisipsip ng pera ng mga working class. hehe


Mag-iwan ng Tugon