ako at si boy pulube.

Mayo 19, 2008

maliwanag ang araw. may dumaang maglalako ng suman… tapos ayun!

napunta aku bigla sa UP campus…

ayun, nagjip naman aku…tapos may mga pulubi na pumapasok sa loob ng jip…

may isang boy na nakaakyat sa jip tapos tinitigan ko lang siya, tuloi napagdiskitahan ako. pinipilit niya akong magbigay ng pera…nangingiti lang ako sa kanya…hndi ko alam ang gagawin ko eh. wala naman akong pagkaing dala. kawawa naman siya sabi ko sa sarili ko. pinunasan nga niya ung sapatos ko eh, feeling ko santo ako… hahaha! [ngayon alam ko na ang feeling ng santo hahaha] dapat nga ibbgay ko ung tira kong Mt.Dew…pero wag na lang…bka mabutas pa sikmura nia eh..hahaha! mahina lang ang kita nia.. dos lang ata..ung isang ale lang yung nagbigay sa kanya, at mukhang napilitan lang yung ale na ibigay ung dos niya… naawa naman ako…pero di ko matulungan eh, wla akong baong pagkaen eh…panget pag pera ibinigay mo sa mga boy pulubi. baka ibili lang ng katol jan at maghithit sila ng mga brad nia sa tabi. kaya sabi ko sa sarili ko, wag na lang…

pagbaba nung pulubi boy… may tatlong pulubi boy na sumalubong sa kanya. isang malaking bata, maliit na bata, at mas maliit pang bata. sige pa rin ako sa pagtitig dun sa pulubi boy hanggang sa mga sandaling iyon. hindi sa na-starstruck ako sa kanya, kundi nag-oobserve lang kumbaga. buti na lang nakailaw ng pula yung trapik layt. ayos ito! nagulat ako… kasi si boy pulubi ay biglang tinulak nung malaking btang pulubi. ay sows! nagulat talaga ako. parang live action sa totoong buhay. parang shooting din sa pelikula.. tapos ako ang extra, sila ang bida. tapos ung mga sidekick netong malaking bata tumulong kay boy pulubi na itulak siya… at ayun na nga. nagsuntukan ang mga batang pulubi. siguro nakita nila na may nagbigay kay boy pulubi ng pera sa loob ng jip kaya tiniktikan nilang mabuti si boy pulubi para kunin yung DOS na kinita nia mula kay ale. exciting eto. sabi ko. pero bigla namang umandar yung jip. badtripp. kung video cam lang ang mga mata ko, eh di sana napanood niyo rin.

yan ang totoong drama ng buhay!

6 Tugon to “ako at si boy pulube.”

  1. Padre Salvi Sabi ni:

    Korek. Araw araw ko naeencounter yan. Pag nasa UP Pantranco jeep ako/

  2. Padre Salvi Sabi ni:

    Korek. Araw araw ko naeencounter yan. Pag nasa UP Pantranco jeep ako.

  3. eloiski Sabi ni:

    awtz. yan nga ang totoong drama ng buhay.
    ako pag lumalapit sa aking pulubi at natimingan pa na kumakain ako ng mcdo, sige bigay ko na lang sa kanila.
    wawa naman eh.

  4. batopik Sabi ni:

    hahaha!!! ako ndi… bahala silang mainggit jan. hahahaha! joke lang!!! XD cguro kakagatan ku muna, tas ung last bite sa kania na.. hahahahaha!!! joke lang ulit.. hohoho.. salamat sa pagdaan eloiski. XD hihihi…brrr

  5. aKDa Sabi ni:

    sa araw-araw kong adventure papunta sa skwelahan, eh madalas ko talagang maexperience ung nilulusob ng mga bata yung jeep, tapos, nanlilimos, ang nakakainis naman sa ibang bata, ayaw nila tanggapin pag pagkaen ibibigay mo, pero yung iba lang naman.

  6. neex Sabi ni:

    nasa jip din ako galing uste (di ako taga dun) nung may umakyat na pulubi din. humihingi din sakin pero iniisnab ko lang. wala naman ako maibigay eh.. pero may nagsasabi sakin na napagkakamalang mayaman daw ako. lols


Mag-iwan ng Tugon