I know St. Peter won’t call my name

Sabado, Agosto 30, 2008

Isang araw, naalala kong magigising pala ako. Pero hindi ko na lang inalala, kaya natulog na lang ulit ako. Nang pagod na sa katutulog, naalala kong umupo ng mga ilang minuto. Nakipagtitigan ako sa hangin. Minsan pala ang sarap ding hindi magsalita. Ang sarap pakiramdaman ng paligid.

Nakakapagod.

Kahapon, kumanta ako sa harapan ng elising kontrolado ng kuryente, elektrik pan, in short. Natuwa ako; kaya naman inulit ko. May naalala ako. Naalala ko bigla noong ako ay mas bata pa. Hindi ko iniisip ang mga bagay na iniisip ko ngayon. Siguro nga ay tumanda na talaga ang pag-iisip ko. Lahat nga nagbabago.

Nagtimpla ako ng kape tapos may nakita akong tatlong itim na langgam na lumulutang. Siyet! Pinatay ko ang tatlong langgam. Hindi na ako mapupunta sa langit kasi sinuway ko ang isa sa mga sampung utos (daw) ng Diyos. Ewan ko. Wala akong pakialam. Basta iinom ako ng mainit at masarap na kape.

Nakakapagod.

6 Tugon to “I know St. Peter won’t call my name”

  1. prinsesamusang Sabi ni:

    lagot ka pinatay mo yung langgam!

    haha. unga eh. tsss.. papakamatay na lang aku. hehe.. xD

  2. eloiski Sabi ni:

    ito na naman tayo…

    may something na naman akong nararamdaman…

    hakhak! anu yun? ui me multo? hakhak! =P joke lang.. uu may something nga. hekhek. yaw ko lang ipaalam. toinkS!

  3. Aling Baby Sabi ni:

    mahilig din akong tumapat sa elektrik pan nung mas bata pa ko…dahil wala lang mapaglaruan. ngayon, halos yakapin ko ang elektrik pan na yan dahil kakaibang importansya nito sa tindi ng init ng panahon na nung bata ako’y indi ko naiisip.

    iba ka talaga, batopik. malalim ka.

    :)

    hekhek. masarap sumigaw sa harap ng elektrik pan. hihihi..kaaliw! :D hehehe..

  4. kamotenista Sabi ni:

    bilib talaga ako sa’yo….nakipagkwentuhan ba sayo si haring hangin? anong sabi?…dali bulong mo sa’kin!

    masarap damhin at pakiramdaman ang kapaligiran ako yun ang way of relaxing ko. noong maliit pa ako umaakyat ako sa bubong ng bahay tapos mahinga…ang sarap. minsan may mga chocolate bar pang hulog ang langit….hehehe

    (pangdumaan ang mga helicopter at nagkataon na nasa bubong ako may tinatapon na chocolate—>noong may American Base sa Pinas)

    waw! galeng! naulan n shokleet!

  5. rimewire Sabi ni:

    KILOR!

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    whale?

  6. ayyzzz Sabi ni:

    murderer!

    tama ba spelling nyan?
    wala akong pakialam…

    nakakapagod..

    hahaha.. nakigaya sayo bigla e.


Mag-iwan ng Tugon