takipsilim.
naalala ko bigla noong ako ay nasa unang baitang…
kakalipat lang namin ng bahay.
BAGO. bagong bahay. bagong paaralan. bagong kaibigan. BAGO lahat!
madaming makukulit, pero hindi ako nahahawa sa kanila. nanatili akong tahimik at walang imik sa gilid.
may mga dambuhalang titser na kapag inilagay ang honor mu sa dibdib ay parang tatalsik ka na sa kabilang kwarto. ang lakas lakas pa ng boses, sigaw siya ng siagw. natatakot talaga ako sa kaniya. at siya pa ang skul nars namin. “hindi ako magkakasakit”, sabi ko sa sarili ko dati.
araw- araw chinecheck ng titser namin ang amig mga kuko, nagkataon ay hindi uso ang nailcutter noong mga oras na yun. PAKK! ang sakit. napalo ang kamay ko ng ruler.
NO ONE SHOULD SPEAK IN TAGALOG (even when playing)
Sa mga girls, bawal ang nakabukaka. dapat umupo ng maayos at feet together.
Si Kurt ang una kong naging kaibigan. mataba siya, tapos maitim na lalaki… at… at…malaki! nakakainis siya kasi lumulusot siya sa ilalim ng mesa ko kaya tuloy palaging nasisira yung paa ng lamesa ko. siya rin ang palaging nanghihiram sa akin ng lapis.. at kapag ibabalikna niya, maikli na.. at tsaka tinapunan niya ako ng Moo sa uniform ko, pinagalitan tuloi ako ng inay ko. nakakainis talaga! pero nilibre niya ako ng ice cream, pwede na iyon :)
Sabi ng titser ko, para sa mga bobo lang daw ang mga lapis na maiikli kaya kapag binabalik na sa akin ni Kurt yung mga lapis ko, tinatapon ko na lang… hahaha! pero pinagalitan siya ng titser ko dati kasi yung gamit niyang lapis ay superkaduper ikli…hahahaha! buti nga sa kanya!
Kapag nagmura ka, puputulin dila mo.
Si manong ice cream ay nasa labas ng aming aaralan at naghihintay na…pero hindi ako pinabaunan ng aking inay ng pera. nakakalungkot.
Si Gianni Brill… ang laging umaaway sa akin, sabi niya ang laki daw ng mata ko at tska ang liit liit ko daw. Laki Mata tawag niya sa akin. badtrip! siya Liit Mata! hmpt!
Si Jan Trisha Marie ang bestfriend ko noon.. magkasunod kami ng bertdey, 11 siya, 12 ako. mabait siya…at tska totful. binisita niya ako sa bahay namin [kahit may malaking aso] noong may sakit ako at binigyan niya ako ng makulay niyang drawing… nakakatuwa. =]
mag Sunday School tuwing linggo at makinig kay Pastor…
pag Sabado naman, magtaekwondo… may Koreanong nagtuturo. hindi ko na maalala basta lam ko enjoy tuwing sabado.
anung tagalog ng monkey bars? aiown. paunahan kami sa monkey bars… hahaha! nagakakapaltos ung palad ko…ung parang may tubig.. pero ayos lang kahit nagkakasugat at napapagalitan ni inay, masaya naman.
ayokong magslide sa playground namin, langya ung mga nasa likod ko eh, walang hiya taaga! tinulak ako sumubsob tuloy ako sa lupa! langya talaga oh! di ko nga alm kung sino un eh.
ayan ang buhay GRADE 1 ko. masaya… walang inaalala…kundi ang paglalaro.
Lunes, Mayo 26, 2008 Sa 20:19
nakakamiss buhay bata…
walang pera, pero wala din namang problema. ^_^