ano ba’ng ibig sabihin ng GM? Game Master? Good Morning? Gutom Me? Ganda Mo? Ano ba? Group Message?! anu yun??
GROUP MESSAGE aka GM.
[pangngalan] 1. mensaheng pangkalahatan 2. mensaheng pinapadala sa iyong grupo. lol.
dalawa lang naman ang kasali sa larong ito. ang tagapagbigay ng mensahe, at ang nagbibigay ng mensahe… ikaw, saan ka dyan? ako parehas.
noong nakaraang linggo, hindi ko naiwasang mag-unli… at super excited ako dahil after how many years ay nag-unli ulit ako, kaya todo GM naman ako… Message Sent. Message Sent. bawat segundo… nagiinit na ang aking kamay kung sino ang magrereply at kung sino ang aking makakausap via text… pero makaraan ang ilang oras, wala pa ring nagttxt. grabe! nasa timing ako mag-unli. ang dami ko talagang katext… as in NO NEW MESSAGES RECEIVED! PAMATAY!!!
…at dahil sobrang nababagot ako noong mga panahong iyon, nag-GM na lang ako ng mga quotes…you know, kowts.. hakhak! mga dalawang oras kong kaharap ang aking cellphone…nabibiyayaan na nga ako ng radiation eh, pero hindi pa rin sila natitinag… NO TEXT MESSAGES RECEIVED PA RIN… GRABE!! hindi ko na alam ang gagawin ko…
…napagod ako. syempre, tao ako…hindi ako robot, hello? kaya naman tinigil ko na muna ang pagtetext at nanood na lang ng telebisyon… [ang sipag ko noh?] tapos pagkalipas ng 30 minuto, may nagtext! huwaa!!! 5 MESSAGES RECEIVED. SA WAKAS!!! :D nakakatuwa naman! ganun pala dapat ang teknik…dapat iniiwan mo, para madaming magreply sa’yo. hahahaha!!! pero weyt! saglit! STOP!!! basahin naman natin ang pinakamabigat na mensahe sa lahat. eto yun eh. *drumrolls* *chenen chenen* “pwde ba burahin mo muna ako temporarily sa list mo? kasi nakakabulabog ka na ng buhay eh.”
…nakakalungkot naman yun. minsan na nga lang ako mag-unli. nabara pa ako. bakit? hindi naman ako t*e para barahin ah. huhuhu… teka, tiningnan ko kung anong oras niya sinend…. waaaaaaaaaaaaah!!! 2 hours later pala… waaaaaaaaah!!! talagang napester ko ang buhay niya! kasi bakit ba nauso ang trapik sa ere eh. phew! kaya ayun… kahit hindi bukal sa loob ko ang humingi ng tawad ay nagsori ako sa kanya… “sori.” ayan.. di ba…walang feelings. napaka-dull. hahaha! eh kasi naman eh… ang mature na ng utak niya masyado…di magtagpo ang aming mga kaisipan.. yessss!!! eh di sana binura na lang niya diba?! pero ang point ko ay naging pointless nang may nabasa pa akong isang mensahe… “ui, nga pala… wag mo daw muna iteks si ganto kasi may hinihintay siyang text mssage eh… ayun po… ” ayun. di ba?! kasalanan ko talaga?!
…tagos! ayan. nakonsensya naman ako.. pero may naririnig akong mga bulong… sabi sa akin… “eh bakit, hindi ba niya naiintindihan ang iyong pagkasabik sa pagttxt? siya na nga ang tineteks, siya pa ang galit! hindi mo naman talaga kasalanan eh. hindi mo kailangang makonsensya.” oo. pinakinggan ko yan ng tatlong araw. tama nga naman di ba? bakit ako na lang ba palagi ang mag-aadjust? dapat i-consider din naman niya ang feelings ko sa pagkaexcited ko sa pagttxt. [babaw] hahahaha!!! pointless point. tsktsk… eeeeeeeeee… kasi naman. syempre papanigan ko ang sarili ko. hindi ko naman kelangang i-please lahat ng tao eh. dapat sila naman ang magplease sa akin. nagsasawa din kasi ang mga tao. [sa mga pilosopo jan, please, ung papaligayahin... hindi yung please na please?]
…pinanindigan ko yan ng three days… pero may bumulong na naman sa akin… “ikaw pa ang mataas ngayon. ikaw na nga ang nakabulabog diyan, ikaw pa ang nagtatampo. mahirap bang intindihin iyon? wag mo muna siyang itetext kasi may hinihintay nga siyang message?? “
… sagot ko, “hindi kasi ganun iyon eh, medyo nakakasakit lang yung reply nia… alam mu yun… ewan. kasi hindi naman kasi iyan ung exact words na tineks nia… sobrang na-hurt lang talaga ako” ok. another pointless point. i give up. pero pwede ba hintayin mo munang mafeel ko na i am really sorry for what i have done??
palagi na lang ako ang biktima ng mga GM. biktima? hahaha. NAMBIBIKTIMA, I MEAN. okay, bukas ang part two :D
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
I am vindicated
I am selfish
I am wrong
I am right
I swear I’m right
Swear I knew it all along
And I am flawed, but I am cleaning up so well
I am seeing in me now the things you swore you saw yourself
Sabado, Marso 8, 2008 Sa 03:10
kahit ako nababadtrip sa mga mahilig mag-GM. mabuti sana kung nakakarelate ako sa mga gini-GM nila.
come to think of it, sobrang tagal ko na palang di nag-uunli. wala lang. katamad pumindot eh.
Linggo, Marso 9, 2008 Sa 08:23
to Joanne: Baka wala ka lang load kaya di ka makapag-unli. haha.
marife, sagutan mo na.
Linggo, Marso 9, 2008 Sa 10:12
hmmm eto na din sagot ko sa group message na yan:
http://gagitos.wordpress.com/2008/01/01/group-message/
nuf said :D
Miyerkules, Marso 12, 2008 Sa 13:30
haha ayos ah.. Ako din eh once in a blue moon lang din mag unli..
Ui, gusto ko yung vindicated na song na yan.. :D
Sabado, Marso 15, 2008 Sa 08:56
unli? ano yun? XD hahaha! never pa ata ako nag-unli… pero gustong gusto ko… talagang gusto! as in! kaso… hindi ko lam kung pano… at parang tinatamad akong magtanong! hahaha! :D parang may wierd something sa unli na yan na ayaw kong malaman… ewan basta! ;D
Huwebes, Marso 27, 2008 Sa 09:10
epal nanaman… nakakatuwa yun “pointless point” na term mo, kasi gumagamit din ako ng ganyan… gaya ng badly bad at stupidly stupid at lahat na ng terms na pwedeng lagyan ng ganyan. di nga lang sa pagsusulat.
GM, hindi rin ako at ease sa GM, nawawalan ako ng worth pag ganun.
yun mga mahilig lang mag-gm ang dapat mo sigurong niji-gm..
naalala ko kagabi lang, nakiusap din ako na kung itetext ako, isa-isa lang, pero maayos na pakikiusap. intindihin mo nalang din si ano, siya, ayun, mas masayang maging understanding.