Second year na ako.. at salamat sa Diyos, wala pa akong naibabagsak na asignatura at patuloy akong nakakapasa sa aking Accounting subjects. Ngayong papalapit na ang pasukan, eto lang ang masasabi ko… “hahahahahahaha”
Babaguhin ko na ang aking study habits… Magsisipag na ako. Hindi na ako magcacram. oo. CRAM nga! Masama ang magcram.. Naaapektuhan nito ang ating utak pati na rin ang ating buong katawan.. [oha. tunog expert ako] Kapag nagaaral tayo kinagabihan bago magexam, eh madali nating natatandaan ang ating mga napagaralan noong gabing yaon… Ngunit, mabilis mo ring makakalimutan ang mga napagaralan mo noon at maaaring ito ang maging isa sa mga dahilan upang ikaw ay maging isang ulyanin…
para sa karagdagang kaalaman, CLICK HERE kung hindi pa sapat ang nabasa mu, eh maggoogle search na lng kayo: effects of cramming. basta cramming is BAD for your health. yun na yun. mga estudyante, wag na tayong magcram! THIS IS A CRAM NO MORE CAMPAIGN. hahaha!!!
kaya ngayon, hindi na ako magcacram. mas maganda na talaga yung araw araw kang nag-aaral upang hindi ka mamental block tuwing exams. hahahaha!!!
ang saya saya ko talaga ngayon.
sana kayo rin.
ang sarap mag-aral!!!
hoooo hooooo!!!
may baon na naman!!! XP
hehehe.
God bless us all…
Current Music: Prinsesa
Current Mood: hahahappeeeeeee :)
Sabado, Mayo 31, 2008 Sa 06:05
alam mo nung estudyante ako kahit kelan di ako nag cram… mga profs ko ang nag-cram kasi eh, hahahaha!
Sabado, Mayo 31, 2008 Sa 10:45
nangako rin ako dating hindi na magca-cram..hehe…alang nangyari..
pagbutihin ang pag-aaral! Pagbutihin ang pag-gastos sa baon!
Sabado, Mayo 31, 2008 Sa 12:48
–
Ngayon lang ‘yan. ‘Pag midterms na naten mag-cacram lang tayong lahat.
hakhak
elyens
XXXxx
Lunes, Hunyo 2, 2008 Sa 19:19
sali ako sa iyong CRAM NO MORE CAMPAIGN, ganyan din ako last year pati nung hay skul ako. hehehe