Iimbak para sa Enero, 2008

no, not you!

Enero 31, 2008

heh! tse!

akala ko ba ako ang bestfriend mo, eh bakit parang wala kang oras sa akin? palagi mo na lang nga akong inaaway sa tuwing nagkikita tayo eh… ni hindi mo nga ako hinahanap sa tuwing nasa skul ka. hmpt! nagatatampo ako sa’yo!

tapos sa mga GM mu pa sa texts, ni hindi mu manlang ako binanggit… sana hindi mo na pinadaan sa akin, hindi naman ako kasama sa mga na-special mention mo! sinu ba naman ako, ‘di ba?!

ewan ko sa’yo!!! nakakilala ka lang ng bagong mga kaibigan kinalimutan mo na ang iyong lumang kaibigan! cge, ganyanan pala ha! huh! akala mu, kung pride lang din ang paiiralin…sagaran to da bones ako niyan! patatagan na lang.

 (hahaha! baka iwan ako bigla ng mga sinulat ko dito pagdating ng panahon… hahahaha!!!)

nakakainis kasi eh… bakit sa kanila may time ka, tapos sa akin wala! okay, fine! ako na ang palaging busy! ako na ang palaging walang time sa’yo… at nagseselos ako sa newly-found-friends mo! oh, ano? masaya ka na?!?

when are you going to see my worth? am i a SENSELESS friend? my goodness!!!

bullet-in

Enero 29, 2008

whatever. oo na. korni na kung korni ung title.

naiinis lang kasi ako sa sarili ko..

kasi naman eh, bakit ba kasi mabilis akong mahikayat ng mga kahika- hikayat na mga title (kng yun nga ba tawag dun) ng bulletin sa friendster…

naiinis lang ako, kasi minsan lang ako magbrowse sa bulletin, pero palagi kong natiye-tiyempuhan ay yung mga walang kwentang posts sa bulletin.

example 1:

SUBJECT: ONLAYN MEH!!

MESSAGE:

awoo awoo bat mo binasa !!
dahil jan mag comment ka sa profile kow!!

example 2:

SUBJECT: xiè xie my friend!! MWAH!!! wo ai ni…!! ^_^

MESSAGE:

xiè xie my dearest friend..xiè xie for helping me, this is my
worst essay ever…Wu Ji!
dài huì ér jiàn!!!!!

xiè xie again!!!

duìbuqǐ…you already knew that… i
am very happy…^_^

xiè xie so muuchhh!!! wo ai ni!!! mwah
mwah mwah mwah!!!

MWAAH MWAAAHH!! MWAHHHH!! MWAHHHH

example 3:

SUBJECT : :]

MESSAGE: :]

pamatay ung pangatlo noh?

ahahahaha! walang magawang matino sa buhay eh…

hahaha! pindot naman ako ng pindot.

natutuwa naman akong nasasayang ang oras ko kakabasa sa mga ‘yan.

lol. =]]

break, please?

Enero 13, 2008

madami akong ikukwento sa iniyo…

pero dahil ang sabi ng aking “enabler” (di daw teacher) kailangan naming pagaralan ang Fundamentals of Accounting ng 7-10 hrs para may panlaban kami sa kanya.

madami tlgang nangyayari sa akin ngayon, sabik na sabik na akong maikwento sa inio iyun…pero kelangan at gusto ko nang magaral eh. hahahaha! (G.C.)

pansamantala, magpapahinga muna ako sa pagbo-blog…baka sa susunod na linggo na lang ulit, hahaha! (kala mu kung may nagbabasa neto eh. hahaha!)

cge, babye.. xD

bak to bak

Enero 9, 2008

unang araw ng klase matapos ang napakahabang bakasyon. haaaaaaay! ang sarap sanang managinip at gumising ng tanghali…tapos manood paggising. sarap! halos dalawang linggong ganyan ang ginagawa ko, kaya anu namang maasahan mo? malamang sa alamang medyo nasanay na ang katawan ko sa buhay batugs. kaya nga kanina, halos naghahallucinate pa ako paggising ko eh, wala pa tlga ako sa kondisyon para pumasok. pero kailangan tlga eh, kailangang hndi malate sa unang araw.

ganoon pa rin naman. halos wala pa ring pinagbago ang outside world. mausok, magulo, busy, MATRAPIK– ganyang ganyan pa rin (pero sa inaraw- araw na ginawa ng Diyos, hndi pa rin ako natutong tumawid sa mga kakalsadahan). nasa loob ako ng dyip, at ganun pa rin ang mga dyip…may upuang di masyadong malambot, may bubong, may kapitan sa taas, may manibela, at syempre may gulong pa din. Naiinis nga ako eh, tinatawag ako ng drayber na dun na sumakay sa dyip nia, tapos nung paakyat na ako, langya oh, biglang pinaandar, eh hndi pa nga nakakakalahati ung paa ko sa hagdan ng dyip. kaasar! ayan tuloi, para akong lasing nung pagpasok ko sa dyip. rawr tlga eh! buhol- buhol pa ang mga sasakyan. may nadaanan pa nga kaming banggaan ng dyip at trak eh.. tsktsk.. hndi kasi nag-iingat. masyadong gahaman sa space. masyadong excited makapunta sa pupuntahan… ayan napala, mas napabilis tuloi ang buhay… oh well, let’s go to school.

