Archive for August, 2008

naglalakad sa hangin..

August 30, 2008

Wehh. May spark. Sa tuwing nakikita kita ay tumatalon ang hart ko. Buti nga nasasalo ko pa eh, kundi WASAK. Hahaha! Para kang droga, ang lakas ng tama mo sa akin. Hindi na ako makatulog ngayon. Naaalala pa rin kita. Namimiss kita bigla. Ang sarap mo talagang ngumiti. Wala kang katulad. Hakhak.

Sige lang.. Gusto mo bang asarin pa kita sa crush mong binasted ka? Hahaha! Sorry naman ha. Mas pikon ka pa pala sa akin eh. Hakhak. Ang sarap mong asarin. Mabilis kang mapikon. Ayos lang kahit magalit ka sa akin, masaya naman ako kasi naasar kita eh. Hahaha!!! Pati noong nagpustahan tayo; bet mo uulan, ako hindi. Langya talaga oh. Sino bang may alam na magkakaro’n ng bagyong Lawin? Ampotpot naman! Grabe! 4 consecutive days umulan. Siyempre ikaw ang panalo. Oh sige na nga, ikaw na ang cute. Ako talo. Ako na ang pinakacute. Wahahaha! Kala mo maiisahan mo ako ah! Haha!

Ay sus! Nakakalimutan ko, crush pala kita. Parang ayaw na nga kitang i-crush. Mas masarap ka kasing maging kaibigan eh. [Naalala mo dati, hakhak. shunga shunga kasi ako eh] Baka magkailangan pa. Wag na lang. Ikokontrol ko na lang sarili ko. Basta masaya pa rin ako kahit anong mangyari kasi sa tuwing nakikita kita may spark pa rin eh. Hakhak. At tumatalon pa rin ang hart ku. [me ganun pa oh. SAUCE]

[Maybe we're not destined for romance. We were fated to be something far better: friends. ]

decode it.

August 30, 2008

:: Why do we miss a person? it’s either because we realize that we never treasured  the moments when they were always there, and it left us wishing we could turn back time again; or we ’re too happy with them, we enjoyed every single moment, that we became so used to the idea of having them around…but when we finally walked separate lives, we realized that a moment spent without them is like dying stars which slowly leave the sky- EMPTY.

:: Sometimes, no matter how much you miss someone, it’s still wiser not to have that person back again… Less tears; less pain.

 

[wehh. nagalit siya kasi inaway ko siya. binawi niya tuloy yung pagkamiss niya sa akin. hahaha. ang feeler ko. ahahaha! =P]

I know St. Peter won’t call my name

August 30, 2008

Isang araw, naalala kong magigising pala ako. Pero hindi ko na lang inalala, kaya natulog na lang ulit ako. Nang pagod na sa katutulog, naalala kong umupo ng mga ilang minuto. Nakipagtitigan ako sa hangin. Minsan pala ang sarap ding hindi magsalita. Ang sarap pakiramdaman ng paligid.

Nakakapagod.

Kahapon, kumanta ako sa harapan ng elising kontrolado ng kuryente, elektrik pan, in short. Natuwa ako; kaya naman inulit ko. May naalala ako. Naalala ko bigla noong ako ay mas bata pa. Hindi ko iniisip ang mga bagay na iniisip ko ngayon. Siguro nga ay tumanda na talaga ang pag-iisip ko. Lahat nga nagbabago.

Nagtimpla ako ng kape tapos may nakita akong tatlong itim na langgam na lumulutang. Siyet! Pinatay ko ang tatlong langgam. Hindi na ako mapupunta sa langit kasi sinuway ko ang isa sa mga sampung utos (daw) ng Diyos. Ewan ko. Wala akong pakialam. Basta iinom ako ng mainit at masarap na kape.

Nakakapagod.

doodle!

August 23, 2008

Ayaw ko ng concrete; Gusto ko, abstract!

Ayaw ko ng numbers; Gusto ko, letters!

Spiderman! Batman! Superman! Lastikman! Machoman[??] !

Paki-baliktad nga ang mundo.

alagad ng buwan?

August 21, 2008

Kaliwa ang unang paang tinapak ni Niel Armstrong sa buwan… At alam niyo ba na aabutin ng 10million years bago mawala ang mga bakas ng mga paa ng mga astronauts sa buwan? Wala lang.

Maliwanag ang buwan, noong isang araw. Sabi sa kalendaryo full moon noong 0817, pero bakit ganun, ang tagal kong inabangan ang buwan pero hindi siya nagpakita, ni anino wala man lang. Nakikipagtaguan ba si dakilang buwan kay batopik? *sigh

Sabi ko nga sa mga kaibigan ko, “Kapag ako namatay, tumingala lang kayo sa langit at makikita niyo na ako. Ako ang dakilang buwan!” Hindi iyon joke, seryoso ako sa mga sinabi ko. Pero sa tuwing ako ang nagsasabi, hindi nila sineseryoso. Kaya hinayaan ko na lang. Mahirap kasing magpaliwanag. Hindi ko na nga nasabi sa kanila na kapag namatay ako, gusto kong ilagay dun yung abo ko. Wala lang. Gustong gusto ko lang talaga ang buwan.

May nabasa ako, nalimutan ko na kung saan. Sabi, ang buwan daw noong unang panahon ay tinatawag na Sin, pinuno daw ng alapaap.. Ewan ko na ang kasunod, kung ang buwan ang pinuno, ako na lang ang alagad. Sige na. Magpapaalipin ako para sa buwan. LOL.

