Archive for March, 2008

[WALA]

March 28, 2008

:[

malungkot ako.

at hindi ko alam kung bakit.

taympers.

'lika. kwentuhan tayo! kamusta naman araw mo?

[sige, comment ka lang]

bakit kaya…

March 27, 2008

…palagi akong natatapilok at nadudulas
…nauuntog ako sa tuwing aakyat ako sa jeep
…nababasa ang mukha ko pag umiinom sa fountain
…palagi akong naiipit sa pintuan ng library
…lumulusot ang heels ng sandals ko sa elevator
…natatapunan ng ketchup sa damit
…naabutan ko ang ending song ng paborito kong palabas
…nakukulangan ako ng piso kapag bumibili kami sa Jabee
…hindi ako nagigising sa alarm
…minsan 2-3 hours akong hindi makasend
…nahihirapan akong magdownload ng vulnerable
…nauubos ang pinalamig kong tubig sa ref
…hindi ako makatawid kaagad
…nauubusan ako ng tindang mani
…ang tagal naming makahanap ng masasakyan tuwing papauwi na
…nilalapitan ako ng aso at inaamoy- amoy pa
…araw- araw akong napapaso sa kahit anong maiinit na bagay
…tinatawag ako ng teacher ko na magrecite doon sa question na hindi ko alam
…nawawala yung takip ng mga bolpen kong cute



bakit kaya?
cguro nga dahil BULLY [??] ako. hahaha!
hindi ako bully noh!
cguro sadyang ganun pag cute ka!
di bah? hahahaha!
^-^

*walang aangal. blog ko toh. blehh*

gusto kitang…

March 26, 2008
…itulak sa shuttle habang naglalakad ka pababa tapos magsosorry ako sayo at kakain tayo sa Jollibee at oorder ng Chicken Joy na may extra rice at extra gravy na ang drinks ay large pineapple juice tapos hindi kita bibigyan uupo ka lang at papanoorin mo ako tapos aarte kang naiinggit sa akin pero hindi naman talaga tapos babalik tayong school at bubuksan mo ang backpack ko para macheck ng guard yung laman ng bag ko at pagkatapos macheck ng guard yung bag ko isasara mo na yung backpack ko tapos sasamahan mo akong uminom ng tubig sa fountain sa 3rd floor tapos saglit tayong maghihiwalay dito sa 3rd floor dahil magpapaunahan tayong pumunta sa 7th floor sasakay ako ng elevator at ikaw naman ay maglalakad dapat maunahan mo ako para hindi ka maglalakad pabalik-balik mula ground floor hanggang 12th floor pag nasa 7th floor na tayo wag kang magsasalita tititigan mo lang ako at sasabihin mo sa akin na ang ganda ganda ko at wala nang mas gaganda pa sa akin kapag nasabi mo na ang mga katagang iyon maaari ka nang magaral sa IntCalc, PhyEng at iba pa pagkatapos ng isang minuto tatanungin kita sa napagaralan mo dapat masagot mo ang lahat ng tanong ko sa iyo kapag nasagot mo ng tama bibigyan kita ng comment sa friendster at ililibre kita ng chupachups pero kung hindi mo nasagot kakanta ka sa cafeteria ng Famous Last Words na katulad ng pagkakakanta ng My Chemical Romance o kaya kung masyado kang nahihiya gagawan mo ako ng 100 paper cranes tapos sa bawat paper cranes isusulat mo na “mag-aaral na ako ng mabuti para hindi ako kumanta ng Famous Last Words sa caf” hihintayin kong matapos mo iyon ng isang oras tapos uuwi na tayo at maglalakad lang papunta sa sakayan at habang pauwi ikaw lang ang magsasalita dapat ikwento mo ang talambuhay mo simulan mo noong baby ka pa hanggang sa kasalukuyang ikaw at kapag nakasakay na tayo ng dyip kunwari hindi ko sinasadyang makatulog sa byahe tapos kapag nagising ako sa pagbreak ni manong driver ikkwento mo ulit yung kwento ng buhay mo simula noong baby ka pa tapos magsasabi na ako ng BABYE sayo.
BABYE na…pero gusto kitang makasama kahit isang beses lang. awts.