8:03, sabi ng relo ko. sabi ko naman, “OMG! late ako!!! hahaha!!!” tapos pag-akyat ko sa 2nd floor…boom! 7:53 pa lang! hahaha!!! advance kasi orasan ko, buti na lang advance. hahaha!!!

RM 205. nakita ko rin ang aking friends :) lalalalala.. namiss ko sila ng sobra.. pero andami nila ha, tumataginting na apat… oo. apat! halos mag-aalas otso na apat pa lang sila! nako tlga oh…buti na lang ‘ka nio… wala kaming prof nun. hahaha! ang sipag. napakagandang simula para sa unang araw. tsktsk…

oh, PUBSPE1 naman. masaya pa rin. English subject eh :D natutuwa ako kahit sa likod ako nakaupo… natutuwa ako dahil ang aming guro ay ang English coordinator. oo. tama ka! kilala mo ba? weh? di nga? alam niyo ba? mahilig siya sa mga pelikula…at sa kahit anong palabas. kaya natutuwa ako sa kanya. hahahaha! XP

MACROECON. ayan. ayan. late ang prof namin… kaya ayun, daldalan naman sila. (sila lang ha.) hahahaha!!! eh busy kami sa pagkukuwento ng mga kung anu-ano tungkol sa mundo, kaya hndi namin namalayang paparating na pala yung prof namin.. ung “watchtower” angs abi si sir jv sayo daw andiyan…papasok sa room namin. hahaha! takbuhan naman kami.. hahaha! natataranta. nagugulo. hahaha! parang mga dagang hinuhuli kung tumakbo eh. hahahahaha!!! tapos ang daldal niya grabe! hndi ako maaantok dito sa ECON. firt time ata ito ha. hehehe… XP tapos nakikipag- eye2eye contact siya sakin.. aba! akala mo, hndi kita uurungan diyan. eye2eye pla ang laban dito eh. sinu unang lumihis ng tingin? aba.. syempre siya noh. ahahaha! enjoy siya. nakakatuwa. okay. okay ang mga prof namin this term ah… :)

 PHYSIC1 – la lang. bakit kaya PHYSIC1? pwde namang PHYSICS1.. tinipid sa S. ahahah! ampanget tuloi sabihin. di ba? PHYSIC1… pHYSIC1.. la lang. hehehe… XP ang panaglan ng teacher namin ay si Einstein Yong. Oh, di ba soyal! pang physics na pangphysics ang dating.. ang sabi niya hndi pa daw siya ang totoo naming teacher, substitute lng daw sya. at ang aming totoong teacher ay sa 1st wk of february pa magpapakita. ewan. ang labo nia. hahaha! wala nga kaming ginawa eh, nagkwento lang siya… ang daldal nga niya eh, at dahil first time pa lang namin siya nameet, syempre para kaming mga anghel na di makabasag-pinggan. hahaha! hinayaan lang namin siyang magsalita. ayun. nagsalita naman siya. ang dami nga niyang kwento eh… hahaha!!! yun lang, dahil hndi nga kami nagsasalita, dinismiss na niya kami. good. tapos na.

UWIAN NA!

woooohoooo!!! 

at ang tanging masasabi ko?

DIS IS IT, PANSIT !

third term is here…well, almost :D

seize the last term of being a freshman.

jan7 horoscope

Enero 7, 2008

CAPRICORN:

“Instead of wasting your time trying to encourage others today, just keep going.”

OH MY GOSH!!! OH MY GOSH!!! as in… OH! MY! GOSH!

anu ba ito! grabe na!

should i stop what i am doing right now… or should i pursue on it?

oh my! im so confuse!!! waaaaaaah!!!

give me a sign, please? isa pang sign ulit… waaaaaaaaah!!! :[

P.S.

can you do me a little favor? would you leave some comment on my other entries, please? i beg you… i am serious… really, i am. hehehe :D

anik- anik

Enero 6, 2008

 Your Blog is Dead!

