Archive for September, 2007

b-l-a-h

September 21, 2007

grrrrr…

ilang beses nagtype, at ilang minuto din ang nakalipas ay pinindot ang backspace.

hindi ko tlga maintindihan ang utak ko ngaun.

(ay meron ka plang utak?! nasaan?)

ang labo labo… masyadong maligalig.

(ugh. please define maligalig.)

hndi ko alam ang sequence ng mga iniisip ko.

sa sobrang dami parang pinagpapawisan na ng blade ang utak ko…

(anung klase yan? napaka-exagg *ek-saj* naman)

PAANO BA TUMAWID?

*OH WELL. eto na naman po. tuwing umaga ko na lang ‘to pinoproblema… kung paano tumawid sa kabilang kalsada… Ang strategy ko kasi ay ang makisabay sa mga taong tatawid din sa kabilang kalsada… eh pero paano kung wlang tatawid? paano na lang? eh di maghintay hanggang sa may tatawid papunta sa kabila. kaya naman naghintay ako ng mga tatlo hanggang limang minuto bago ako nakatawid sa kabilang kalsada para sumakay ng isa pang jeep… bakit naman kasi hindi nila lagyan ng overpass? hehehe. x)

MIC.RO.E.CO.NO.MICS 

 *ROOM 209. . . pwede palang lumipat sa ibang room basta’t walang gumagamit… ROOM 609. hanglayu. mula 2nd floor hanggang 6th floor. (pero hindi naman yan ang ikamamatay ko dito…) salita sya ng salita sa harapan pero hndi ko naman maintindihan yung mga sinasabi nia… mas mabuti pang basahin na lang namin sa libro kaysa makinig kami sa iyo, mas may tatak pa sa utak namin… bakit kaya wala pa akong nakikilalang magaling na TEACHER sa economics? as in TEACHER, MENTOR…parang ganun ba. kasi ung iba nga magaling sa economics, pero hindi naman magaling magshare ng kanilang ideas…

 AC73 minus 1, equals?

*ayun. nabawasan kami ng isang blockmate.transfer na sya ng skul. hahay! at siya pa yung pinakaclose ko sa lahat… haaay YAMPATATOWT! paano na lang ako?! kanino ko na lang sasabihin ang mga saloobin at hinanakit ko sa mundo?! hahahaha! charingness! hehe… pero hindi, paano na yan?! wala na akong pakner?! huhuhu… ayuku naman magdrama. tapos na ako sa moment na ganun eh, last day pa. hmp. basta alm mo na yun. miss na miss na kita!!! haaaaaay!!! ang daya mo tlga. akala ko pa namn sabay tayong magcecelebrate ng bertdei naten, kahit may tatlong araw na pumapagitan sa mga bday natin… huhuhu…  x( whatever the reason, it is still a reason. (huwaat?! hehehehe… joke. =P)

NAIIRITA SA BUSMATH SEATMATE

*masyadong epal. yes. the term is EPAL. alam mo yun… masyado syang mayabang na ewan na anu! ay ewan ko! duh! kaiirita tlga sya. bakit ka po nakikisali sa usapan namin ng SARILI ko?! huh. whatever! pakialamero. tapos average lang hindi mo alam…tama na nga yung gnagawa ko pero pinipilit mo pa rin yung sagot mo. buti okay okay pa yung mood ko nung tym na un kundi… (hindi ako bitter ah.nkkairita lng tlga sya) tapos ayan, medyo tumagal- tagal na ang moment. hay nako! alam ko po kung paano iso-solve ung problem na yun noh, ang simple simple lang nun eh…wag mong ipamukha na nagphysics ka lang ay magaling ka na. hindi mo nga alam kung anu ang formula ng distance eh. ahay!

VERY UNMOTIVATED

*medyo sinusumpong ako ngayong linggo.

tinatamad na akong mag-aral.

napapagod na kasi ako…

pero kailangan tlaga eh…

eh pero tinatamad nga ako pagdating sa classes…

kasi palagi na lang akong puyat.

pero hindi, hindi ako magpapadaig sayo.

hahahahaha!!!

