Archive for September, 2008

i’m so sick…

September 27, 2008

…and tired of being a SUPERHUMAN!

RAWRR!

—–

Pasensya na pala kung ndi ako masyadong makabisita sa mga blog ninyo. tskk!

Ang dami ko na ngang dapat ikwento, kaso lang, tinatamad talaga ako.

Sabi ng kamay ko, gusto kong magblog…

Pero sabi ng utak ko tinatamad akong magblog.

Eh syempre, sa digmaan ng utak at kamay, panalo ang utak.

Rawrr!!! Pot. Pot. Pot.

pabili po…

September 21, 2008

…ng motivation at concentration.

Mayroon po ba?

Magkano po??

Pwedeng tumawad??

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

=X waaaaaaaah!

Ayaw ko pa maging estudyante.. x[

sang daan?

September 20, 2008

Sept 21, 1972 nagMartial Law.

Sang daang panaginip? Sa Taft? Shunga! Sang daan!

—Anu daw? Ang labo ah.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.

Ang sarap managinip. Ang sarap isipin na kahit papaano ay magiging totoo ang mga naiisip mo maski sa pagtulog mo lang. Kaso nga lang, hindi makatotohanan sa totoong buhay. Kaso lang bigla-bigla na lang matatapos nang di mo inaasahan…nakakainis lalo pag nasa climax ka na. Bigla bigla na lang macu-cut. Siyet! Isa pa, gusto ko pa…sana hindi na matapos ang panaginip ko. Parang gusto ko na lang tuloy matulog at managinip nang managinip. Ang saya! :] Nakakaaliw. Walang bida. Lahat kontrabida.

Sintunado man, tonado pa rin. Libre lang ang ticket. Ni singkong duling wala kang ilalabas sa bulsa mong butas.

adik yung titser namin

September 19, 2008

Sabi ng titser ko sa kalkyulus, kapag major exam daw lahat nakasara…

Kahit anong pwedeng isara, lahat isara na!

Tanong ko, ‘Sir, pati po ba mata? Ang hirap naman nun!’

Nyarharhar! Oo na. Korni na. Hahahaha!!! Tumawa naman kayo!

Nagpapakasaya lang dahil sa delubyong dulot ng nagpauso ng MERGE.

Hehe…

Let it be…

Bahala na si FATMAN! =P

FULL MOON!

September 17, 2008

Nagising ako ng alas tres, nakita ko ang buwan. Full moon sa paningin ko kasi wala akong suot na salamin. Tamang- tama. Gutom na ako. Parang gusto kong kumain ng buhay na tao. RAWRRR!

1st day ng 2nd term of 2nd year college ko ngayon. Sabi ko excited ako. Sabi ko hindi ako mahuhuli. Sabi ko masaya ako ngayon. Sabi ko lang pala ‘yon. Totoo nga, ‘Life is never fair’ sa akin.

Sana pala hindi na lang ako nag-atubiling gumising ng alas tres ng madaling araw kahit na alam kong alas dos pa ng hapon ang klase ko. Kung hinayaan ko na lang sanang maglakbay ang kaluluwa ko hanggang alas doce ng tanghali, eh di sana tatangkad pa ako maski .0001mm [oo,umaasa pa ako]. Kung ala una na ako umalis ng bahay, eh di sana nakanood pa ako ng Prince of Tennis at Major. Biruin niyo, makakasali na sa US Open si Ryoma Echizen at si Goro Shigeno papabagsakin na ang varsity ng Kaiddo, tapos pinalampas ko ‘yun!!! Asaarrr!

Sino ba naman ang hindi madidismaya kung ang ‘bestfriend block’ [sarcastically speaking] niyo ay ime-merge sa block niyo ng biglaan. (andun kasi ang ‘Mean Girls’, as in mean, grabe nga mang-irap eh, sarap tusukin ng mga mata, tinawanan na lang nga namin. Hahaha!!!) At di pa naligayahan sa isang subject, dinagdagan pa ng isa! Kahit na sabihin niyong dalawang subjects lang ‘yon, nakakasuya pa ring makasama sila. Duh. Major subject yung isang subject at MWF pa, ibig sabihin, dalawang oras at kalahating minuto namin silang makakasama sa tatlong araw. Yung isang subject naman dahil TTH ang sked ay dalawang oras at labinlimang minuto namin silang makakasama! Oha! Grabe maglaro ang tadhana, araw- araw namin silang magiging kaklase…at tigdadalawang oras pa! Pareho pang 1st subject! Nang-iinsulto lang talaga!!! Rawrr!

Hindi lang ‘yan! Umaasa ang buong block na ang peborit prof namin sa accounting ang magiging prof namin ngaung term, pero may shiftings daw na naganap! WTH?! Napunta sa amin ang hindi masyadong magaling na Prof. Ayaw ko! Ayaw. Ayaw. Ayaw. :O Ayos lang sanang magmerge kami dun sa bestfriend block namin, pero pati ba naman prof na da best pinagkait sa amin. Kung kelan naman sinisimulan ko ng magustuhan ang accounting, saka naman medyo pumapalya! Parang ako ang manliligaw sa accounting ngayon ah! Tsssst!

