Sampung mga daliri, kamay at paa.
Dalawang tenga, dalawang matang
super labo na!
Ang rules:
1) mag-post ng sampung bagay tungkol sa sarili
2) mag-tag din ng iba pang sampu.
xxxxx xxxxx
[x] Fan ako ni Norah Jones (kahit di halata) Nakakaaliw pakinggan ang mga kinakanta niya. TUDAMAKS! PRAMIS! Walang halong sarkasmo. Hehe.. Seven years!
[x] Manonood ako ng Tayong Dalawa…Malapit Na! Sa ABS-CBN! LOL nahatak ako ng trailer. Hikhik. Mukha ngang maganda. [DI KO PINUPLUG. Nagkataon lang na kakapatalastas]
[x] Nireregaluhan ko ng rosary ang sarili ko tuwing kaarawan ko. Wala lang. Para masaya.
[x] Namumulot ako ng tuyong dahon at kinukulayan upang gawing boooookmark.
[x] Ayaw ko talaga sa carrots. Kasi hindi ako rabbit.
[x] Takot talaga ako sa mga kabaong [kabao o kabaong?] feeling ko it’s a sign— sign na mamamatay na ako o kaya ay may mamamatay na malapit sa akin. Basta. Takot talaga ako feeling ko mumultuhin ako.
[x] Akala ko noong mas bata pa ako ay sarado lahat ng malls tuwing linggo. Hakhak
[x] Wala akong sense of direction. Sa mismong LRT at MRT station ay naliligaw ako. [Eh nakakalito naman kasi talaga!]
[x] Pangarap kong makapunta sa lahat ng simbahan dito sa Pilipinas at sa buong mundo bago ako mamatay.
[x] Ayaw na ayaw ko kapag pinupuri ako ng ibang tao. Nakakairita. Basta.
Itatag ko ang unang sampung magcocomment dito. HAHAHA! Di naman sapilitan eh. Wala lang talaga akong magawa at wala din akong maisip na i-blog. Squikquik<–tawa ng daga. (Sa presinto ka na lang magpaliwanag, Batopik)
Oyasuminasai !!!