SA WAKAS! Matapos ang labing isang buwang pananalagi mo sa utak ko, tuluyan ka na ngang naglaho. Tinandaan ko pa ang petsa, sabi ng hypothalamus ko, Nobyembre 18, 2008 daw. Naniwala naman ako. Baka mag-away pa kami ‘pag di ako naniwala eh.
Ayun nga, sobrang na-LSS (Last Song Syndrome) ako sa’yo. Biruin mo, halos isang taon na rin pala. Akalain mo iyon. *buntong hininga* Ang saya ko ngayon dahil hindi na gumagapang sa utak ko ang bawat letra at saliw ng tunog na iyong hatid. Hindi na rin kita hinahanap-hanap minu-minuto. Sa bawat pagbukas ko ng music player ay hindi na ikaw ang una kong pinapatugtog. Naiiwasan ko nang hindi ka pakinggan ng isang linggo. At sa tuwing maririnig naman kita ngayon ay hindi na ako ganoon ka-OA gaya ng dati. Hindi na ako napaiindak sa nakahahalina mong tugtog. Nagbago na nga ang lahat. EWAN KO BA. ANG WEIRDO KO. Hindi ko na kailangang ipaalala sa sarili ko na gusto kitang patugtugin, kusa ko nang kinalilimutan ang pag-alala sa pakikinig sa iyo. Ibig sabihin, hindi na ako adik.
Pero huwag kang magtampo, hinding- hindi maaalis sa utak ko ang bawat salita at melodiyang minsa’y kinaadikan ko ng sobra- sobra. Wala na akong masabi. Siguro paalam na nga talaga LSS. Hindi ko alam kung paano ka tumigil sa paglangoy sa utak ko, pero salamat sa pagpapasaya mo sa akin tuwing ako’y nasasakop ng mga kulay abong ulap. Salamat sa pagtiya-tiyaga mo sa akin kahit na palagi naman akong sintunado. Basta salamat sa LAHAT— mabuti man o masama. Hindi ko na iisa- isahin kasi tamad akong magtype. Kalkalin mo na lang sa maliit kong utak kung gusto mo talagang malaman. HAKHAK!
Si BATOPIK ay nakatira sa ilalim ng fuchsiang ulap dahil siya ay isang bato. =D