magkkwento lang ako, wala kasi akong mapagkwentuhan neto. baka sabihin niyo masyado akong…alam mo na.
sisimulan ko na ba?
sige, ganito kasi iyon…
tanda ko pa, Huwebes no’n. andito na sa Pinas ang mommy ko,pero di naman siya magtatagal dito. malamang sa alamang gagala yan. at isasama ako. at ganun na nga ang nangyari. ako naman itong si Ms.-Old-Fashioned-garbage-looking-dresser sinita ni mudra. ainako. bakit daw yung mga lumang damit ang sinusuot ko at tska bakit ang boring ko tignan. at tska mukha na daw basura yung mga gamit ko, mula ulo hanggang paa. grabe naman. medyo nasaktan naman ako dun. hindi naman sa basura yang mga gamit ko…that’s what you call ART. mommy, ART po iyan. may sarili akong fashion at hindi po basura yang mga yan, ART po iyan. pero kahit anong pilit kong pagpapaliwanag sa kanya, pinipilit pa rin niya akong palitan yung suot ko…yung “in” daw, un daw nasa uso ung suotin ko. binigay niya sa akin yung damit, magpalit daw ako. ako naman…sige na nga, anak lang ako…minsan ko lang din naman makasama mommy ko. pagbigyan na lang. pero masama ang loob ko, naiiyak na ako. ayaw kong magsuot ng mga ganung damit. ayaw ko talaga. umiyak na ako. mahaba na ang mukha ko at magkasalubong na ang mga kilay ko… nagtatampo ako. masama talaga ang loob ko noong mga panahong iyon. napaiyak na lang talaga ako.
ayun lang.