Tara! Sumama ka sa akin! Magsasaya tayo! Kakain tayo. Magtutulak ng kariton. Magtitinda ng lobo. Kakain ng sorbetes. Maglalakad sa express way. Magba-bike. Sasakay sa tsubibo. Magsusuka. Maglalakad-lakad at kakanta. Magpapakabaliw. Magsasaya TAYO!!!
Wag ka ng malungkot. Gusto mo bumili ulit tayo ng sorbetes, ung tsokolate naman?? Gusto mo ba ng lolipap? Sige lang, sabihin mo lang kung ano’ng gusto mo. Basta mapaligaya kita. Kahit ano. Inaantok ka na ba? Sandal ka lang… Gusto mo kantahan kita? Dadididamdidadadam… sige lang magrequest ka lang, kahit sintunado, itotono ko para sa’yo. Ano pa’ng gusto mo? Pagod ka na ba? Gusto mo kwentuhan kita? Gusto mo magdrawing ako? Gusto mo magsplit ako? O baka naman gusto mong magjoke ako?
Tara humalakhak! Tara magpinta! Tara magpabasa sa ulan. Ano pa’ng gusto mo? Gusto mo turuan kita magpiano? Gusto mo ihagis mo ako sa ere? Tara! Tara! Magpakabaduy tayo. Magpakaloka- loka. Magpakabaliw. Saglit lang naman. Hayaan mo sila, maiinggit din ‘yang mga ‘yan sa ginagawa natin. Basta ang importante, nagsasaya tayo! Masarap kasi maging masaya. Kaya ikaw, tigilan mo na ang pagsuksok sa sarili mo sa kahon ng kalungkutan. Masyado ka pang bata–tayo. Wag ganyan.
Tara! Gusto kong punan lahat ng pagkukulang ko. Minsan lang ‘to. Baka kasi sa muli nating pagkikita ay hindi ko na kayo makausap…tapos lahat kayo nakaputi. Baka hindi na natin magawa yung dati nating ginagawa…nakakapanghinayang. Lubusin na natin ngayon. Sulitin na natin ang mga araw. Tara lets, kaibigan!
[Wala ako sa sarili kaninang tanghali. Habang papuntang eskwelahan ay muntik na akong masagasaan ng isang bike...ay kotse pala yun. Buti na lang nakita ako sa liit kong 'to. Akalain mo?! Hindi pa natuloy. Muntik na akong mamatay. Siguro natakot yung driver na madungisan yung kotse niya.. Haha! Kaya habang may pagkakataon, gawin na natin ang lahat ng makakapagpasaya sa atin. Life's too short nga! Let's maximize it. Later i might die...we never can tell. . . ]
* ONE LAST WISH: Makisali sa pista ng Black Nazarene.
Huwebes, Agosto 7, 2008 Sa 08:49
Ansassya mo. yan tuloy. hehe.
Huwebes, Agosto 7, 2008 Sa 11:28
bato sa kin.. gunting sayo.. =D
Huwebes, Agosto 7, 2008 Sa 15:37
totoo ito, batopik…dati takot din ako mabura sa mundo ng maaga kasi marami pa akong gustung gawin pero gaya nga ng nabasa kong quote, “Never take life seriously, no one gets out alive anyway.” diba? una-unahan lang yan. Kaya, tara lets…
:)
Huwebes, Agosto 7, 2008 Sa 16:22
haaay totoo po… life is so short!!! that is why we need to make the best out of it. wel, kaunting ingat lang po…
;-)
Biyernes, Agosto 8, 2008 Sa 04:31
asust!!!! :)
Biyernes, Agosto 8, 2008 Sa 05:37
–
awst
anlande talaga neto, teka eh anu n bang ngyari nung isang araw ba un, ung sinasabi mo, yan n ba yun?
hakhak
elyens
XXXxx
Biyernes, Agosto 8, 2008 Sa 18:03
wahh!
totoo? kamuntik ka ng masagasaan?
namannn!
taraaaaa!
samahan kitang magsayaaa!
hahaha…
Sabado, Agosto 9, 2008 Sa 10:04
–
eh anu nga un?
hakhak
elyens
XXXxx
Sabado, Agosto 9, 2008 Sa 12:05
kung nasagasaan ka magkakalat ka pa sa daan. lol. pero bute hindi natuloy at ligtas ka.