Parang Juan Tamad ang ambience ng bago kong layout.
Paano kaya namatay si Juan Tamad, ‘no?
Sa tuwing nagbibigay ng puna sa mga post ko ang kaibigang elyeng eccentric na si rime, eh napapansin kong palaging may XXXxx sa bandang huli ng kanyang mga comment. Nakakakaagaw- pansin lang. Nagpapauso na naman kasi ang elyen. Hindi ko lang alam ang ibig sabihin ng XXXxx…na sabi naman niya wala naman daw ibig sabihin yun. Ano naman kaya ang kaibahan kung meron o walang XXXxx sa dulo. Mga elyen nga talaga oh. Tsktsk…
Pero sa tuwing nakikita ko ang XXXxx, naiisip ko ang sementeryo. Ewan ko ba kung bakit. Basta kapag nakikita ko iyang XXXxx bigla- bigla na lang hinahatid ng mga neurons ko papuntang utak ang mga senaryo ng kamatayan. Patalim at dugo. Poot at Kalungkutan. Katahimikan.
Takot akong mamatay- hanggang ngayon. Kahit na palagi kong bukambibig ang mga salitang ’pakamatay na tayo’, syempre may mga second thoughts din ako ‘no–at kung ano man yung second thoughts na yun, akin na lang yun. Hakhak.
Bigla- bigla na lang may taong namamatay. Nakaktakot. Takot na takot pa naman ako sa multo. Noong namatay nga ang lolo ko eh hindi ko nagawang tumingin sa mukha niya dun sa loob ng kabaong dahil natatakot ako. Wala lang. Hindi natin masasabi kung kailan tayo mamamatay, bigla na lang tayong mawawala. Magugulat na lang tayo isang araw dahil nakikita na natin ang sarili nating katawang natutulog ng mahimbing. Parang pelikula lang. Astig.
Kung mamamatay man ako, gusto ko wala lang. Parang si Juan Tamad— wala lang. Pero ayaw ko naman mamatay na may negative perception sa akin ang tao [sino ba may gusto ng ganun, duh?] Yung tipong namatay sa pagkatulog o kaya namatay dahil sa pagkalimot— pagkalimot huminga.
Ayaw ko ng may makakasaksi sa pagkamatay ko. Ayaw kong madaming tao ang makakaalam sa kamatayan ko. Tama na yung pamilya ko tska close relatives en prens. Gusto ko, lahat ng pupunta sa libing ko, iiyak. Tapos lahat nakaputi— pati panti, bra, brief, ponytail, bag, sapatos, medyas at tsinelas—lahat basta puti. <—demanding. haha!] Tapos ayaw ko ng mga bulaklak, gusto ko pulang lobo…yung lumilipad. Tapos yung kandila…wag na sindihan, mainit yun. At ang death songs ko ay It Ends Tonight ng The All American Rejects, Viva La Vida ng Coldplay, at The Great Escape ng Boys Like Girls… basta yung mga peborit songs ko. Hakhak. Gusto kong sunugin ang katawan ko pag namatay na ako tapos ipapadala sa buwan. Bongga!
Naalala ko dati sa Calculus class namin, sabi ng titser ko dapat daw lagyan namin ng ‘mark’ yung final answer namin para malaman niya na yun na talaga ang final answer namin. Double sharp sign ang sa’kin.. ## —-> END na!
XXXxx
Miyerkules, Setyembre 3, 2008 Sa 13:39
Nak ng tokwa ka naman batopik! demanding naman yung trip mo pag nadedo ka eh! tsaka ang aga mo naman pinag – iisip yang pagkamatay! he..he.. Sasabihin ko sayo kung paano namatay si Juan Tamad, di ba mahilig sya maghintay na mahulog ang bayabas sa bibig nya? Nung nag hihilik na sya at kasalukuyang nakanganga biglang nahulog yung bayabas! In short namatay sya dahil nabulunan sya! Gusto mo ba ng ganun? ahahay!!
Miyerkules, Setyembre 3, 2008 Sa 14:39
talaga papadala pa sa buwan eh…..sige malay mo may Air21 na nun o di kaya pa-ihip mo sa lahat ng friend mo yung ashes mo para makataring sa buwan…alika nga hilain ko lang tenga mo!
Miyerkules, Setyembre 3, 2008 Sa 15:04
kakaibang post itong napuntahan ko ah ;) anyway dapat gawa ka ng last will and testament para sa mga request .. peace!
for the mean time enjoy every second muna!
Miyerkules, Setyembre 3, 2008 Sa 17:39
walang dapat ikatakot kung mamatay ka lalo na kung sigurado kang sa langit kang pupunta. ;-)
Miyerkules, Setyembre 3, 2008 Sa 21:23
sabe ang X daw stands for kiss. hehe.. sabe lang nila :D
ako takot sa pain kapag mamamatay.. yung tipong ayaw ko lang ng saket, pero im not scared of death..
salamat pala sa pagdaan sa blog ko :D
Huwebes, Setyembre 4, 2008 Sa 19:14
–
WALANG HIYA KA M****E KA*IWA.
hakhak
anumpakimusaeksekseksekseksku (yak, parang seks)
hakhak
balew to
langkwenta ung XXXxx, wla lng tlga pramess
hakhak
elyens
XXXxx
^
|
|
|
hakhakhak. pero pramis! sa tuwing nakikita ku yang mga eksekseksekseks na yan eh naiisip ko death. hahaha!!! ang weirdo ko talaga! eeeeeeeeeeeekk! haha. inedit ko yung comment mu ng konti…kulang pa ng EN.. M****E EN KA*IWA. haha.
Sabado, Setyembre 6, 2008 Sa 13:36
nyahaha… grabe umpisahan mo ng gumawa ng spaceship para naman makarating dun ang labi mo… ang bruha kelangan may motif pa ang suot…
kaya wag ka muna mamamatay umpisahan mo ng mag-ipon ng turnilyo para sa spaceship mo.. ;p
add kita sa blogroll ko ha para may makulitan naman ako.. sana mapadaan ka din..-glesy the great;p cheers
http://anakngpiso.wordpress.com/
Sabado, Setyembre 6, 2008 Sa 13:43
ma***e!
ibang klase ka.
mamatay ka na nga lang, nagdedemand ka pa ng kung ano-anung anek-anek..
ahaha..
‘bangklasekatalaga.
paburger ka naman..
eka..
oo nga nu?
bat lageng me XXXxx comment ni rime..
wahahaha..parang bayrus a. nakakahawa.
pati din ung tawa nya. hakhak.
XXXxx