Natanggap ko no’ng isang araw via selepono.
Bakit ang Pinoy, hindi tama sumagot maski maayos ang tanong?
1. Kumain ka na?
— Busog pa ako.
2. Nandyan ba ang nanay mo?
— Bakit po?
3. Ano’ng oras klase mo?
—Mamaya pa!
4. Saan kayo galing?
—Lumabas lang kami..
5. Paano mo ginawa yan?
—Madali lang!
6. Bakit wala ka kahapon?
—Absent ako eh!
7.Ano’ng oras na?
—Maaga pa!
At ang pinakapaborito ng lahat…
8. Saan ka na?
—Malapit na ako, wait lang. XD
Ang mga Pinoy talaga.. kahit kailan. Hakhak. Sabi nga ng nanay ko dati, kay simple- simpleng tanong lang pinapakumplikado pa ang sagot. Oo o hindi lang ang sagot, kung anu- anong palabok pa ang sinasabi. Ang galing talaga magpasakalye nating mga Pinoy! Kakaiba! Walang- katulad! Hakhak!
Bakit nga kaya ganun ang Pinoy, ‘no?
—Syempre, Pinoy eh!
malandi kasi tayong mga pinoy…
dameng paligoyligoy… :)
pasok sa grandfinals ang mga tanong mo, batopik! tawa ako ng tawa kasi kahit ako, yan din ang mga sagot ko.ü
ako, may tanong: batopik, may boyfriend ka na?ü
anong sagot? hekhek…
haha!natanong ko rin yan sa sarili minsan.:D
hehe agree ako kay otep hehe…gusto yung mapapaisip pa yung taong nag tanong hahaha…
likas na kse sa pinoy ang mga sagot na ganyan, akala mo ok na yon, di pa pala ano kung medyo iisipin mo nga e mali ang sagot..waaaaaaaaaa
hehe.. okey ah! napa- isip din ako, bakit nga ba tayo ganung sumagot?
napadaan lang, ang ganda ng blog mo batopik :)
Hindi lang magaling sumagot. Minsan magaling din magtanong:
Lokasyon: Simbahan, Linggo
Tanong: Uyyy! Anong ginagawa mo dito?
– Malamang nagsimba, alangan naman nag-shapping.
hahaha. pabisita
hmmm ang mga pinoy kasi hindi direct-oriented…mas gusto natin yung maliko….
subukan mong tanungin na ang sagot ay yes or no…mas nauuna pa ang paliwanag…o kaya sasagot man …kasunod kaagad ang paliwanag….
haha. parang culture na din kasi dba? ganun yung sinasagot satin, so naiinherit mo na din :)
Yeay, kwelang Pinoy. :D
oo nga ano.
madalas kong sabihin yung nasa # 1,3,7 tsaka 8.
pinoy na pinoy. :D
isa lang ang ibig sabihin nyan pre… magulo talagang kausap ang mga pinoy.. ahehe.. cheers;p-glesy the great
eros na eros ang dating ah. o edu lorenzo?