maliwanag ang buwan; mahiwaga

Martes, Mayo 13, 2008

mahirap hagilapin ang mga tamang salitang angkop para sa pagyapos ng mga ulap sa naglalahong bwan. maliwanag. mahiwaga. tamang tama upang iparating ko sa iyo na ayos lang ako. ayos na ayos naman ako. wag kang magalala, sanay akong walang nag-aalaga sa akin.

nauubusan na ako ng salita. hindi ko alam. nililisan na ba ako ng mga salitang binibitawan ko? mahirap. nakakalito. nakakapanibago. hindi ako sanay. pero pipilitin kong masanay. bagong pakiramdam. nakakalito ulit. ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. tumatalon ang puso ko at nagsa-somersault sa ere. nakakatuwa. nakakakaba. ang sarap sa pakiramdam. pero ang masakit nun, walang sumalo. buti kamo at may spring ung puso ko. parang magic. ang galing. may built-in spring ung heart ko. parang magic lang talaga. namesmerize ako, pati Ako.

walang mga tala. lahat sila nagtago. siguro ay naglalaro sila ng taguan; at ang bwan ang taya. wala na. nakatulog na ako kakaabang sa mga bituin. napagod na ako kakahintay. siguro bukas na lang ulit. sana naman magparamdam ang mga tala. sana maabutan ko kayo. para naman makasali ako sa taguan niyo. para naman hindi mabalot sa kalungkutan ang gabi ko. at para kahit sandali ay makalimutan ko ang pagtalon ng puso ko.

matutulog na ako.

magbibilang hanggang isang libo,

para hindi na muling lumipad ang isipan patungo sa’yo

para sa ganoong paraan matapos na ang kwentong ito.

2 Tugon to “maliwanag ang buwan; mahiwaga”

  1. batopik Sabi ni:

    hahaha!
    no comment.
    emo mode. toinks.
    pero joke lang yan.. hehehe..

  2. aKDa Sabi ni:

    minsan, trip ko din mag-emo modesulat ng mga malalalim na tulad nito. pero minsan lang yon. ang ganda nga e, galing. :D


Mag-iwan ng Tugon