Iimbak para sa Oktubre, 2009

Trip to Jerusalem

Oktubre 18, 2009

Di ko maintindihan kung bakit Trip to Jerusalem ang larong nag-aagawan sa upuan.

Akala mo sa simula madami kayong pupunta sa Jerusalem, pero paunti na pala kayo nang paunti. Agawan, hanggang sa isa na lang sa inyo ang matira. Akala niyo may patutunguhan, wala naman pala. Di naman nakarating sa Jerusalem.

Yun na ba yung Trip to Jerusalem?
Exciting!

…parang Accounting.

~

SEMBREAK.

Oktubre 18, 2009

Alas dos.
Ayaw matulog.
Sira ang tornilyo.
Sira ang bisikleta,
di makaalis sa loob ng kahon.

Lilipad, Paano?
Adik ka ba?

Ikaw, adik ka ba?

Facebook, imbes na face my book.
Bad habit. Paslang!

Sembreak.
Kelan ba? Meron nga ba?

Lalayas na’ko.
-Pano na ang accountancy?
—Eh di accountancy pa rin.

Eh ayaw ko na.
—ano gusto mo, tambay?
Hindi. Pwede ba yun?
—Okay. Mag-aral ka nang mabuti.
Ayoko nga ng AC.
—DC na lang, gusto mo?
WEH?
—Sino ba’ng may pakana?
Enteng at Joey?

Anong sense?
–Eh di wala. Kelangan ba palaging may sense?

Ano’ng katapusan?
–To be continued.

HILING:
*****

TAYMPERS

Oktubre 4, 2009

Pamagat pa lang, alam na.

Taympers. Parang gustong sabihin, “Halika. Kwentuhan tayo”

Ang blog ng matandang isip-bata a.k.a. “Taympers” ang iboboto ko sa 2009 Bloggers’ Choice Award.

Taympers!

Sa mga simpleng salita at kwento, hindi ka lang nito mapapatawa. Mapapataympers ka na lang bigla at unti- unti mong maiisip: “Ay oo nga ‘no. Ang galing.” Sa mga simple niyang banat, matatanto mo ang realidad ng buhay. Natatangi. Wais. At Nakakaaliw.

Taympers!

Nakakakonek din siya sa mga tao sa paraang hindi mo inaasahan. Parang may imbisibol na linyang nag-uugnay sa kanyang blog at sa kanyang mambabasa. Cool. Hakhak!

Taympers, iboto mo na!