“If you want to become CPA, don’t oversleep.”

yan ang motto ko.

weeeeeeeeeeee!!!

hehehehe. xP

COULD SOMEBODY PLEASE MOTIVATE ME?!

waaaaaaaah!!!

*** at jan nagtatapos ang kaguluhan ng isipan ko. kulang pa nga yan eh. wala pa jan ung MAKSCI moment ko ngaun. cge na… sabi na ang utak ko, matulog na ako eh. washu!

white sleep…

September 18, 2007

kamusta naman, mundo?

dream away everyday…

i know I DON’T KNOW you…

would you turn your head and see if i’m gone?

there is nothing left to say to you…

the things i’ve done are way too shameful…

…just keep it in your sleeps…

don’t speak. SCREAM.

kahapon, ngayon… bukas?

September 17, 2007

KAHAPON::

kabonding ko ang aking selepono at ang telebisyon. hindi magkamayaw ang mga batang peyups nang malaglag ang unang pyramid ng mga tigre. nassinghot na ni Oble ang pagkapanalo. habang ako. nakikipag-away sa text. GO USTE!!! GO USTE!!! GO USTE!!! 

bat ba sa UST ako kumakampi, eh hndi naman ako isang Thomasian. mula simula, nasa UST na ang puso. nakanang! hahahaha! dapat jan ako mag-aaral eh, kaso lng ayaw tlga ng mudra ko.sobrang layo at tatanga- tanga pa ako magcommute. ayaw naman nyang magdorm, kaya nga daw xa nagpatayo ng bahay para dun tumira at hndi sa kung sansan lag maglagi… ayun, tama na ang salaysayin.

2007 UAAP Cheerdance Competition

2nd runner-up: FEU CHEERING SQUAD with an average score of 91.66%

1st runner-up: UST SALINGGAWI DANCE TROUPE, 92.16%

champion: UP PEP SQUAD, 92.66%

 omen! kung hindi lang bumagsak ang unang pyramid…ito na ang kanilang pang-anim. grrrr… point 5 lang ang difference o. sayang tlga. ops. wag dibdibin ang laban. hahaha!!! :))

NGAYON::

movie marathon, tv, blog, friendster, YM, lamyerda,  do whatever things i want… hee hee.. ^^,

wahooo!!! ngaun pla ang last day of vacation namin, hndi pala kahapon. i’m sorry for that.

ehehehehe… xP

BUKAS::

balik- eskwela na… new subjects, new professors, new classmates maybe, but same old school, same old fucking friends at school. wahahahaha!!! masyado ko nang namimiss ang aking blockmates… :) and tomorrow’s going to be the day… woohoo!!! isang subject for four hours. ohhmai. madugo ang laban bukas. lol. hahaha!!! wish me luck my dear batopik.

last day na…

September 16, 2007

kahapon hndi ako nakapagcomputer. ewan ko ba. nasapian ata ako.

wahahahaha… hndi. alam ko na. kasi pala pinatay ko ang oras ko kakatulog eh. masyado kasi akong nataranta dahil malapit na magpasukan. ayun. sabi ko hndi pa pla ako msyadong nakakapagpahinga ngayong 1 week na term break na toh, kaya ayun…tinulugan ko ang SABADO. wahahaha.

