STATE OF UNCONSCIOUSNESS

Martes, Marso 18, 2008

ANTOK NA KAISIPAN

 

Munti kong kaisipan ay nagugulo

Bakit ba ganito ang ikot ng mundo?

Ako’y pagod at sadyang natutuliro

Ni hindi na kayang bumilang hanggang tatlo.

 

Hindi naman sa nahihirapan na’ko,

Ngunit hindi na yata kakayanin ito.

Aking mata’y unti- unting pumipikit,

Ngunit “HUWAG!” sabi ng isip kong mapilit

 

Gusto na ng katawan kong magpahinga

Nauubusan na yata ng hininga

Hihintayin bang bumigay ang katawan?

O magiging matatag sa bawat laban?

 

O Diyos ko! Ako’y antok na naman,

Pigilan mo po pagkabagot ng laman.

Gisingin mo po aking dugo at utak,

Upang sa masama ay hindi matulak.

 

WALANG MAGAWA. ANG KORNI. ANG KORNI. ANG KORNI.

WALANG MAGAWA SI BATOPIK.

AT DAHIL JAN, KAKANTAHAN NIYA IKAW,

ANO BA’NG GUSTO MONG KANTAHIN KO?! :D

 

Isang Tugon to “STATE OF UNCONSCIOUSNESS”

  1. Scarlett Sabi ni:

    Haahaha! Ang galeng ng tula.

    Okay pala ang resulta pag wala kang magawa – nakakagawa ka ng magandang tula! Ay nag-rhyme?! hehe

    Happy Easter Batopik!

    :-)


Mag-iwan ng Tugon