sabado kahapon. ngayon linggo. ano na? nakakainis si manong na nangongolekta ng bayad sa jip. duh? ang minimum fare ay walong piso. eh magkano lang binayad ko, sampung piso. tinanong ba naman ako kung ilan yun? duh?? manong! sampumpiso ho! joke lang… sinabi ko talaga isa. hahaha! ang engot naman kasi eh. tskk! pagod na pagod na ako tapos dadagdag pa si manong para mapainit ang ulo ko. rrrrr… nakakabadtrip talaga.
hndi ko na alam ang sunod kong kwento. madami. nastock na sa back part ng mind ko. ewan. basta derederetso na lang akong magtatype…
pagod na pagod na ako at gusto ko nang matulog, pero hndi ako makatulog. gustong gusto na ng utak kong makakita ng ibang dimensyon.. pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako makatulog. inabot na nga ako ng alas onse ng gabi ay hindi pa rin ako nakakatulog. nakakapagod. nakaka-ewan! nakakamatay!
hndi ko na alam ang sunod kong kwento. madami. nastock na sa back part ng mind ko. ewan. basta derederetso na lang akong magtatype…
hindi ko pa tapos basahin ang chapter three ng financial accounting kong aklat.. walong pahina pa…at kailangan ko ding maisaulo ang mga terms ngayong gabi. paking syet! kailangan ko ng brain enhancer! nahihirapan na akong magkabisa ng mga salita. kailangan ko ng tsokolate, mani, at hot and spicy na century tuna! pano na lang kung tanungin ako ng dakila naming guro sa parteng hindi ko pa napag-aaralan? wasak! super kaduper wasak na wasak!
hndi ko na alam ang sunod kong kwento. madami. nastock na sa back part ng mind ko. ewan. basta derederetso na lang akong magtatype…
alam mo na pala…dati pa. pero bakit… ano ba? nalilito na ako. naguguluhan na ako… magulong magulo na ang isipan ko ngayon. ayaw ko na ring isipin yan dahil wala namang patutunguhan yan eh.. hahayaan ko na lang yang biglang maglaho… hanggang sa hindi mo na rin maalala lahat ng mga pinagsasasabi ko.. sabi na eh. lahat kayo feeler! mahirap bang maging totoo? bat mo iisipin yung iisipin ng iba, eh sarili mo yan. duh?
hndi ko na alam ang sunod kong kwento. madami. nastock na sa back part ng mind ko. ewan. basta derederetso na lang akong magtatype…
kailangan ko ng concentration. penge naman oh. sige na! san ba yun nabibili? magkano? hindi ako makapagconcentrate sa accounting ko.. andaming naiisip ng utak ko na puro mga walang kwentang bagay… ewan ko ba kung bakit bigla bigla silang nagkukumpulan ngayon sa utak ko.. pwde bang patago muna ng mga iniisip ko? gusto ko accounting lang muna iisipin ko para derederetso na… para wala ng makikiextra sa love affair namin ng accounting. pwde ba?
hndi ko na alam ang sunod kong kwento. madami. nastock na sa back part ng mind ko. ewan. basta derederetso na lang akong magtatype…
gusto ko ng rock music. yung maingay. yung nakakabasag ng eardrum. para gumaan ang loob ko. para hindi na ako mawasak.. para sa bawat sigawan at hampasan ng drums eh mawala ang mga latak sa utak ko. nakakainis. nakakainis. nakakainiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiis!!!
gusto ko ng hot and spicy century tuna!!!