pero pamatay talaga. hndi ko pa napapanood ang happy feet. sabi ko ngaung term break ko na papanoorin yun eh. hahahaha… mamaya nga tatapusin ko na.pramis. hangtamad kuu kasi eeee… hehehe. [wenk]

pero teka, kagabi ko pa toh iniimagine eh, pero hndi ko talaga maimagine.. wahahahaha. paggising ko kasi may nabasa akong text message, galing sa muslim kong kaklase. haha.. [perstaym ko magkaroon ng isang muslim na clsmate] anyways, ito ung idea nung text msg…

mas makabuluhan daw kung ang life cycle ng tao ay backwards, pabaliktad. [waaaaaah. mahirap ako dito. d akou marunong magdiscuss ee.xenxa na] mamamatay ka muna daw, tapos tatanda ka… tapos susweldo ka… tas magtatrabaho ka hanggang sa bumata ka at magretire. tapos maglalamyerda ka… party party daw. tas college life, high school life, grade skul, kindergarten. tas bata ka na… bata batuta laro laro. tapos punta ka na sa sinapupunan ng nanay mo [tama ba?] tas lulutang- lutang ka ng 9 na buwan… tapos ang katapusan ng buhay mo, orgasm ka… ayun.

wala lang.. hndi ko lang feel masyado. mas gusto ko pa rin ang normal nating buhay…hindi ko kasi maimagine kung ganun ang mangyayari… wala. wala. kulang sa idea. wahahahahaha!!! panu ba kasi un?? d ko maintindihan. waaaah!!! heeeeelp!!!

gusto ko, paglaki ko…

September 13, 2007

Grade 1, tinanong ng titser ko, anu daw gusto namin paglaki namin… napaisip ako, ang gusto ko ay maging MADRE katulad ng tita ko, pero napaisip ako, kung sasabihin ko un…baka itanong naman sa akin kung bakit sa lahat pagiging madre pa. ito kasi ang dahilan ko noon, pag madre ka wala kang gagawin kundi ang magdasal minu-minuto at oras- oras… ang naiisip ko kasi pag madre ka, WALA kang gagawin. yon. naiisip ko na ang pagiging madre ang PINAKA-EFFORTLESS na trabaho sa mundo. o kung ayaw ninyo ng euphemism, eto, ang pagiging madre ang pinakatamad na trabaho (sa aking palagay). kung sasabihin ko man yun, baka masyado akong interviewhin ng teacher ko at maubos ang oras sa kakatanong niya sa akin na hindi naman niya talaga maiintindihan kahit ipaliwanag ko pa sa kanya, kaya naisipan ko na lang na sabihing gusto kong maging doktor…doktor para mapagaling ang mga may sakit :D hehehe… hanggang naggrade six napaniwala ko sila na doktor ang gusto kong maging pero ang totoo napeke silang lahat. at nang nakita ko ang aming year book…aba aba aba, ambisyosang bata ka, bat doktor ang nakalagay dito? ayoko nga makapatay ng tao. baka multuhin pa ako nyan pag hndi ko pnatagal buhay nia sa mundo.

Nang lumipat naman ako ng skul (kasi wla ng high school doon eh, san ko naman kaya ilulugar sarili ko? kaya lumipat ako ng skul— tinatanong ba?) naisipan ko na ring lumipat sa ambisyong mas matrabaho… ang pagiging…PHOTOGRAPHER at isang ARTIST. man.. oo. tama nga. kahit wala akong camera noong mga panahong iyon, nag-aambisyon pa rin talaga akong maging isang photographer. nagsimula ang ambisyosa kong pagiisip nung nsa dorm ako. mag-isa kasi ako non. nasa 4th floor at magisa sa kwarto. [ops. naulit] eh ung posisyon ng kama ko malapit sa bintana at nasa taas ako ng double deck na kama…so kitang kita ang view… wla lang. ang ganda kasi eh. o kaya, habang nakatambay ako doon sa taas ay dino-drawing ko na lang ang mga nakikita ko… pero hindi kaya ng mga kamay ko eh. pang cartons lang daw toh… ayun. hndi pla artist CARTOONIST pla. hahahaha! =]

