college vs. high school

May 16, 2008

college friends know who you are. high school friends know why…

oo. tamang tama. sakto. yun nga ang difference nila. masaya naman ako sa buhay ko ngayong college, pero MALIGAYA ako sa buhay ko nung hayskul. siguro dahil talagang ibang- iba ang mga hayskul buddies and passers-by noon. ewan ko eh. parang may hinahanap-hanap pa ako ngayong college…parang hndi pa ako kontento. although comfortable na ako sa college friends ko, still…nahihirapan akong maging katulad ng sarili ko noong hayskul ako. (ang labo) mas free ako nung hayskul. ayun. yun siguro yung euphemism para dun… ewan ko ba. kasi parang kahit ano ang i-share ko sa HS friends ko, naaappreciate nila ako kahit indirectly expressed. ayun. medyo lang naiibahan ako. at tska wlang uniqueness ung 1st year of college life ko. ewan ko. paulit- ulit na lang kasi eh, di katulad noong hayskul, parang araw-araw may “special event”…masarap tuloy alalahanin yung mga moments na yun.

sa ngayon, ayaw ko pang magsecond year… gusto ko bakasyon pa. sabi nga ng close friend ko noong hayskul na itago na lang natin sa pangalang Cath, “wala namang kaabang- abang ngayong second year.” TAMA! tamang tama! hahaha! baka pagdating ng 2nd year, tamarin na naman ako sa buhay ko. sa ngayon, buhay ang dugo ko kasi adik ako sa American Idol. hndi ko alam kung hanggang kailanakong maaadik dito. sana hindi na ako magsawa kay david archuleta at david cook. kudos! hehehe! ^^,

2 Responses to “college vs. high school”

  1. Arekz Says:

    You are invited to join the $20 Worth of Reaction: J’Attendrai Le Suivant (I’ll Wait for the Next One) :P http://coffeewitharsenic.com/2008/05/11/20-worth-of-reaction-jattendrai-le-suivant-ill-wait-for-the-next-one/

  2. chayden Says:

    opo nga eh :)parang yung hayskul kasi, mas mahalaga pa sa buong buhay mo :P padaan lang :)


Leave a Reply