Ganito pala pakiramdam kapag may gusto kang balikan. Nakakasabik na ewan. Pati yung guilt-feeling nandiyan; nakakapit.
Liligawan, susuyuin at kung ano pang kalandian. Sa una parang ayaw, pero konting pilit lang, bibigay na rin. Pero wala talaga akong alam sa mga ganyang bagay, gusto ko lang talagang suyuin itong blog ko, kasi sobrang nagtatampo na siya…biruin mo ba namang i-abandona ko ng isang buwan nang hindi manlang sinisilip. Alam ko, masyado akong natuwa kay plurk at mabilis kitang pinagpalit sa kanya. Masyado akong naaadik sa mga karma karma na yan pati sa sumasayaw na saging na ayaw tumigil maski iwan mo ng higit bente kwatro oras. (dance) Henako. Mga pauso kasi ng plurk eh, mabilis tuloy akong nahatak.
Pasensya na, inosente lang kasi sa pag-ma-microblogging. Ayan, hndi na tuloy ako marunong magkwento. Puro one-liner na lang; di na nakakabuo ng talatang magkakaugnay. Tsk! Bahala na si Batman! Basta basta.
Setyembre 1, 2009 Sa 11:57 hapon
tsktsktsk. plurk. at ang sumasayaw na saging. hahaha.
Setyembre 2, 2009 Sa 9:18 umaga
hehe. ako din, naadik sa plurk. pinangdelete ang blog at ngayon nagsisisi. magsisimula uli ng bago. at naghahanap ng katropa. blogroll po kita. salamat
Setyembre 2, 2009 Sa 4:41 hapon
hahaha! biktima ka rin pala ng Plurk. baka may account ka na rin sa Twitter?
anyway, welcome back! mas masaya pa rin ang hatid na ligaya ng macroblogging. Walang limit sa pagkukwento. Type lang ng type.
Setyembre 3, 2009 Sa 5:06 hapon
haha!naka-relate naman ako..tagal din akong di naka-update uli sa site ko..pero iba naman ang reason.:D
Setyembre 4, 2009 Sa 8:42 hapon
akala ko kung ano na.
yung mga ganito mo yung namiss ko. .ahaha.
welcome back! :D
Setyembre 5, 2009 Sa 11:17 hapon
ayan kasi naadik sa plurk.ehehehe
Setyembre 7, 2009 Sa 12:08 umaga
waaaah! nakakaawa ang blogs natin… si plurk kasi eh… hakhak!
relate ako sa post na ‘to. balik blogging na kaya ulit tayo….
hmmmm….