[5th]
wala na. isa na namang bolpen ang nagtae. hindi na umalma. tuluyan nang nawalan ng tinta. wala ng pakinabang. deretso na sa basurahan [para sa iba], pero sa akin hindi. bibili na ng bago…ung mas maganda. ung mas epektib. yung MAS kaysa sa nauna.
isang buwan lang ang buhay. parang dumaan lang… di ko manlang naramdaman na naisulat kita sa paborito kong kwaderno. di na maalala ang lahat. sabog na. para na lang isang nakalimutang pag-asa na binalewala. ang saklap. parang hindi naging parte ng mundo. iyak na.
patapon. walang kwenta. basura. pakalat- kalat. yan ang nagtataeng bolpen. kawawa. inutil sa ilan. pero para sa akin, anyo ng sining.
bibili ng bagong bolpen. kulay asul. yung masarap isulat. yung masarap gamitin. yung masarap gawing inspirasyon para makapagsulat ng mga akda. yung nakakapagpa-apaw ng mga kuro- kuro at ibang mga ideya.
ang bagong bolpen, parang bida… samantalang si nagtataeng bolpen, bidang etsapwera. di magtatagal, si bagong bolpen ‘pag nawalan ng tinta ay magiging bidang etsapwera na rin. at panahon ang tanging magsasabi kung kelan ‘yon mangyayari. parang namatay na tala, bigla- bigla na lang mamamatay at hindi masydong pansinin sa karamihan.
tama na. hindi ko na alam kung saan patutungo ang nagtataeng bolpen. basta ang alam ko, noong kinder ako, nagtae ang bolpeng itim ng titser ko tapos sinipsip ko at hindi ko namalayang nangitim na rin ang buong bibig ko. i tengk yu, bow!