[5th]
wala na. isa na namang bolpen ang nagtae. hindi na umalma. tuluyan nang nawalan ng tinta. wala ng pakinabang. deretso na sa basurahan [para sa iba], pero sa akin hindi. bibili na ng bago…ung mas maganda. ung mas epektib. yung MAS kaysa sa nauna.
isang buwan lang ang buhay. parang dumaan lang… di ko manlang naramdaman na naisulat kita sa paborito kong kwaderno. di na maalala ang lahat. sabog na. para na lang isang nakalimutang pag-asa na binalewala. ang saklap. parang hindi naging parte ng mundo. iyak na.
patapon. walang kwenta. basura. pakalat- kalat. yan ang nagtataeng bolpen. kawawa. inutil sa ilan. pero para sa akin, anyo ng sining.
bibili ng bagong bolpen. kulay asul. yung masarap isulat. yung masarap gamitin. yung masarap gawing inspirasyon para makapagsulat ng mga akda. yung nakakapagpa-apaw ng mga kuro- kuro at ibang mga ideya.
ang bagong bolpen, parang bida… samantalang si nagtataeng bolpen, bidang etsapwera. di magtatagal, si bagong bolpen ‘pag nawalan ng tinta ay magiging bidang etsapwera na rin. at panahon ang tanging magsasabi kung kelan ‘yon mangyayari. parang namatay na tala, bigla- bigla na lang mamamatay at hindi masydong pansinin sa karamihan.
tama na. hindi ko na alam kung saan patutungo ang nagtataeng bolpen. basta ang alam ko, noong kinder ako, nagtae ang bolpeng itim ng titser ko tapos sinipsip ko at hindi ko namalayang nangitim na rin ang buong bibig ko. i tengk yu, bow!
Martes, Hulyo 29, 2008 Sa 22:29
nangyari na rin sa akin yan. nakakatuwa. haha.. hmm, uyy. pakiboto naman ako sa idol blog at http://tiklaton.blogspot.com tenkyu!!!!!!!!!
Miyerkules, Hulyo 30, 2008 Sa 12:25
naman!
galing!
naapreciate ko to tol!
may something eh!
wateber!
Miyerkules, Hulyo 30, 2008 Sa 17:02
malalim pero may dating. pwedeng ikumpara sa buhay, sa mga kaibigan, sa ibang bagay….diba?
pero ang kulit mo pala, anung lasa ng tinta ng ballpen?? :lol:
Miyerkules, Hulyo 30, 2008 Sa 22:24
–
g-tec kase dapat eh
hakhak
elyens
XXXxx
Miyerkules, Hulyo 30, 2008 Sa 23:56
mongol ka na lang, mas mura pa. heheheh. tutal puro kampyuter naman na ngayon. kaya tuloy dhil d na ko nagsusulat sa papel, kasi pag nagsulat ako, di ko na rin mabasa.
Huwebes, Hulyo 31, 2008 Sa 09:10
uling na lang kaya ang gamitin mo?…wahahaha
Huwebes, Hulyo 31, 2008 Sa 09:56
nung kabataan ko, mahal na mahal ko ang mga nagtataeng bolpen! Ginagamit ko kasi yung excess ink pang-fingerprint sa lahat ng dingding namin sa bahay!
:D
Huwebes, Hulyo 31, 2008 Sa 14:16
anong lasa ng ink.
hehehe nagmistula ka tuloy pusit. i wonder how u luk like. hehehehehe. kawawang bolpen. patapon. haist tlaga.
Huwebes, Hulyo 31, 2008 Sa 15:10
hahaha!
madrama na sana e..
biglang me kwento pala sa likod ng nagtataeng bolpen..
hahaha..
Huwebes, Hulyo 31, 2008 Sa 16:44
wala bang lead ang tinta? baka immortal ka.]
Huwebes, Hulyo 31, 2008 Sa 21:48
hahahahaha muntik pa namang tumulo ang sipon ko sa umpisa pero sininghot ko na lang sa bandang huli! hahaha nakarelate ako sa pinagsasabi mo…. ang sa akin nga lang, di ko napansin na work of art na pala ang uniform kong puting-puti dahil sa makulay na makulay kong itim na bolen. bow. lol
at dahil nainspire ako sa sinulat mo at relate na relate ako…. iaad kita sa blog roll ko!=)
Biyernes, Agosto 1, 2008 Sa 10:32
hi po.. napadaan lang…
your writing is very much like of bob ong…
light reading… galing galing!!!
Linggo, Agosto 3, 2008 Sa 15:37
Buti ka nga eh nauubusan ng tinta ako kahit kelan di pa. pano lagi kong nawawala.
PS ang anda ng pagkakagawa mo sa post na’to.
Linggo, Agosto 3, 2008 Sa 16:59
hayyy.. saya naman niyan.. at least bolpen ang nagtatae sayo..hindi techpen :D
Linggo, Agosto 3, 2008 Sa 21:37
hahaha..ankulet..lalo na yong ending… ako din natikman ko na ang tinta ng itim na bolpen.haha..mapait pala.
Lunes, Agosto 4, 2008 Sa 13:21
nagawa ko rin sipsipin ang tinta ng ballpen ang pakla ng lasa! hindi matamis!!!