Iimbak para sa Enero, 2009

Question,

Enero 31, 2009

BAKIT WALANG MALAKING YAKULT?

at saka,

bakit kaya ganito ang botelya ng Yakult?

Hmmmmm…

yakult at night..

Mas enjoy sana kapag may isang litrong Yakult.

WAHAHAHAHAHA!!!

Methodical Monday

Enero 26, 2009

Noong isang araw, Biyernes. Kahapon, Linggo. Tapos ngayon, Lunes na agad. Lunes na naman. Hinding- hindi talaga natin maiiwasan ang Lunes. Bakit kaya?

6:00 – Gigising. Magpapanic. Sisilip sa balita sa telebisyon. Kapag sinumpong, magiinternet pa. Maliligo. Di na makakapag-almusal.

7:00 – Aalis ng bahay. Maglalakad sa bundok. Pipila sa pilahan ng dyip na tila isinasabuhay ko at sampu ng aking mga kapwa sasakay ng dyip ang mga langgam. Hayun. Di ko mamamalayan, nakatulog na pala ako sa loob ng dyip. Titingala, sabay tititig sa kawalan. Brrr!

8:00 – World Literature. Makikinig. Dadaldal. Tititig ulit sa kawalan. Pakikinggan ang kwento ni Benjamin Button. At ipapaulit- ulit na Poetry is the language of heart. Hakhak!

9:20 – RizLife. Makikinig. Kunwari interesado sa buhay ni Rizal, pero kaya lang naman mukhang attentive kasi naaaliw sa pamumuhay noon. Nakikini-kinita ko sa utak ko kung ano ang mga hitsura nila… Hakhak!

10:40 – FinAcc3. Tarantitang langgam! Brrr!!!

11:45 – Pupunta sa locker. Hihintayin ang mga kaibigan. Magdadaldalan nang kaunti. Pero di masyado…

12:00 – Lilisanin ang APC building.

12:15 – Makikipagsagupaan sa sinag ng araw. -_-”

12:30 – KAINAN NA!!! YAHUUUUU!!! At manonood ng Prince of Tennis :]

13:00 – Guguluhin ang kapatid. Matutulog. Mangangaluluwa. Hakhak.

17:30 – Gigising. Itututor ang kapatid.

18:30 – Magiintarnet habang kumakain.

19:00 – Mag-aaral- aralan…habang nakikinig sa telebisyon. Hakhak!

20:30 – Matutulog para hindi mahuli sa klase kinabukasan.

* Parang napadaan lang ako sa school—kakapasok pa lang eh, uuwi na rin agad. Ang bilis. Hakhak. Ang boring ‘no. Tapos pag-uwi. Ang sasalubong sa’yo ay ang sobrang kulit mong kapatid na walang ginawa kundi bully-hin ka. Parang ewan lang. Lunes na Lunes lang talaga! Haaaaaay!

Ikaw, ano’ng kwentong Monday mo? Hakhak!

balanced

Enero 17, 2009

Sabi sa The Little Prince, ang mga taong gustong makakita ng sunset ay malungkot. Sabi ko, Hindi naman palagi… Kasalanan ko bang extra appreciative ako sa universe? Toinks!

Biyernes.

[negative]

Dumaan sina Batopik at Krstna sa Mall of Asia upang kumuha ng application form. Pero mission failed, kaya naisipan na lang nilang tumambay sa baywalk para abangan ang sunset—para naman maging totoo yung sinasabi ng traveler dun sa The Little Prince.

[positive]

Nakatitig sa obrang gawa ng May Likha. As usual, namangha sila sa paraan ng paglubog ng araw,  pati na rin sa mga supporting characters na lalong nagpapaganda sa tanawin. May iba’t ibang ulap. May nakita kaming hitsurang alimasag, pagong at taong nagpupush- up. Tapos parang mga isla din yung ibang ulap. Nakakatuwa. Yung kulay ng himpapawid ay perpektong perpekto ang pagkakakulay. Asul, berde, abo, kahel, lila, dilaw. Pati nga kulay kape kasali. Ang ganda talaga! At bigla ngang naging imbisibol kanila Krstna at Batopik ang salitang depresyon. Hakhak!

[negative]

Isang segundo. Dalawang segundo. Tatlong segundo. Apat na segundo.
Limang segundo. Ang bilis lumubog ng araw. Parang nilamon ng kumikintab
na dagat.

1855. Aligaga—hindi napansin ni Batopik na tumilamsik bigla ang kanyang selepono doon sa may maraming bato bato. BOOOM! SABOG! WASAK! Grabe! Hindi na nga siya nakakuha ng application form, bigla pang tumalon yung selepono niya sa mga batong parte ng baywalk. SABOG na SABOG talaga! Baka napunta na sa pinakadulong bahagi ng baywalk yung selepono. Talon na sa baywalk! RAWRR!

[positive]

1900. Fireworks na. Hindi maganda. Mas maganda pa yung nag-iisang bituin sa alapaap.

Natataranta na talaga si Batopik!!! Hinalungkat ni Krstna yung buong batuhan pero hindi pa rin niya nasilayan yung selepono. Halos nauubos na talaga ang pag-asa. BOOM! Walang nakitang selepono si Krstna. Nakakaiyak.

Dumaan si manong guard. Hinabol siya ni Batopik at humiram ng flashlight. . . . . . HAYUN! Nalaman ni kuya guard na may tumalong selepono sa batuhan ng baywalk. Tinawag niya ang alagad niya at si kuyang nakadamit na parang pangbeach ay to the rescue para hanapin ng todo todo tudamaks yung tumalong selepono.

Ang tagal tagal… Wala pa ring nakikitang bakas ng selepono si kuya. . . isa. dalawa. tatlo. apat. lima. anim. pito. walo. .  . wala pa rin. . siyam. sampu. labing isa. labindalawa. labintatlo. labing-apat. labing-lima. labing-anim. labing- pito . . . . . . . . . . . . . . . . siyamnapu’t siyam.  BOOM! “Meron bang sabit yung phone mo?”, tanong ni kuya. “Meron po. Meron po!!!  Kulay bayuleeeeeeet!!!”, sabi ni Batopik. Eksayted si kuya. Kumuha siya ng kawayang pwedeng ipangbingwit dun sa selepono. WEEEE!!! Narescue ang selepono ni Batopik! At nakakagulat na hindi wasak- wasak ang selepono. Salamat! Salamat! SALAMAT SA DAKILANG MAY LIKHA!!! :]

Miracles happen everywhere. Hihi..

[BALANCED]

Parte talaga ng buhay ang mga negative happiness. Kumbaga, di natin makikita ang buwan sa gabi kung walang araw. Ayun lang. Hehehe.. Naaaliw talaga ako sa buhay. Sana kapag namatay na ako, mapanood ko lahat ng pangyayari sa buhay. Weeee! :]