Hindi. Hindi. Hindi. Pagsubok lang ‘to. Hahahaha! Pero nakakainis pa rin ang mga pangyayari ngayong pers day! Doomsday talaga oh! Meron pa ako [it's a girl thing.lol] Pinagsabay- sabay sa isang araw lang! Sana pala nagpasagasa na lang ako kanina dun sa nagovertake na kotse. Nakakainis!!! Nakakatamad mag-aral!!! RAWRR!!!

RAWRR!

Nakakagutom mainis.

Gusto kong kumain ng tao.

Bilog pa naman ang buwan.

Gusto kong maging bampira at kumain ng werewolf!!!

Matakot kayo, malaking tao si BATOPIK! Hahaha!!!

nagpaparinig lang…

September 16, 2008

Siyaks! Heto na naman.

Sa totoo lang, madamot ako. Hindi ko pinapahiram ang mga gamit ko sa mga taong hindi mapagkakatiwalaan. Ayaw ko kasing nadudumihan o nasisira ng iba yung gamit ko, lalo pa’t galing sa bulsa ko yung pinambili ko dun [actually sa bulsa ng nanay, pero dahil binigay na sa akin, akin na. toinks!]. Ayaw ko lang na may ibang makakayurak sa gamit ko, kung mayroon mang dapat yumurak sa pagkataobagay nun, eh ako lang ang may karapatan dahil pagmamay-ari ko iyon. <— Hakhak. Kala mo kung ang bigat eh. Hakhak!

Bakit mo tinapunan ng kape?

Big deal sa akin ang mga ganyang kaliit na bagay. Tinataasan ko ng kilay [kahit di halata] yung mga nakakainis na tumatapak sa peborit kong puting sneakers. Iniirapan ko [kahit di halata] yung mga nakakabwisit na sinusulatan yung damit ko, kahit di nila sinasadya. Nakakasira talaga ng araw. Pati yung mga nanghihiram sa akin ng notbuk…na pagbalik sa’kin ay akala mo naging biktima na rin bilang pambalot ng tinapa. Parang tinanggalan na nila ng puri at dangal yung mga bagay na pinapahalagahan ko. Parang nang-iinsulto lang. Asarrr!

Hindi ko tinapon…natapon. Sorry=P

Oo. Kasalanan ko din, kasi alam ko namang hindi maiiwasan na may mangyaring masama dun sa pinahiram ko. Eh pero kasi… Pero kasi… … … Hindi ba nila naiisip yung mararamdaman nung may-ari sakaling may kaunting pagbabago dun sa hiniram nila? O baka naman kasi iniisip nila na okay lang naman. ‘Okay lang kasi di naman niya ito mahahalata…at tska kung mahalata man niya, di naman siya magagalit kasi hindi naman siya marunong magalit…AT kung magalit man siya, siguradong mabilis yun magpatawad.’ Ewan na lang. Di okay yun noh. Syempre nakakainis ‘no! Pero syempre, gaya nga ng nasa isip mo…ano pa nga ba ang magagawa ko ‘di ba?? Eh nagawa na eh. Ipagpapalit ko ba ang pagkakaibigan natin sa simpleng bagay na yan? Oo naman ‘no! Nyhahahaha!!! Joke lang… =P

Bakit mo hinayaang matapon?

Hindi ko siya saklaw eh, sisihin mo yung gravity kung bakit natapon.

DDDDUUDE, yer an elyen!

let it be ]

September 12, 2008

Isang docenang araw dagdagan ng isa? trece! <— malas daw? :O NOOOO!!!

—–> stop. look. listen. —–> mga true friend.

namimiss ko na ang aking dakilang ina. nagsasawa na kasi ako sa niluluto ng kuya ko. gusto ko matikman ulit yung sarap ng niluluto niya. at tska namimiss ko na ring tumabi sa kanya sa pagtulog. nakakatakot kasi pag gabi. feeling ko may multo pag pinatay ko ang ilaw eh. pati na rin yung pagiipit niya sa akin sa buhok. Simula nang umalis siya, sabog na ang buhok ko…hanggang ngayon. Hindi pa rin ako sanay talian ang buhok ko. Nakakairita. Pag isang araw nga tinopak ako sa sobrang iritable sa buhok ko, ipapakalbo ko na ito! Hahahaha! =P

Sanay na kaming magkakapatid na kami- kami lang ang nandito sa bahay. Sanay na kaming walang magulang sa paligid. Ewan. Nasanay na eh. Sinanay kasi. Hakhak. Sabi nga ng kuya ko parang dormitoryo lang ang bahay namin. Oo nga. Tama nga. Napa-oo na lang talaga ako sa isip-isip ko. Pero ayos na rin ‘to, natututo kami. Natututong maging independent. Natututong pag-aralan kung paano paglaruan ang buhay.

