alas singkong luha

Sabado, Mayo 31, 2008

alas singko ng hapon.

hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko ngayon. basta ang alam ko hindi ako masaya gaya ng pagiging masaya ko kahapon. biglaan lang ito. hindi ko rin inasahan ang mga pangyayari. nasaktan ako. at hindi ito kayang ipaliwanag ng mga salita.

hindi ngayon ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang ganitong klaseng pakiramdam. naramdaman ko na rin ito dati pa… pero bakit hindi pa rin ako nasasanay? parang ngayon eh mas malala kesa sa nauna. hindi ko alam. masyado lang siguro akong natamaan sa kanyang mga binitawang salita. hindi ko matanggap. masakit talaga. mas masakit pa sa nararamdaman kong sakit ng ngipin ngayon; at masasabi kong talaga namang nakakaiyak. wala na akong masabi. sana sa bawat pagkakataong nararamdaman ko ito, ay nagiging manhid na lang ako. ang bigat ng puso ko ngayon. hindi ko mailabas ang lungkot at pighating nadarama ko ngayong mga oras na ito. gusto kong sumigaw!

EWAAAAAAN!!! parang gusto ko na lang maglaho bigla… yung walang makakapansin. tahimik na lang akong mawawala. hindi na ako magpapaalam…

Current Music: Buried Myself Alive

Current Mood: WASAK!

4 Tugon to “alas singkong luha”

  1. kengkay Sabi ni:

    good thing you can blog about it. nailabas mo rin sya. mahirap yung iniipon sa loob kasi minsan sa iba sasabog e. hang in there!

    RE: salamat po ate kengkay. bukas makalawa ayos na rin ako..

  2. simpleng pagong Sabi ni:

    kaw ang magpaburger jan! tingnan mo, masisiyahan ka nyan. masisiyahan ka na meron kang pinasaya.

    kung sino ka man. hehe.. n_n

    ngak! ganun ba eun.. hahaha! cge libre kita cheeseburger. akin ung palaman.. iyo ung tinapay. ahahahaha!!! :D

  3. Aling Baby Sabi ni:

    nakuu…talaga ngang napakasakit ng ganyang sitwasyon. :( kung ako man ang nariyan ngayon, siguro hindi ko makakayanan.

    magpagaling ka! :)

  4. neex Sabi ni:

    ako dati, madalas ganyan. sa blog ko din nilalabas sama ng loob ko. pero hindi lahat (delikado pag may ibang makabasa) hehe


Mag-iwan ng Tugon