Childish acts.

Pebrero 5, 2010

Siguro hindi pa talaga ako mature masyado. Ang bitter ko, bakit?

Kasi kaninang umaga inubusan nila ako ng mais. Nakakainis lang. Tapos may mga gabi na pag-uwi ko, hindi nila ako tinitirhan ng ulam. Nakakainis SOBRA. Gutom na gutom ka na kakaaral, sabik umuwi para kumain, tapos hayun, uubusan ka ng ulam lalo na kung adobo. Akala nila hindi na ako kakain kasi lampas alas siyete na— akala nila nakakain na’ko. Pero hindi pa naman. NAKAKAASAR. Palibhasa kasi wala kaming kasamang magulang o kaya guardian. Wlaang nag-aaalala sa kinabuksan ng sikmura ni Batopik. Haay!

Pero sana hindi na ako makaramdam ng ganito. Pero kasi hindi ko mapigilang mainis eh. HAHAHA!


Pebrero 2, 2010

TINATAMAD NAKO.
O_O


SEATMATE

Enero 30, 2010

Alala ko pa nung hayskul. Seatmates tayo dahil hindi nagkakalayo ang ating mga height *ehem* {front row seaters}

First day. Bagong school. Bagong environment. High school kasi. Batopik— di umiimik. di kumukurap. may sariling mundo. Sabi ng kaklase natin, “Pipilipitin ko na dila niyan para magsalita.” Natatawa ako sa loob ko. Saktong pansinan. Saktong usapan. Nahihiya pa kasi ako.

2nd year. Uy. Magkaklase tayo ulit. At paboritong ayos ng upuan ng mga guro ang by height. Magkatabi ulit tayo, pero sa piling subjects lang. Nadevelop. Natutong makipag-interact. Lalong naging close. Ayan na. Recess. Uy, baba tayo? Mamaya na lang ang dami pang tao sa canteen eh. Ah sige, sabay na lang ako sayo. {SMILE} Uwian. Hihinto sa mga stalls ng streetfood. JMB Burger stand—yung siomai nilang malinamnam. Pati gulaman. Ang sarap. Tas minsan chicken poppers o kaya tinapay sa kanto. Kasabay mo pag-uwi. Kasabay maglakad. Una bilang strangers, ngayon acquaintances na…sige, bukas friends na.

3rd year. Uy anong section mo? Rutherford; ikaw? O talaga, Rutherford din ako eh. WAW. Ang galing! XD Uy tabi tayo ha! Values. Nababagot ka na. Nababagot na din ako. Sakto magkatabi tayo, exchange notes. Ang dami niyo nang napag-usapan. Lahat na napagtsismisan niyo. Narealize mo masaya ka dahil may nakakaintindi sayo. Masaya ka dahil may nakikinig sayo. Masaya ka dahil tahimik ka, at tahimik din siya. At least pareho kayo ng language. At least bestfriends kayo :)

May nagtanong na common friend, “Paano ‘pag magkasama kayo ni She, eh diba tahimik din siya?”

isang malaking HAHAHA!


January.

Enero 30, 2010

Hindi na ako aware sa oras. Akala ko isang buwan na simula nang magthird term—apat na araw pa lang pala ang nakalipas.

GRABE. Nag-iiba na ang lifestyle ko.
Hindi na ako nagccrave for internet. Nakakpanibago. Pero gusto ko pa rin magblog. Kelangan ng bagong scheme…

Isip muna ako.
{update next time}

PLUG: http://superkaduperrr.tumblr.com


Enero 21, 2010

WORD: IDLE


Blog Rejuvenation Syndrome

Enero 17, 2010

Ito yun eh.
Yung gustong- gusto mong magblog, pero wala kang matinong ibabahagi sa kanila.
Sabik, pero blankong papel lang ang maibibigay mo sa kanila.
Masaklap, pero ganun talaga.
Sana bumalik na ang lumang ako.

HALA. May lamok! {reincarnate}


tara, soundtrip tayo

Enero 5, 2010

Vegas Skies, The Cab
Alcohol, Cansei De Ser Sexy
Linger, Cranberries
Numb, Linkin Park
Hey There Delilah, PWTs
Strawberry Swing, Coldplay
Kill You, Eloise
Fireflies, Owl City
When You’re Looking Like That, Westlife
World of Our Own, Westlife
Knocking on Heaven’s Door, Avril Lavigne
Stop and Stare, One Republic
Dust, Augustana
Money for Food, Barbie’s Cradle
Wall Poster Star, The Brunettes
If You Were Alien, The Brunettes
Unchanging, Chris Tomlin
Wonderful Maker, Chris Tomlin
Smooth Criminal, Alien Ant Farm
All That I’ve Got, The Used
Yesterday’s Feelings, The Used
Teenage Dirtbag, Wheatus
From Yesterday, 30 Seconds to Mars
Twenty Four, Switchfoot
Hate Every Beautiful, Sugarcult
Goodbye, Spice Girls
Make This Go On Forever, Snow Patrol

P/Reset, Imago

Betamax, Sandwich


nilalabanan kasi ng musika ang depresyon. wala lang. subukan niyong pakinggan lahat nang yan sunud-sunod, tapos hindi mo na matatapos ang case study mo hanggang sa abutin ka na ng alas dos ng umaga kakatitig lang sa draft ng ginagawa mong thesis. Backspace. tapos ita-type mo ang lahat ng ideyang naisip mo. tapos backspace na naman. Paulit-ulit. Akala mo marami ka nang nagawa, kaunti pa lang pala. hanggang sa antukin ka. AYUN. Naubusan na ata ako ng mga salita…at kwento. HALASHET.


five-minute laughter

Disyembre 7, 2009

[ ] Knock knock.
Who’s there?
[ ] “Aswang”
Aswang who?

[ ] We were ASWANG, Babe, for a moment in time. And it seemed everlasting that you would always be mine… (Always be my baby tune)

NGAK NGAK NGAK! :)


Lucky Boy at Lucky Girl

Disyembre 3, 2009

Kanina nasa garahe lang ako. Tumatambay. Pinapag-aralan ang paligid. Hanggang sa sumaliw sa mga tenga ko ang mga batang naglalaro sa labas. Mga bata sa kalapit-bahay, malamang.

Pinag-aralan at sinundan ko ang bawat salitang lumalabas sa kanilang bibig. Hagikgikan, sigawan, daldalan. Ang liliit ng mga boses, ang kukulit.

Lalo kong tinutukan nang marinig ko ang isang batang nagsabi sa kanyang kalaro, “Hoy, Lucky Boy itawag mo sa akin, tapos Lucky Girl naman itatawag ko sa’yo”. “O sige”, sabi naman ng batang babae. Hanggang sa lalong umingay ang usapan nila, Nagsisigawan na sila—Lucky Boy pasigaw kay Lucky Girl at si Lucky Girl naman sinisigaw ang pangalang Lucky Boy. Ang sweet. HAHAHA.

Hindi ko alam kung ano ang nilalaro nila, pero nakakatawa na habang musmos at inosente pa ang pag-iisip nila, malaya sila sa mga malisya at iba pang kamunduhan. Walang paki-alam sa kung ano man ang iisipin ng iba, basta masaya sila.
—Inosente, walang muang, at hindi pa masyadong lantad sa mga makataong emosyon–handog sa atin ng ating pagkabata. Hindi pa mabigat ang lahat ng bagay sa mundo. Lahat parang wala lang. Sana kahit tumatanda na at dumadami ang responsibilidad ng isang tao, parang maging wala lang din ang lahat. Nakakapagod kasi maging matanda…

At nakakamiss tuloy maging bata.