Pero matapos ang ilang bwan, napag-isip isip ko na maging INTERIOR DESIGNER na lang, kasi parang self-learning lang ang kailangan pag naging photographer ka, at pag cartoonist naman…ahay. hndi kasi ako marunong magdrawing ng mukha ng tao, kaya baka madismaya lang ako… ayan. balik kay interior designer. may napanood kasi ako sa TV… iba’t ibang designs sa loob ng bahay nila, nakakatuwa lang… parang exciting. eh noong mga panahong yun, ang dami kong ideya tungkol sa mg agnoong bagay, ewan ko ba kung saan na napunta ung iba, nagkalimutan na nga kami ng ideya ko. hmp. short- term ambisyon lang din kasi yan eh…

Pagkatapos nyan, nagshift naman ako sa pagiging writer… WRITER. manunulat nga, hndi yung tagasulat ng lecture notes tapos sayo magpapaphotocopy ang buong batch. hndi un. as in ung sa mga libro, dyaryo, at kung san san. teka, medyo nalito ako, ang author ba at writer magkapareho lang? o magkaiba? kasi hndi tinatawag na writer ang mga sumusulat sa libro, author di ba? ay ewan. basta gusto ko magsulat. magsulat. magsulat. at magsulat. nainspired lang naman kasi ako ni ate ADIEL JADE ALOJADO. ang aking roommate sa dorm. oo. natutuwa kasi ako sa kanya dahil magaling syang magsulat ng story. at sa kanya ko rin natutunan ang pagiging bookworm… thanks ate. =]

Ano naman kaya ang sunod? naging pangarap ko yang apat na yan nang sabay- sabay…maging madre.photographer.cartoonist.interior designer.writer  at. at. at… may isa pa pala akong pangarap, ang maging isang BOTANIST. oye.oye.oye. =] ang sabi ko kasi sa mommy ko noong bata pa ako, ibbgay ko sa kanya lahat ng species ng halaman sa mundo [ornamental plants ang flowers lang ah hndi kao superhero] kaya ayun… malamang. bago ko ibigay sa kanya ang lahat ng ‘yon dapat ko munang malaman kung anu- ano ang mga halamang yun…

Ngayon, hndi ko inakalang ACCOUNTANCY ang course na kinuha ko. Binida kasi ito ng aking nagiisang mudralu. Dapat Development Communications o kaya Advertising Arts pero sabi ng ina ko, mag-accountancy na lang daw ako dahil hndi daw sa akin bagay maging teacher (kung DevCom) at kulang daw mga ideas ko para patulan ko ang Advertising Arts. Hndi ko nga gusto ito noong una, pero habang tumatagal ay natututunan ko na ring mahalin ang accountancy… slamat kay MS. ANNE LANTIN at sa blockmates ko [AC73: special mention] sa pag-inspire sa akin… sinimulan ko ito, at tatapusin ko. hndi ako magshi-shift. oye.

biruin mo, kung magmamadre ako, eh di hndi ako makakapag-online sa ganitong oras… photographer, cartoonist, at writer naman na ako eh, yun nga lang parang free-lancer lang at wlang salary. hintayin ninyo ako, magiging certified public accountant ako. wooohoo!!! =] i’m loving it. mcDonald’s! hehehehe…

Isang araw..

September 12, 2007

Hindi ko inaasahan na magiging kaibigan kita. OO. ikaw nga. ikaw si KAPAL KILAY. simula noong araw na nakita kita, pilit ko nang sinasabi sa sarili ko na ikaw nga si kapal kilay…halata naman eh…ilang cm na lang ay magkakasalubong na ang mga kilay mo. Hindi naman sa pangit itong tingnan, nakakaagaw- pansin lang ang kaitiman ng kilay mo…at nagiging asset mo na iyon. At dahil din dyan sa kakapalan ng kilay mo, nagagawa kong malaman kung ikaw ba ‘yan o yung kambal mo. =] nakakatuwa noh? hehehehe… =]

Isang araw, naglalakad ako at hindi ko inaasahan na magiging kaibigan kita. OO. ikaw nga. ikaw si KAPAL KILAY. Parang ang hirap mong kaibiganin. Kasi naman po, parang ayaw mo magkaroon ng kasama… kahit na nariyan ang mga kaklase mo, parang hindi ka nakikisali sa mga pinag-uusapan o ginagawa nila. May mga araw ding nakikita kitang mag-isang kumakain ng iyong tanghalian, mag-isang naglalakad sa ilalim ng kainitan ng araw, at mag-isang sumasakay ng dyip upang umuwi… Pero kung tutuusin, pwde ka namang sumabay sa mga kaklase mo, o ‘di kaya naman ay sa bestfriend ng kakambal mo na sya namang kaklase mo..o kaya naman ay sa kakambal mo! ‘di ba? hindi ka ba nalulungkot mag-isa?

