Biyernes. Inabot na ng limang araw. limang gabi. isang linggo? [hindi pa.]
Maraming lumalangoy sa isipan ko ngayon…sa sobrang dami ay hindi ko na alam kung ano sa mga ito ang una kong iisipin at pag-iisipan. Nalilito. Tama! Nalilito na ako sa bilis ng mga pangyayari. Ayaw ko ng ganito. Parang inaalisan ako ng sarili ko na magkaroon ng kalayaan- kalayaan sa pagpapahayag. Oo. SARILI ko na nga ito, hindi ko pa kakampi. Hindi kami magkaintindihan ng sarili ko. Magkaaway kami. AT hindi ko alam kung hanggang kailan ito magtatagal. Masyadong komplikado. Magulo.
Kasalanan ko ang lahat ng ito. AKO. AKO. AKO. Ako na ang Kontrabida sa sarili kong buhay. Nakakainis. Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko. at naguguluhan na talaga ako. NAHIHIYA NA AKO SA MGA PINAGGAGAGAWA KO. Parang sa bawat kilos at salita ko ay nawro-wrong move ako. Ano ba ito, chess? Na ang rule ay touch move? Wala ba itong bawian? Wala bang ulitan? Ganito ba talaga ang buhay, medyo unfair? [o sa pananaw ko lang unfair?]
Minsan gugustuhin ko na lang maglaho. Maglaho para hindi na makita ng mundo ang lahat ng kamalian ko. Maglaho para hindi na ako mababad sa ginawa kong sariling kahihiyan. Sana katulad na lang ako ni Violet Parr ng The Incredibles. Sana may kapangyarihan din akong maprotektahan ang sarili ko sa pamamagitan ng paglalaho. Para sa tuwing nagkikita tayo ay mabilis na lang akong mawawala…para hindi mo na ako makita at tuluyan mo na akong makalimutan.
Kung ako lang si Violet… hindi na ako mahihirapan ng ganito.
Sabado, Hunyo 21, 2008 Sa 01:00
isipin mo na lang..walang nagiging successful na hindi nagkakamali :D
Sabado, Hunyo 21, 2008 Sa 08:49
–
haaay BALILET
hakhak
ui ilalagay kita sa aking blagrowl
hakhak
un lng
XXXxx
Sabado, Hunyo 21, 2008 Sa 15:05
o cge ipapanalangin ko din yan na sana ikaw ay maging si VIOLET.. at sana malampasan muna itong pRoblema..
http://www.superjen.vze.com
http://www.walongbote.co.nr
Sabado, Hunyo 21, 2008 Sa 16:43
sana ako rin si VIOLET!
hahaha :D
gusto ko ring maglaho eh :lol:
nyayy..
nadaan lang po ako :D
Sabado, Hunyo 21, 2008 Sa 16:56
ganyan din ang pakiramdam ko minsan pag hindi kami in good terms ng sarili ko…pero napagtanto ko rin na wala akong ibng choice kundi harapin siya kasi hindi ko siya pwede talikuran haha! ok lang yan sis, lilipas din yan.
Linggo, Hunyo 22, 2008 Sa 03:30
kailangan nating madapa, para maramdaman natin ang sakit, at maikumpara natin to sa kung gaano kasarap ang tagumpay pagtapos mong madapa.
Linggo, Hunyo 22, 2008 Sa 14:46
–
bagay kayo ni neex, bsahin mo ung entry nia
hakhak
power elyens mistik pors
XXXxx
Linggo, Hunyo 22, 2008 Sa 16:02
life is always unfair!…everytime we open our eyes may kasamang kamalian til we grw old.
to understand life we have to accept our own mistakes
sabi nga ni kuya kim “ang buhay ay weather weather lang”
cheer up!
Lunes, Hunyo 23, 2008 Sa 15:16
ganyan din ako minsan pero di talaga tayo yun e… defence mechanism ng tayo na mag change ng character para lang malampasan ang challenges ng buhay… tama ba yun? in a way oo pero kung habitual na medyo dapat kumunsulta ka na ng specialista kasi dapat ang lahat ng problema hinaharap at di tinatakasan so pag tinaksan natin yan lalo lang mag papatong patong ang problema natin…
sad fact of life yan! we tend to be someone less just to lessen the main or ignore the problem that we have right now… pero sana matuto tayo harapin in the future
Lunes, Hunyo 23, 2008 Sa 17:36
naku u give me a clue. parang gusto ko na rin tuloy maging si violet. kung pwede lang kasi na mag laho.
i feel the same way too. maybe not with the same person and same situation. . .
Linggo, Hunyo 29, 2008 Sa 18:50
huwaw! kaya ayoko humaharap sa salamin eh, kasi ayokong harapin sarili ko awts! >.<