Kapitan Procopio!

Lunes, Hunyo 23, 2008

At simula ngayon tatawagin kitang PROCOPIO!

Ikaw na si Procopio!

Halos isang taon na kitang kilala pero hindi ko pa rin kilala ang totoong si Procopio. Alam kong hindi ka biktima ng aking guni- guni, at lalong hindi ka kasama sa listahan ng aking “imaginary friends”. Totoong may Procopio sa buhay ko. Totoong isinilang ka para maging si Procopio ko.

Nakakahiya mang aminin, pero ang sarap mong maging kaibigan, Procopio. Masarap kang kausap [sa selepono] at masaya kang kasama [sa panaginip]. Ikaw nga lang ang nagtiya-tiyagang makinig sa lahat ng mga reklamo ko sa mundo. Pati nga kababawan ko eh pinagtiyatiyagaan mo rin. Dakila ka talaga! Minsan nga iniisip ko na nagsasawa ka nang kausap ako at napipilitan ka na lang kausapin ako dahil nga magkaibigan tayo. Pero ewan ko kung bakit tuloy pa rin ang pakikipagkaibigan mo sa’kin sa kabila ng kawalang kakwentahan ko sa mundo. Tanging masasabi ko lang ay magaan ang loob ko sa’yo simula pa lang noong nakilala kita sa jeep. Kaya naman ikaw ang aking Superfriend!

Sa simple mong tindig, sa maaangas na hibla ng ‘yong mga buhok, at sa mahiyain mong ngiti, talaga nga namang ikaw si Procopio. Mabuti kang tao at ayaw na ayaw kong may nang-aapi sa’yo. Ayaw na ayaw kong nalulungkot ka. Naiinis ako sa mga taong nagtangka at magtatangka pang awayin ka. Para kasing ikaw yung tipo na gaya ko na fragile at walang force field para maipagtanggol ang sarili at iiyak na lang sa isang tabi sakaling sobrang masaktan. ‘Wag kang mag-alala, Procopio, ipagtatanggol kita sa lahat ng mananakit sa’yo!

Ika-labingdalawang buwan na ngayon. Marami na ngang araw at gabi ang lumipas. Inabot na nga talaga ng isang taon nang nakilala kita. Madami nang kwentong napagsaluhan. Lahat na rin ng sikreto naisiwalat na sa isa’t isa. At sa bawat araw na nagkakausap tayo ay lalong gumagaan ang loob ko sa’yo. kaya naman masaya akona naging kaibigan kita, ang sarap sarap mo kasing maging kaibigan. Sa tuwing malungkot kasi ako, nagkakataon namang ikaw ang nakakausap ko. Ikaw ang tagasagip sa tuwing ako’y nalulunod na sa kalungkutan. Ikaw ang nagsisilbing superhero sa tuwing ako’y nakakahon sa kadramahan ng buhay. Salamat, Procopio! Salamat at nabuhay ka… Salamat at naging magkaibigan tayo. Wala na akong nanaisin pa. Isa ka talagang Kapitan Procopio!

Pero sana mas makilala pa kita…yung tunay na si Procopio. Yung hindi lang si Procopio sa likod ng mga kwento at halakhak…kundi yung Procopio na binabati at nginingitian ni Procopia sa tuwing magkakasalubong sila sa kung saan.

8 Tugon to “Kapitan Procopio!”

  1. rimewire Sabi ni:

    muka kang porkyupayn

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    haha! tengkyu tengkyu! hahahaha! ikaw si porkyuraym. haha. korni..

  2. rimewire Sabi ni:

    hakhak

    kala ku naman tutuong pira

    hakhak

    elyens tu da maks

    XXXxx

    haha. salamat uliiit!!! xD sige bibigyan kita ng totoong pera.. haha! di namamansin ah.

  3. kamotenista Sabi ni:

    hmm….usapang love life ba ito or usapang alien or imaginary love?…wahaha

    wala. usapang batopik toh. hihihi…brrr xD

  4. ayyzzz Sabi ni:

    buti ka pa may PROKOPYO…

    hahanap din ako ng aking PROKOPYO sa lalong madaling panahon (inggit e, nuh? hahaha)

    PAGING PROCOPIO ASAP hehe :)

    napasilip lang po :D

    hehehe.. apir! xD

  5. rimewire Sabi ni:

    hakhak

    adek to, grabe naman kase ikaw, pinagkalat mu na sa hol unibers ang aking katauhan

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    ay ganoon ho ba? hakhak. sorry naman. ayaw mu nun, sikat ka. hehehe.. xD ok lang yan. masasanay ka ding maexpose sa totoong mundo. hakhak.. sorry ulet.

  6. Richmond Sabi ni:

    Natutuwa ako sa paraan mo ng paglalahad gamit ang wikang Pilipino. yung iba kasi parang showbiz tabloid ang dating. :)

    yey! may natutuwa sa akin. nakaktuwa naman. haha! xD


  7. ako… hindi na ako maghahanap ng

    KULASO…

    jungangets ng name…

    ahaha…

    Ü

    ay, ambot!

    hahaha! ambantot nga ng pangalan eh kaya ang sarap gamitin. hahaha!

  8. ms panda Sabi ni:

    add po kita sa blogroll ko ah!

    hehehe.. sige lang.. tinatamad kasi ako magedit ng mga gnyan eh. hekhek.. palagi kona lang kiclick tong sa comment. hehe.. xD


Mag-iwan ng Tugon