“I’ll walk down the quieter path today and avoid all the crowds.”
Bowling, isa, magtigil ka!
H’wag kang makulit.
‘Pag ako nainis sa’yo, iiwan kita!
Maglalaro ako ng barilan sa TZ!
Ano? Umayos- ayos ka!
loading…
“I’ll walk down the quieter path today and avoid all the crowds.”
Bowling, isa, magtigil ka!
H’wag kang makulit.
‘Pag ako nainis sa’yo, iiwan kita!
Maglalaro ako ng barilan sa TZ!
Ano? Umayos- ayos ka!
nakakain ako ng antik na langgam na kulay kahel. nung una wala lang. di ko pinansin. pero nung nagtagal, narealize ko nakain ko pala talaga siya. nagulat talaga ako. kinabahan ako. sabi ko, ‘Siyet! bakit lasang anu… parang toxicated na ang katawan ko. hala. baka mamatay na ako.’ hala baka maging SUper Langgam ako neto!!! waaaaaaaaah! tapos narealize ko ulit na baka mabilis kumalat yung toxic acid na laman nung antik na langgam sa katawan ko. kinabahan ako. uminom ako ng tubig, yung malamig para pag sumama dun sa langgam acid [di ko lam tawag eh, langgam acid na lang] eh magfreeze yung acid para mapigilan yung kamatayan ko. siyet ulit sabi ko. nalalasahan ko pa rin yung langgam. uminom ako ng milo para maglaban yung mga acid sa katawan ko. siyet ulit. ayoko na. di ko na lang iisipin yung nakain ko. kung mamamatay ako, mamamatay talaga ako. bahala na si batman sakin.
[salamat at buhay pa ako. haha! lang kwentang post ito. natawa lang ako sa sarili ko kasi naiisip ko yang mga ganyang bagay. na kapag naiisip ko ulit eh para akong BALIW! oi hndi ako autistic ah! hehe]
At simula ngayon tatawagin kitang PROCOPIO!
Ikaw na si Procopio!
Halos isang taon na kitang kilala pero hindi ko pa rin kilala ang totoong si Procopio. Alam kong hindi ka biktima ng aking guni- guni, at lalong hindi ka kasama sa listahan ng aking “imaginary friends”. Totoong may Procopio sa buhay ko. Totoong isinilang ka para maging si Procopio ko.
Nakakahiya mang aminin, pero ang sarap mong maging kaibigan, Procopio. Masarap kang kausap [sa selepono] at masaya kang kasama [sa panaginip]. Ikaw nga lang ang nagtiya-tiyagang makinig sa lahat ng mga reklamo ko sa mundo. Pati nga kababawan ko eh pinagtiyatiyagaan mo rin. Dakila ka talaga! Minsan nga iniisip ko na nagsasawa ka nang kausap ako at napipilitan ka na lang kausapin ako dahil nga magkaibigan tayo. Pero ewan ko kung bakit tuloy pa rin ang pakikipagkaibigan mo sa’kin sa kabila ng kawalang kakwentahan ko sa mundo. Tanging masasabi ko lang ay magaan ang loob ko sa’yo simula pa lang noong nakilala kita sa jeep. Kaya naman ikaw ang aking Superfriend!
Sa simple mong tindig, sa maaangas na hibla ng ‘yong mga buhok, at sa mahiyain mong ngiti, talaga nga namang ikaw si Procopio. Mabuti kang tao at ayaw na ayaw kong may nang-aapi sa’yo. Ayaw na ayaw kong nalulungkot ka. Naiinis ako sa mga taong nagtangka at magtatangka pang awayin ka. Para kasing ikaw yung tipo na gaya ko na fragile at walang force field para maipagtanggol ang sarili at iiyak na lang sa isang tabi sakaling sobrang masaktan. ‘Wag kang mag-alala, Procopio, ipagtatanggol kita sa lahat ng mananakit sa’yo!
Ika-labingdalawang buwan na ngayon. Marami na ngang araw at gabi ang lumipas. Inabot na nga talaga ng isang taon nang nakilala kita. Madami nang kwentong napagsaluhan. Lahat na rin ng sikreto naisiwalat na sa isa’t isa. At sa bawat araw na nagkakausap tayo ay lalong gumagaan ang loob ko sa’yo. kaya naman masaya akona naging kaibigan kita, ang sarap sarap mo kasing maging kaibigan. Sa tuwing malungkot kasi ako, nagkakataon namang ikaw ang nakakausap ko. Ikaw ang tagasagip sa tuwing ako’y nalulunod na sa kalungkutan. Ikaw ang nagsisilbing superhero sa tuwing ako’y nakakahon sa kadramahan ng buhay. Salamat, Procopio! Salamat at nabuhay ka… Salamat at naging magkaibigan tayo. Wala na akong nanaisin pa. Isa ka talagang Kapitan Procopio!
Pero sana mas makilala pa kita…yung tunay na si Procopio. Yung hindi lang si Procopio sa likod ng mga kwento at halakhak…kundi yung Procopio na binabati at nginingitian ni Procopia sa tuwing magkakasalubong sila sa kung saan.