OH MY, shomai ! ayan ang mangyayari sa akin kung hndi ako magsisipag ngayong taong 2008… noong nakaraang taon, di manlang umabot sa 100 ang post ko… at grabe talaga! ang “sipag” ko tlga magkwento last year tungkol sa mga kung anu- anung anik- anik tungkol sa buhay ko… anu ba kasi ang dapat kong i-blog? kelangan ba araw- araw ay may post ako?

ewan. basta when i feel the urge para maglabas ng saloobin, pupunta na lang ako dito. osha. cge, cge… the photo above is brought to you pala by blogcomics.net

labidubs

Enero 4, 2008

naalala ko lang.

nung katatapos lang ata magPasko non…

“beybi” ang tawag sa akin sa skul ngaun…last last month ay “super beibi”.

wala lang. kasi nga…ayun… kttapos lang magPasko, tapos nakitext ako sa pinsan ko kasi wala akong extra load pantext sa smart… (oha. ganyan ako kahirap!) tapos ayun… nagtext ako kay norieli…tapos ayun… nagreply naman. eh nabasa ng pinsan ko… at ang simula ng text ni norieli ay “beybi…” ayun ayun. tapos inasar na niya ako… may boyfriend na daw ako. waaaaaaaaaah! grabe! naiiyak tlga ako noon. nakakaasar lang tlga…grabe talaga sya mang-asar. talagang nakakaasar… eh mabilis pa naman akong mapikon…asar-talo ba..kaya nga malakas akong asarin nung hayskul ako eh.. haaaaaaay!

(ang labo ko magkwento ‘noh)

pero alam nio.. wala lang…

nagsasawa na kasi akong magka-crush…

wala ng thrill… kasi ung crush ko nakakausap ko na, nakakatext, nakaka…alam mu na. hahaha! abot- kamay ko na sya…parang ganun.. wala lang… hahaha! parang di na nakakakilig. haha! ewan ko ba. parang napipilitan na lang akong kiligin minsan kapag inaasar ako ng mga kaibigan ko sa kanya… parang ganun ba… parang minsan totoong kinikilig ako, minsan din kunwari lang…

ayan…parang nagsasawa na talaga akong magka-crush…

panu pa kaya kung magka-boyfriend di ba? eh di mas lalong nakakasawa kasi “kayo na” di ba? palagi na lang kayong magkasama…bakit ganun? di ba sila nagsasawa sa isa’ isa?

eh panu pa kaya yung mga mag-asawa ‘noh? bakit kaya nag-aasawa sila… hndi ba sila nagsasawa?

cguro ung iba… kaya andaming nangangaliwa eh. hahahaha!

tigilan na nga natin itong kahibangang ito.

ewan ko talaga.hndi ko talaga maintindihan ang feelings ko…

nag-evolve na ba ‘ko?

Enero 4, 2008

new year noon… parang kailan lang ah… ako’y nagtorotot at tumalon ng pagkataas-taas. at syempre kumain din… pagkatapos, ay natulog na… natulog ako… tulog. tulog. tulog. tulog. tulog… alas sais ng umaga pagkagising ko… shocks! kumakahol ako. ‘nay! may lahi ba tayong aso? toink toink toink…

at ngayon. alas tres ng umaga nang ako’y atakihin muli ng aking pagka-aso.. oh my gosh tlga! ang sakit ng dibdib ko… parang mamamatay na ako. alam mu yung tipong malalaglagan ka ng lungs once na gumalaw ka… at tska feeling ko lalagnatin ako.. feeling ko mag-eevolve na ako.. OH MY GOSH! as in! cguro ganto feeling ng mga pokemon. owww gowlaaaay!

grabe! kung ganto ang mararamdaman ko araw- araw magpapa-euthanasia na lang ako.

ayokong naiistorbo ang pagtulog ko para lang uminom ng mainit na tsaa…mapapaso lang dila ko. tska, nakakatkot mag-isa sa dilim no. pano kung may biglang sumulpot na babaeng nakaputi, mahaba ang buhok at makakapal pa ng eyebags! nyay! nakakatakot bumangon para lang mapahinahon ang mga laman-laman sa dibdib ko… haha! alam na!

NYR

Enero 2, 2008

NEW YEAR’S REVOLUTION:

magpakasama.

ahahahaha >:)

*evil laugh*

:: teka, bago ka magpakasama jan, tignan mo muna..

nagkamali ka ata ng type. ang shonga mu tlga!

 >> haha. hindi ako shonga ngaun ‘noh. gnyan lng tlga yan.

in memoriam of teyet. ahahahaha. peace awt >:P

imbes na new year’s resolution, revolution ang nasabi nia..

parang bittersweet, it’s kelling me..diagram at iba pa.

ahahahahaha! ayun!