Isang araw, naglalakad ako at hindi ko inaasahan na magiging kaibigan kita. OO. ikaw nga. ikaw si KAPAL KILAY. Isang araw, habang naglalakad ako sa cafeteria, nakita kita at nginitian mo ako. sinagot din naman kita ng isang ngiti. =] at nag-ngitian na lang tayo! hahaha! pero bigla mong singit na naiinis ka dahil pumasok ka pa…eh nasuspend na pla ung classes. “kaya mo yan,” ang tangi kong nasabi… at tinawanan pa kita “hahahahaha!!!.” ngunit dumeretso ka at bumili ng pagkain at kumain ka na namang mag-isa… oo. sinosolo mo palagi yung malawak na lamesa sa cafeteria! ganun ka kadamot!

Isang araw, nakasabay kita sa elevator at napa-”uy” ka… Napa-”uy” din naman ako sabay habol na, “ikaw pala yan KAPAL KILAY (sinundan ko pa ng tawa).” Tapos ikaw, napahawak ka sa iyong makakapal na kilay, sabay bawing… “eh, ikaw kulot! kulot ka naman! (sabay hagalpak ng tawang malakas)” akala mo eh kinawawang batang nasabihan lang ng makapal ang kilay niya gumanti na ng pang-asar sa akin! at tumawa pa siya! gaya gaya diba? hehehe…

at iyan ang kwento nina kapal kilay at kulot, abangan ang susunod na kabanata. hahahaha. ang korni. pagtyagaan na lang =]

lacrymosa

September 8, 2007

Out on your own
cold and alone again
can this be what you really wanted, baby?

Blame it on me
set your guilt free
nothing can hold you back now

Now that you’re gone
I feel like myself again
grieving the things I can’t repair and willing …

to let you blame it on me
and set your guilt free
I don’t want to hold you back now love

I can’t change who I am
not this time, I wont lie to keep you near me
and in this short life, there’s no time to waste on giving up
my love wasn’t enough

and you can blame it on me
just set your guilt free, honey
I don’t want to hold you back now love

ngayon ko lang naappreciate ang evanescence…
LACRYMOSA ::: erie. vengeful. devious.
 waaaaaaaaaaaaaaaaaah!!! i so looooove this song!!! =]
im getting weirder and weirder. woooo!!! toink. toink.

matapos ang ilang buwan…

September 2, 2007

matapos ang ilang bwan ay naisipan ko na ring buhayin muli itong website na ito.

ang tamad ko kasi eh. nawawalan na ako ng gana sa mga ganitong bagay…

parang mas gusto ko na lang na panuorin at tapusin ang koreanovelang (ata)  WHY WHY LOVE… (try nio isearch sa crunchyroll.com wla lang. ang cute kasi nia eh)

tinatamad na talaga ako, pero ayaw ko namang burahin ito dahil may mga ilang bagay akong naaalala tuwing binubuksan ko ito… hahahahaha!!! (music in my mind: UNCHAINED MELODY) hahahahaha!!! *hanggang ngayon hndi ko pa rin alam kung paano ang tono niyang unchained melody na yan.lol*

ayan…

buhay KOLEHIYALA na ako, pero parang hndi ko pa rin naiisip na nasa kolehiyo na ako.  masaya naman ang buhay. magulo pa rin katulad dati. hindi ko naramdaman na nagmature ako… ah, ewan ko.