Pero minsan, tulad ngayon, hinahanap- hanap ko pa rin yung pag-aaruga ng mga magulang ko noong mas bata pa ako. Kumbaga sa regular burger, yung TLC! Hakhak. Ang sarap! Ang sarap kahit sila ang parang nagkokontrol sa buhay mo. Ang sarap kahit minsan ay nagiging preso ka na ng mga kapraningan nila. Ang sarap talaga! Ang sarap isipin yung mga panahong life is just a so so. Hindi komplikado. Swabe lang. Parang Coke, Sakto! Hakhak. Kumbaga sa napkin, Carefree. Hakhak.

Pero ayos na rin yung ganito naming pamumuhay ngayon, nakakachallenge kasi. At tska kahit iwan man ako, halimbawa, ng mga tao sa paligid ko, sanay na akong mamuhay mag-isa. Hindi na magugulat sa mga bagong pagbabago. Pero siyempre, nandun pa rin yung mga behind- thoughts… Pero sabi nga ng The Beatles, Let it be.

a note to self:

September 12, 2008

H’wag ka munang manood ng mga anime.

|

|

|

|

|

V

…baka bukas bulag ka na!

mas malabo ka pa sa mga mata ko!

September 4, 2008

Ilang beses na rin kitang iniyakan. Hindi kasi kita maintindihan. Ang labo- labo mo kasi. Palagi mo na lang ginugulo ang utak ko; palagi ka na lang nagbibigay ng problema sa akin. Nakakainis.

Gabi- gabi kitang kasama. Sa ayaw at gusto ko, kailangan kitang makasama.  Kailangan kasi eh.. Sawang- sawa na nga ako sa’yo eh. Tskk! Araw- gabi ikaw ang kasama ko, pati laman ng utak ko, ikaw din. Pati nga sa panaginip ko naliligaw ka eh. Minsan naiinis na talaga ako sa’yo. Napakahigpit mo kasi. Gustong- gusto ko na talagang matulog, pero pinipigilan mo ako. Gustong- gusto kong mag-internet pero pinipigilan mo din ako. Ikaw na lang palagi ang dapat masunod. Napakaseloso mo. Nasasakal na ako. Pati nga sa pagkain ko, ikaw ang kasama ko. Pati sa pagnood ng madyik kahon [tv, in short], ikaw din ang kasama ko. Kulang na lang pati pagligo ko, andun ka. Hindi ka ba talaga nagsasawa sa akin? At gusto mo pa higit sa limang oras kitang kausap. Hindi ka ba makakatulog nang hindi ako nakakausap? Bakit ba gustong- gusto mo na nasa iyo ang atensyon ko? Eh ayaw ko nga sa’yo.

Ewan ko ba. Hindi naman kita gusto, pero bakit pilit mo pa rin pinagsisiksikan ang sarili mo sa akin? Ganyan mo ba talaga ako kamahal? Sabi ko naman sa’yo sa simula pa lang, ayaw ko sa’yo ‘di ba? Umaasa ka pa rin ba na isang araw ay ma-iinlab ako sa’yo? Hindi ka ba napapagod? Kailan ka ba mapapagod? Ang tatag mo. Saludo ako sa’yo. Bakit ba ayaw mo pa rin akong pakawalan? Ilang ulit ko bang sasabihin na ayaw ko sa’yo? Hindi ka ba nakakaintindi, gusto mo baybayin ko pa para sa’yo? H-I-N-D-I-K-I-T-A-G-U-S-T-O-! Ayan, gets mo na ba?

Hindi ko na alam ang next move ko. Bahala na kung saan man tutungo ‘tong relasyon natin. Malabo pa rin hanggang ngayon. Hindi ko pa rin talaga makita ang future ko sa’yo. May mga bagay na hindi ko maintindihan, pero pipilitin kong intindihin para na lang sa kapakanan natin. PIPILITIN KO, pramis.

Nga pala, sorry, kung masyado akong naging selfish. Sorry, kung masyado kitang pinagtatabuyan. Kasi naman ikaw eh, binibigla mo ako. Masyado kang mabilis…at masyado mong pinagsisiksikan ang sarili mo sa akin. Dadating din ang araw at matututunan kitang mahalin, sana hindi ka magsawang pagtyagaan ako. Pakiusap rin, wag mo akong pakawalan. Pramis ko pipilitin kitang mahalin, Accounting.

#####

Kung paghinga lang ang Accounting, hindi na sana ako nahihirapan ng ganito.

hindi…

Kung kasing interesante lang ng Accounting ang Twilight, eh di sana perpek ko na lahat ng eksam, enjoy ko pa ang bawat saglit na kausap ko ang Accounting.

hakhak! =P