Hindi na naman ako makatulog. Iniisip ko ang Accounting subject ko. Iniisip ko ang La Corda d’Oro na sabi ng kaibigan ko, pangit daw ang ending (nakakafrustrate tlaga yun). Iniisip ko kung mahihilo ba ako bukas sa bus o hindi.. Iniisip ko ang poster design para sa org namin. Iniisip ko ang kontrata ng Beatles na nagkakahalaga ng $480,000(kung mas maaga pa akong iniluwal sa mundo, mabibili ko kaya yun?). Gusto ko tuloy makapunta sa Abbey Road. Haaaaay! Beatles.

Matutulog na ako. Sana makapunta ako sa buwan. Ano ba ang course para maging astronaut, aeronautical anu ba yun? Sana may teleporting powers na lang ako para makapunta ako sa buwan. Ang stars namamatay, ang buwan kaya? Sana mapanaginipan ko ang buwan.

instant pera ba?

August 16, 2008

Nais mo bang magkaroon ng instant pera? Isang kapaan lang, mayroon ka ng pera! Paano? Sundin ang sumusunod:

1. Magsuot ng pantalon. Yung pantalong may bulsa.

2. Magsuksok ng pera [mas malaking amount, mas maganda.] sa iyong bulsa.

3. Ipatatak mo sa isip mo na wala kang isinuksok na pera sa bulsa mo. Kalimutan mo ang steps 1 at 2.

4. Labhan mo ang iyong pantalon. Siguraduhing ikaw ang maglalaba nito para hindi mawala ang itinagong pera.

5. Gamitin mo ang nilabhang pantalon matapos ang isang linggo.

6. Kapain ang bulsa.

7. Magulat ka!

8. Tumalon ka!

9. Isigaw mo sa buong mundo na may sumusulpot na pera sa bulsa mo!

10. Ilibre mo ang nagturo sa’yo upang magkaron ng instant pera.

>> Epektib yan. Proven and tested. Isang milyong beses. Nyork!

dahil sa eroplanong papel…

August 12, 2008

Huling klase na. Filipino. Paboritong subject ni Batopik. Kahit abutin pa iyan ng alas otso ng gabi, papasukan pa rin niya yan. Kahit gabihin na siya at wala pa siyang masakyan pauwi, ayos lang basta’t nakapag-Filipino siya. Ganyan niya kamahal ang Filipino. Pero alam niyo ba, nagalit sa kanya ang kanyang prof sa Filipino…. Brrrrr…

…eh gumagawa lang naman kasi ako ng eroplanong papel eh, tapos nagalit na siya. Sabi pa nga niya sa akin, “Ano ba, Batopik! Gusto mo ipakain ko sa’yo iyang papel na ‘yan?” Oo naman. Kasalanan ko talaga. Joke siguro yun…pero hindi eh. Nasa harapan pa niya ako, at ang lutong pa ng pagkakasabi niya nun. Na-ouch lang ako. Nakakadistract ba talaga ang paggawa ng eroplanong papel? Eh habang ginagawa ko naman yun nakatago sa kanya eh, sa ilalim nga ng mesa yung kamay ko nun para hindi niya makita. Nanahimik na lang tuloy ako bigla. Hakhak. Tampururot. Pero nalungkot talaga ako, ganoon pala ang pakiramdam ng mapagalitan…nakakalungkot. Hakhak.

antuking batang hindi antukin [??]

August 10, 2008

howemigawd. 11.30 na.

inaantok na ako agad, eh kagigising ko lang kaninang 8pm eh…

 Teka lang  naman, ayaw ko pang matulog.

Hindi ko pa nakakalahati ang Major at tska yung Mahou Shoujo Tai.

Waaaaah!!!

Gusto ko pang manood.

Ambitter ko kasi hindi ko pa rin tapos yung Samurai Champloo,

nung bakasyon pa yun ah.. WAAAAAAH!!!

May pasok pa pala bukas.

Matutulog ba ako o manonood? waah!!!

Gigising pa ako ng 2am para mag-aral…

wala na akong choice

swing swing

August 10, 2008

Parang Damned if you do, Damned if you don’t lang yan eh…

Kapag ginawa mo, shunga shunga ka… Kapag hindi mo ginawa, shunga shunga ka rin. O ‘di ba. Parang binigyan ka ng pagpipilian na hindi mo saklaw ang kakahantungan. Kahit ano’ng gawin mo, ikaw ang dehado.

Parang uminom ka ng gamot, at iyon lang ang tanging gamot na makakapagpagaling sa’yo pero sa kasamaang palad, allergic ka sa gamot na iyon. Medyo gagaling ka, pero magkakaroon ka na naman ng panibagong sakit. [ malabo o mali?? ]

Palakihin natin ang sitwasyon. Pinagawa kayo ng titser niyo ng isang individual project- investigatory project. 15 kayo sa klase, ikaw lang ang nakagawa. Noong araw ng pasahan, napagdesisyunan na magsinungaling sa titser– na walang sinabi ang titser na idividual project. Ayan na, diyan na magakakaroon ng damned if you do, at damned if you don’t… Ipasa mo ang project mo o wala kang kaibigan, buong buhay mo hindi ka tatantanan ng mga kaklase mo sa pang-aapi sayo [ambitter nila]. Hindi mo ipasa ang project mo o babagsak ka. [ nalalabuan ako.. ]

Parang sa pelikula… may hostage at ransom money, di mo ibigay ang pera o papatayin ko siya? Ibigay mo na ang pera, para mapatay ko na siya. Bwahahahahahaha!!! >:]

Parang… Parang… Parang ewan lang ako. Hindi ko alam ang ending at kung bakit ako nagpost ng ganito. brrr..

Ang galing ‘no. Kahit saang anggulo mo tingnan,

malandi ang life… parang buhay…

Makulit, mas makulit pa sa langaw…

hakhak. laro tayo bato-bato-pik?

Manalo cute! Matalo mas cute! xD