kinakabahan ako.. nababalisa.

Miyerkules, Hunyo 25, 2008

nakakain ako ng antik na langgam na kulay kahel. nung una wala lang. di ko pinansin. pero nung nagtagal, narealize ko nakain ko pala talaga siya. nagulat talaga ako. kinabahan ako. sabi ko, ‘Siyet! bakit lasang anu… parang toxicated na ang katawan ko. hala. baka mamatay na ako.’ hala baka maging SUper Langgam ako neto!!! waaaaaaaaah! tapos narealize ko ulit na baka mabilis kumalat yung toxic acid na laman nung antik na langgam sa katawan ko. kinabahan ako. uminom ako ng tubig, yung malamig para pag sumama dun sa langgam acid [di ko lam tawag eh, langgam acid na lang] eh magfreeze yung acid para mapigilan yung kamatayan ko. siyet ulit sabi ko. nalalasahan ko pa rin yung langgam. uminom ako ng milo para maglaban yung mga acid sa katawan ko. siyet ulit. ayoko na. di ko na lang iisipin yung nakain ko. kung mamamatay ako, mamamatay talaga ako. bahala na si batman sakin.

[salamat at buhay pa ako. haha! lang kwentang post ito. natawa lang ako sa sarili ko kasi naiisip ko yang mga ganyang bagay. na kapag naiisip ko ulit eh para akong BALIW! oi hndi ako autistic ah! hehe]

5 Tugon to “kinakabahan ako.. nababalisa.”

  1. ayyzzz Sabi ni:

    ndi ka pa mamatay.. :lol:
    BATO ka ata.. haha :D
    baka magkaron ka pa ng EXTRA POWERS…

    magiging MIGHTY ANT ka na…hahaha :D

    natatawa ako sayo…ayos lang po yan…

    dunatwuri…

    haha.. onga pala. BATO ako. salamat sa pagpapaalala. hehe. apir! xD

  2. rimewire Sabi ni:

    panu ka nakakain ng HANT?

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    ang alam ko kasi pinatay ko yung metro ng tubig sa labas ng bahay namin tapos dun ata kumapit yung HANT sa damit ko tapos ewan ko na kung pano ko siya nakain basta nalasahan ko na lang siya kasi parehas ng lasa ng langgam na maliit. kinakabahan lang ako kasi HANTIK heyun tapos dun pa galing sa may puno ng mangga namin eh baka kung anung meron sa katawan nung langgam na yun. waaaah! napaparanoid na akooooooooooo!!! yoko na magbowling!!! huhuhu…brrr x[


  3. heka muna bakit mo alam ang lasa ng langgam na maliit? =)) wakekekek

    uu kaya.. nalasahan ku na yung langgam na itim tska yung pula.. hndi masarap.. hndi ko namang intensyon na kainin yun eh. pramis!</

    strong>

  4. kamotenista Sabi ni:

    ano nga ba ang masarap?
    ang langgam na pula o itim?…wahaha

    hakhak.. pwde both.. hirap makapili eeee.. hakhak! xP

  5. hitokirihoshi Sabi ni:

    okay lang yan… at least antik naman… hindi yong itim na langgam na makulit… o yung honey bee na maapakan mo o lumusot sa bibig mo… sino kaya kawawa sa inyo ng langgam? joke lang!
    mabuhay!

    ai. unga.. kawawa yung langgam. waaaaaah! kinain ko siya.. huhuhu…brrrr


Mag-iwan ng Tugon