Archive for May, 2008

alas singkong luha

May 31, 2008

alas singko ng hapon.

hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko ngayon. basta ang alam ko hindi ako masaya gaya ng pagiging masaya ko kahapon. biglaan lang ito. hindi ko rin inasahan ang mga pangyayari. nasaktan ako. at hindi ito kayang ipaliwanag ng mga salita.

hindi ngayon ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang ganitong klaseng pakiramdam. naramdaman ko na rin ito dati pa… pero bakit hindi pa rin ako nasasanay? parang ngayon eh mas malala kesa sa nauna. hindi ko alam. masyado lang siguro akong natamaan sa kanyang mga binitawang salita. hindi ko matanggap. masakit talaga. mas masakit pa sa nararamdaman kong sakit ng ngipin ngayon; at masasabi kong talaga namang nakakaiyak. wala na akong masabi. sana sa bawat pagkakataong nararamdaman ko ito, ay nagiging manhid na lang ako. ang bigat ng puso ko ngayon. hindi ko mailabas ang lungkot at pighating nadarama ko ngayong mga oras na ito. gusto kong sumigaw!

EWAAAAAAN!!! parang gusto ko na lang maglaho bigla… yung walang makakapansin. tahimik na lang akong mawawala. hindi na ako magpapaalam…

Current Music: Buried Myself Alive

Current Mood: WASAK!

cram no more

May 30, 2008

Second year na ako.. at salamat sa Diyos, wala pa akong naibabagsak na asignatura at patuloy akong nakakapasa sa aking Accounting subjects. Ngayong papalapit na ang pasukan, eto lang ang masasabi ko… “hahahahahahaha”

Babaguhin ko na ang aking study habits… Magsisipag na ako. Hindi na ako magcacram. oo. CRAM nga! Masama ang magcram.. Naaapektuhan nito ang ating utak pati na rin ang ating buong katawan.. [oha. tunog expert ako] Kapag nagaaral tayo kinagabihan bago magexam, eh madali nating natatandaan ang ating mga napagaralan noong gabing yaon… Ngunit, mabilis mo ring makakalimutan ang mga napagaralan mo noon at maaaring ito ang maging isa sa mga dahilan upang ikaw ay maging isang ulyanin…

para sa karagdagang kaalaman, CLICK HERE kung hindi pa sapat ang nabasa mu, eh maggoogle search na lng kayo: effects of cramming. basta cramming is BAD for your health. yun na yun. mga estudyante, wag na tayong magcram! THIS IS A CRAM NO MORE CAMPAIGN. hahaha!!!

kaya ngayon, hindi na ako magcacram. mas maganda na talaga yung araw araw kang nag-aaral upang hindi ka mamental block tuwing exams. hahahaha!!!

ang saya saya ko talaga ngayon.

sana kayo rin.

ang sarap mag-aral!!!

hoooo hooooo!!!

may baon na naman!!! XP

hehehe.

God bless us all…

Current Music: Prinsesa

Current Mood: hahahappeeeeeee :)

ME, ugly betty?

May 29, 2008

noong superkaduper nakaraang linggo, noong nandito pa sa Pinas si inay nagpunta kami sa dentista namin. At ano pa ba ang ginagawa sa dentista…eh di nagpapatingin ng ngipin, duh?!

ang sabi ni doktora, no cavities daw. ayos na ayos! ang ganda daw ng set of teeth ko. ayos ulit! pero…lahat talaga ng bagay may pero eh.. sabi niya kelangan ko daw magretainers kasi ung ngipin ko sa taas eh hindi masyadong magkakadikit [ganun ang pagkakaintindi ko].

kanina nakuha ko na ang retainers ko.. medyo masakit magkaretainers.. siguro di lang ako sanay.

kaya nga inaalagaan kong mabuti ang ngipin ko para hindi pumanget… tska ayaw ko nga magkabakal sa ngipin, kasi masakit eh. tapos bigla bigalang magreretainers ako. pero ganito talaga ang buhay.

para na akong si betty la fea.. may salamin na, may bakal pa sa ngipin. nyark! hihihi…brrr