goodbye my almost lover

Martes, Mayo 13, 2008

minsan hindi ko na alam kung tama ba ang ginagawa ko…kaibigan kita, at kaibigan lang din ang turing mo sa akin.pero hindi ko maikakaila sa sarili ko na…alam mo na ‘yun! nararamdaman mo naman siguro… (sabi mo nga) pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ka pa rin sa akin. masyado mong ipinaparamdam sa akin na…alam mo na ‘yun! minsan nahihirapan na ako. nalilito na ako. nahihirapan na akong itago sa’yo ito… pero hanggang kaya ko, kakayanin ko para lang masagip ang ating pagkakaibigan.

alam mo na yun. tao lang ako, gaya mo. hindi ako robot. mahirap bang intindihin ‘yun?

gusto ko nang lumayo sa’yo. alam mo na ‘yun. ganun na lang sana. ‘yung katulad dati… ‘yung dati na hindi kita kilala. siguro tama na yung naiparamdam ko sa’yong mahalaga ka sa’kin.

gusto ko lang mapag-isa ngayon. siguro nga napasobra na ako at hindi ko na kayang ikontrol ang sarili ko…at medyo nasasanay na ako na palaging ikaw ang sumbungan at takbuhan ko. kaya hanggang dito na lang muna.

sasamantalahin ko na ito ngayong walang mga bituin sa kalangitan, hindi na muna kita gagambalain. sasanayin ko ulit ang sarili ko na wala ka.

sana maintindihan mo ako.

Mag-iwan ng Tugon