Iimbak para sa Marso, 2009

help

Marso 22, 2009
isang click lang. sige na po.. nagmamakaawa ako. pakiusap?

sticky note:

Marso 12, 2009

Huwag

magreklamo,

just do it

period

Accounting everyday, everyday okay!

Marso 8, 2009

So, it is!

Is it?

Hakhak!

Dahil hindi pa naman panahon ng pag-aayuno, lulubus-lubosin ko na muna.

Linggo na ngayon. At bukas ay Lunes na naman! Kahit na sinasabi kong malungkot ako, eh paepek lang yun para maiba naman. Hakhak! Nakakaiyak naman kasi ang accounting eh, hindi ko talaga siya maintindihan. Buti pa ang Statistics at Calculus natututuhan kong mahalin, eh bakit ang accounting na sarili kong bokasyon hindi manlang  sumagi sa utak ko na mahalin. Haaay!

Accounting nga naman, pakipot pa!

Counterbalancing errors. Ito ang mga pagkakamaling, kapag hindi mo nadetect, bigla- bigla na lang naitatama pagkatapos ng dalawang periods. Ang galing ‘no? Parang magic. Kusa siyang nagiging tama pagkatapos ng dalawang periods na wala ka namang ginagawa.

‘Yan ang counterbalancing, sa pagkakaintindi ng mga neurons ko.

Kanina pa ako nag-iisip, pero siguro nadamage na nga talaga ng kompyuter ang breyn cells ko. Applicable kaya ang counterbalancing errors sa totoong buhay? Kayo nga, mag-isip nga kayo para sa’kin? Hakhak! XP

People are stupid!

Marso 8, 2009

Habang naghihintay sa pakulti room, eh napansin naman ni Batopik ang nakapost sa bulletin ng kanyang X-propesor sa Kalklyulus.

Wizard’s First Rule!
Teka, libro yun ah! Aba! Aba! Gumaganun si Propesor X! Ang daming alam. At ito namang si Batopik, bumatopik! Ususera eh! Hakhak!

Wizard’s First Rule:
“People are stupid. People can be made to believe any lie, either because they want to believe it’s true, or because they are afraid it’s true.”

Napa-oo na lang ako. Ingles eh. Dumanak ng imbisibol na dugo sa buong silid ng pakulti. Hakhak!

Naalala ko tuloy bigla ang pinakamabait, pinakamabuti, kagalang-galang at kapita-pitagan kong kaibigang elyen. Eh dahil elyen siya at batopik ako, syempre hindi ko alam kung ano ang starflyer.  Sa ‘di inaasahang pagkakataon, humingi siya ng isang pabor, sabi niya, gawin ko daw siyang humanoid. At ito na ang naging pagkakataon ko upang malaman kung ano ang starflyer. Tanong ko, ano muna yung starflyer at kung anong palabas ‘yon bago kita gawing humanoid. Sagot niya, Dead Like Me yung palabas! Aba eh, sira-ulong elyen to! Pasalamat na lang at kakabukas ko pa lang ng telebisyon at bumalandra na sa akin ang balitang may namatay sa starflyer ng Star City. Sori naman! Hindi pa kasi ako nakakapunta sa Star City at malamang sa alamang hindi ko alam yung starflyer na yun! Toinks!

Oo nga. Lahat ng tao nagsisimulang walang alam. Pero hindi naman ibig sabihin na mangmang ka, eh gagawin mo nang dahilan ito upang makagawa ka ng taliwas sa inaasahan. Aba. Natutuhan ko ata sa Araling Panlipunan ko noong hayskul na, ‘Ignorance of the law excuses no one’.

Tskk! Ayun lang! XD

Across the universe

Marso 6, 2009

Dear *@%&#,

Biyernes ngayon, at hindi ako nahuli sa aking unang klase. Kaya naman, bilang ganti, diringgin ko ang mga winika ng aking guro sa World Literature. Sabi niya, ngayong Lenten Season at panahon ng pag-aayuno, kailangan daw i-give up natin ang mga bagay na nakakapagpaligaya sa atin para tuluyan tayong tumanik-luhod (tama ba?) sa Poong Maykapal. Ayun lang. At bigla kong naisip ang pag-iinternet at pagbobloghop.

Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi  na (muna) ako mag-iinternet, ngunit parang kanta lang ito na hinahanap-hanap ko sa tuwi-tuwina. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko tuwing nakikita kong blangko ang upuan sa harap ng magic box. Hinahatak ako ng makukulit na keyboard para tapak-tapakan siya ng maliliit kong mga daliri. Ang saya kasing maggoogle. Ang saya kasing magblog. Ang saya. Ang saya magpakalagalag sa mundo ng kable, etc. Napakagaling!

Nauubos ang oras ko sa harap ng kompyuter at wala namang masyadong magandang naidudulot sa akin.. Wala namang patutunguhan ‘tong pinaggagagawa ko. Di naman ito makakatulong sa pagtaas ng grades ko sa Accounting. Oo nga. Ngayon ko lang narealize…kapag ba nakapagpost ako ng isang libong blog entry dito, magiging kwatro ako sa lahat ng subjects ko, hindi lang sa accounting? Syempre hindi. Hay nako. Naumpog na nga ang ulo ko. Kokontrolin ko na ang sarili ko. Pramis! Kros mai hart wan handred tayms! XD


Lab,

Batopik

PS.

—– ngayon ko lang naappreciate ang kanta ng Red Jumpsuit Apparatus na Your Guardian Angel.. at.. at.. ang galing magscream ng bokalista nila! Tapos kamukha pa ni Jack Black yung bahista nila. Hakhak! Weeeeeeee!!! Nakakatuwa. Narinig ko silang kumanta ng live x)

PSS.

—— hindi ako fan ng RJA, natuwa lang ako sa live version nila ng Your Guradian Angel. Ang ganda ng boses ng lead singer nila. Nakakakiliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiggg!!! Kinilabutan akoooo!!! Wooooot! Hakhak!

Bakit ang Pinoy?

Marso 2, 2009

Natanggap ko no’ng isang araw via selepono.

Bakit ang Pinoy, hindi tama sumagot maski maayos ang tanong?

1. Kumain ka na?

— Busog pa ako.

2. Nandyan ba ang nanay mo?

— Bakit po?

3. Ano’ng oras klase mo?

—Mamaya pa!

4. Saan kayo galing?

—Lumabas lang kami..

5. Paano mo ginawa yan?

—Madali lang!

6. Bakit wala ka kahapon?

—Absent ako eh!

7.Ano’ng oras na?

—Maaga pa!

At ang pinakapaborito ng lahat…

8. Saan ka na?

—Malapit na ako, wait lang. XD

Ang mga Pinoy talaga.. kahit kailan. Hakhak. Sabi nga ng nanay ko dati, kay simple- simpleng tanong lang pinapakumplikado pa ang sagot. Oo o hindi lang ang  sagot, kung anu- anong palabok pa ang sinasabi. Ang galing talaga magpasakalye nating mga Pinoy! Kakaiba! Walang- katulad! Hakhak!

Bakit nga kaya ganun ang Pinoy, ‘no?

—Syempre, Pinoy eh!